Kabanata 26

478 10 0
                                    

Skyla Valderama's POV

NAPAKA lakas ng ulan, maging ng hangin. Ayon sa balita ay naglanding na ang bagyo.

In fairness sa bahay ni Alas, napaka palaban. Mukha lang bulok pero may ibubuga pa naman, medyo nakakatakot lang dahil gumagalaw 'yong bubong na para bang liliparin na ito.

Napabaling ako sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok dito si Alas.

"Nagluto ako ng lugaw, ito na ang hapunan natin."

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Nasa isip ko na iyan kanina, e. Ang sabi ko ang sarap kakong kumain ng lugaw. Minsan iniisip ko na mind reader ba itong si Alas o talagang nagkakataon lang ang lahat?

"Dito na tayo kumain, kasi mukhang ayaw mong tumayo diyan," natatawang sabi niya.

Ang lamig-lamig kasi kaya heto ako balot na balot ng kumot. Hindi naman ako nakahiga, nakaupo lang ako, yakap-yakap ang mga tuhod.

Ibinaba niya ang lugaw sa papag.

"Dito ka na rin kumain," aniko.

"Ditong nga," aniya.

"E, kung ganoon nasaan 'yong sayo?– 'yong pagkain mo?" Isang mangkok lang kasi ng lugaw ang dala niya.

"Kukuha pa lang ako ng sa akin."

"Huwag na, huwag ka ng kumuha... mag-share na lang tayo dito."

Tinasaan niya ako ng isang kilay at hindi din nakawala sa akin ang pagsilip ng ngiti sa kaniyang labi.

"Ano kasi... para hindi ka na mapagod pa at para makatipid na rin sa hugasing plato."

He chuckled. "Kaya naman pala, gusto lang makalusot sa gawain."

"Hindi naman sa ganoon. Ayaw mo ba akong makasalo?" I pouted.

Bumuntong hininga siya. Inangat niya ang isang kamay niya at inilapit ito sa mukha ko. Akala ko kung anong gagawin niya, iyon pala ay pipigain niya lang ang ilong ko sa marahang paraan. "Tara na kumain na tayo, salo na tayo, pero huwag mo akong sisisihin kapag iba ang nakain ko, ha?"

Pinamulahan ako kahit na hindi ko naman na-gets ang sinabi niya. "Paanong iba ang makain?"

"Iyang labi mo," mahina niyang sabi.

"Huh?" Hindi ko narinig ang sinabi niya.

"Wala. Tara na, kain na tayo," aniya.

At iyon nga, nagsalo kami ni Alas. Isang kutsara lang ang ginamit namin, nagsalit-salitan lang kami.

Nagulat nga ako dahil bigla na lang niyang inagaw sa akin ang kutsara ko. I said salo kami sa pagkain pero hindi sa kutsara.

Pinakuha ko siya ng kutsara niya, pero ayaw na niyang tumayo sa prenteng pagkakaupo niya, mukhang nasarapan na.

Nagkakahalo na ang laway na namin pero mukhang wala lang naman ito sa kaniya.

Hindi ba siya nandidiri?

Sabagay wala naman siyang dapat ika-diri dahil alagang toothpaste naman ang bibig ko.

Kung ako naman ang tatanungin n'yo, kung nandidiri ba ako? Hindi ang sagot ko. Dahil sa totoo lang lalo pa ngang sumarap ang lugaw dahil sa laway niy—haist! Ano ba itong pinag-iisip ko! Nagiging mahalay na ako!

Pagkatapos naming kumain ay iniwan na ako ni Alas, siya na daw ang maghuhugas ng pinagkainan.

Malakas pa rin ang ulan sa labas, hindi na ito tumila mula kaninang umaga.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon