Kabanata 11

434 11 0
                                    

Skyla Valderama's POV

NANDITO kami sa loob ng bahay ni kapitan Walding, iyan ang pangalan niya. Narinig ko lang sa tabi-tabi.

Nakaupo kami ni Alas dito sa sopa sa may sala. Marami ring tao dito.

Nakatahimik lang ako at nakikinig sa pagkikipagbatian ng mga tao kay Alas. Pansin ko lang, kung ituring nila si Alas ay parang napaka espesiyal niya, para bang isa itong kagalang-galang na tao. At siyempre hindi nawawala ang mga babaeng nagpapabebe sa kaniya, pero dini-deadma lang naman sila ni Alas.

"Pre, Alas?" May isang lalaking tumawag kay Alas, actually hindi pala siya nag-iisa, may mga kasama siya, isa silang grupo. Ang bilang nila ay lima.

Kasalukuyan na silang naglalakad papalapit sa amin ni Alas. At pagkalapit nila ay agad silang nakipag-fist bump kay Alas.

"Kamusta, pre? Long time no see." -Lalaki 1. Ito 'yong tumawag kay Alas.

"Grabe, pre. Ibang-iba ka na ngayon, ah. Kada uwi mo dito lalo kang gumagandang lalaki." -Lalaki 2

"Noong isang buwan ka pa dumating pero ngayon ka lang namin nakita, at mukhang alam na namin kung bakit." -Lalaki 3, habang binabato ng makahulugang tingin si Alas.

Kakadating niya lang no'ng isang buwan? Bakit saan ba siya nagpunta? Saan ba siya nanggaling?

"Kaya naman pala lagi kang nagkukulong sa bahay mo, ah." -Lalaki 4, at nagtawanan sila.

"Kasi, may maganda kang kasama." -Lalaki 5

They now looking at me. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. Hindi ako ulam kung saan ako babaling ng tingin kaya napayuko na lang ako.

"Ibang klase ka talaga, Alas." -Lalaki 1

"Pakilala mo naman kami, pre." -Lalaki 2

Bigla ulit akong inakbayan ni Alas. Napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"This is Skyla, my girlfriend," ani ni Alas habang titig na titig sa mga mata ko.

Naghiyawan naman 'yong mga lalaking. Hindi ko alam kung ano sila ni Alas, pero I think mga kaibigan niya ito.

"Hello po, good afternoon po sa inyo, " nakangiti kong bati sa kanila. Ang pangit naman kung hindi ko sila babatiin 'di ba?

Nakipagkilala sila isa-isa sa akin. Tama nga ako, mga kaibigan nga sila ni Alas.

Habang nakikipagkilala ako sa kanila ay ang higpit-higpit na hawak ni Alas sa palapulsuan ako, pero hindi naman sa punto na nakakasakit na ito.

*

NGAYON abala na ang mga tao sa pagkain.

"Dito ka lang, ikukuha kita ng pagkain," ani ni Alas sa akin. Tumayo na siya sa pagkakaupo niya at ambang susulong na sa paglakad pero agad kong hinawakan ang kamay niya para pipigilan siya. "Bakit?" he asked.

Tumayo ako at inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. Ibubulong ko na lang, baka kasi may makarinig, nakakahiya naman. "Damihan mo 'yong sa akin, ha?" request ko.

Marahan siyang natawa. "Iyon lang pala, akala ko naman kung ano na." Bahagyang napapailig pa siya. "Masusunod, mahal na señorita. Iyon lang ba? Wala ka na bang ibang gusto or request?" May nakakalokong ngiti ang nakaukit sa labi niya.

Mabilis akong umiling ako. "Wala na po, mister." I said while smiling.

Hindi naman kalayuan ang lamesang pinagpapatungan ng mga handang pagkain kaya agad na nakabalik si Alas.

Nagningning ang mga mata ko nang makita ang platong hawak ni Alas. Naglalaman ito ng spaghetti na talaga namang super kini-crave ko. "Here's your spaghetti, miss," aniya habang ibinababa sa table ang dalang pagkain.

Hindi na akong nagsayang pa ng oras, agad ko itong nilantakan.

Ang sarap kahit na simple at oradinaryo lang 'yong lasa.

"Hey, dahan-dahan lang baka mabulunan ka," paalala sa akin ni Alas.

Hindi ko na inisip 'yong mga tao sa paligid basta ako makakain lang.

Pero ang masarap na pagkain ko ay naputol nang may lumapit na naman kay Alas.

Isang babae.

Pasimple kong pinasadahan ang kabuuhan niya. Maganda siya, she's a morena type of girl, matangkad din siya. Pang beauty queen ang ganda niya. Ang suot niyang damit ay 'yong tipikal na isinusuot ng mga probinsiyana. At sa tansiya ko kaedaran lang din siya ni Alas.

"Ahm, Alas... pinapatawag ka ni papa sa likod. Magsismula na daw kayo," anito habang hinahawi ang buhok papunta sa likod ng kaniyang tenga na para bang napakahinhin niya.

"Susunod na kamo ako, pinakain ko lang itong girlfriend ko, sobra kasing nagutom," ani ni Alas at hindi manlang tinapunan ng tingin ang babae, kasi 'yong tingin niya nasa akin lang.

Kanina pa ba siya nakatingin sa akin? Don't tell pati 'yong pagkain ko pinapanood niya?

Napasulyap sa akin 'yong babae. "A-ahm sige, sasabihin ko na lang kay papa, " anito at iniwan na kami.

"Sino iyon?" kyuryoso kong tanong kay Alas.

"She's Aira, anak ni kapitan."

"Ahh..." Napatango-tango ako. "Maganda siya," kaswal na sabi ko. And I said it kasi gusto kong makita ang magiging reaksiyon niya at marinig ang sasabihin niya, kaso wala namang nagbago sa ekspresiyon ng mukha niya, blangko pa rin.

"Yea, pero mas maganda ka pa rin.' bulong niya, pero malinaw na malinaw ko itong narinig,

Nag-init magkabila kong pisngi. Buti na lang hindi na siya nakatingin sa akin. Mamaya kung ano pang isipin niya. Natural lang talaga sa aming mga babae ang mag-blush kapag sinasabihan kaming maganda.

Nagkunwari na lang akong hindi narinig ang sinabi niya, pero alam n'yo, sanay na akong sinasabihan ng maganda pero bakit nang si Alas na ang nagsabi sa akin. Bakit may kakaiba akong naramdaman sa aking dibdib?

"Gusto mo pa?" biglang tanong sa akin ni Alas.

"Ha?" Nabigla ako.

"Ng pagkain?"

Agad akong umiling. "Hindi na. I'm full na. Pero puwede bang magpa-take home?" tanong ko gamit ang maliit na tinig.

Napahagalpak siya. "Sige, hihingi tayo mamaya kay kapitan bago umuwi."

Yehey!

Amp! Parang bata naman ako nito.

*

MAY magaganap na inuman sa likod ng bahay ni kapitan, kaso itong si Alas mukhang ayaw makisali. Kanina pa siya tinatawag pero tango lang ang isinasagot niya. Nakakahiya naman kay kapitan, tuwang-tuwa pa naman ito nang makita siya.

Ang kj naman kasi ng lalaking ito.

"Alas, sige na pumunta ka na doon kila kapitan, kanina ka pa nila tinatawag, oh."

"Hindi ako iinom," aniya.

"Alas naman, birthday ng tao tapos ayaw mo pang pabigyan, " nakalabing wika ko.

Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya.

"Pumunta ka na doon at makisali kahit sa saglit lang," ani ko pa. "Kung iniisip mo ako, dito lang naman ako, hindi ako aalis dito. O kaya sasamahan na lang kita do—"

Napatiim bagang siya. "Maraming lalaki doon. Inuman iyon, Skyla." Magkasalubong na magkasulubong ang makakapal niyang kilay.

"Sabi ko nga, dito na lang ako."

"Hindi rin kita puwedeng iwanan dito, maraming nagkalat na aso, mahirap na baka makagat ka pa."

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. "Wala naman, ah?"

Umalon ang adams apple niya. "Meron. Marami. Napaka rami." Puno ng sarkasmo niyang sabi.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon