Kabanata 42

472 7 1
                                    

Alas Deogracia's POV

KANINA pa ako sa lugar na ito. Nauna na ako dito. Hindi ko na nahinintay pang dumating 'yong iba kong kasamahan. Baka kung ano nang gawin ng mga hayop kay Skyla.

Hindi na muna ako sumugod kahit na alam kong kayang-kaya ko naman sila, baka kasi magkagulo at malagay sa alanganin ang buhay ni Skyla.

Hinanap ko muna kung nasaan siya. Hindi ako nahirapang pasukin ang lugar dahil abalang-abala ang mga pulpol sa pag-iinuman. Nasa bente lang ang bilang nila kaya nasabi kong kaya ko sila, pero kahit ganoon kailangan ko pa ring mag-ingat at maging alerto.

Malaki itong lugar, pero madali ko lang nahanap si Skyla. At halos lamunin ako ng sobrang galit nang makita ko si Skyla na punit ang pang itaas na damit. At ang may gawa nito ay isang matandang lalaki.

Damn, him!

Mapapatay ko siya!

Wala na akong sinayang na sandali. Agad akong lumapit sa kanila, kaya ang ambang paghalik nito kay Skyla ay hindi na nito naituloy dahil tinutukan ko ito ng baril sa sentido.

Fvck! Paano na lang kung nahuli ako ng kaunti? Baka natuloy na gagong ito ang masama niyang balak kay Skyla!

Sa sobrang gigil at galit ko ay napalakas ng sobra ang pagkakahampas ko dito. Nagdugo pa nga 'yong ulo. Well, he fvcking deserve it! Kung tutuusin kulang pa nga iyan sa ginawa niyang paghawak-hawak kay Skyla. Gusto ko siyang gilitan ng leeg! Kung hindi ko lang talaga kasama si Skyla ngayon ay baka kanina ko pa ito nagawa.

Right now we are just looking for a timing to come out here, because in any time, this old bastard will wake up.

Hindi na kami makakadaan sa dinaanan ko kanina which is likod, dahil nagkalat na rin ang mga tao dito.

"Alas, paano na tayo? Naglakat sila," ani ni Skyla na nakayakap sa braso ko.

"Baby, live it to me, ako na ang bahala, okay?"

Damn, Evrix nasaan ka na ba? Bakit ang tagal mo?

Sumilip ako sa maliit na awang ng pinto. 'Yong mga gago, abalang-abala.

Bawat isa sa kanila ay may baril, hindi lang isa kundi 'yong iba dalawa-dawala at tatlo-tatlo pa.

Nawala ang kapit sa akin ni Skyla kaya nilingon ko siya.

Fuck!

Nagtagis ang bagang. Ang matandang gago gising na siya, hawak niya si Skyla. At tulad ng ginawa ko sa kaniya kanina, tinutukan niya rin ng baril si Skyla sa ulo.

"A-Alas?..." luhaang tawag sa akin ni Skyla. Takot na takot na siya.

Maging ako rin, natatakot. Tang ina! May baril na katutok sa ulo niya! Isang maling galaw niya lang baka kalabitin ng gago 'yong gatilyo!

"Fvck, let her go!" Mariin kong sigaw.

"Akala n'yo ba basta na lang kayo makakaalis dito?" natawa siya. "Pinadala ka ba ni Evan, ha?"

Amabng lalapit na ako sa kanila pero...

"Sige, subukan mong lumapit, pasasabaugin ko ang ulo nito!" anito at pinadiinan ang nguso ng baril sa sentido ni Skyla.

"Damn! Ilayo mo iyan kay Skyla! Baka maiputok mo iyan!" mariing sigaw ko.

"Bossing, anong nangyayari dito?" biglang pumasok ang mga tauhan nito.

"Mga gago! Ano bang pinaggagawa n'yo? Nalusutan na kayo, oh! Mga wala kayong kuwenta!"

"Pasensiya na, bossing."

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon