Skyla Valderama's POV
"ALAS?"
Ang boses na iyon... kay Aira iyon, hindi ako puwedeng magkamali.
Bakit na naman kaya siya nandito?
Nasa likod bahay si Alas, kaya panigurado hindi siya nito naririnig.
"Alas?" tawag pa niya at bahagyang sumilip pa sa pintong nakabukas. At nang makita niya ako ay bahagyang siyang nagulat. "Si Alas ba nandiyan?" tanong niya sa akin. Napaka hinhin niyang babae. Ang sabi ni Alas isa itong guro. May narating na siya sa buhay. Kaya ano bang panama ko sa kaniya?
Ako?--Isang estudiyante pa rin, isang estudiyante na hindi na nakakapasok sa school dahil nga sa nangyayari ngayon sa buhay namin.
"Nasa likod bahay siya, sandali tatawagin ko."
"Naku, hindi na, baka busy siya," pigil niya sa akin. "Naparito lang naman ako para ibigay ito." May hawak siyang food container. Hindi ko matukoy kung anong laman nito. "Natapon ko kasi 'yong kare-kareng pinabibigay ni papa kay Alas, kaya heto nagdala ako ng bago. Paki bigay na lang 'to kay Alas."
'Yong kare-kare pa rin pala.
Inabot ko ito. "Salamat," aniko.
"Sige mauna na ako," paalam niya at umalis na.
Napatingin ako sa hawak kong food container na may lamang kare-kare. It's a clear plastic container kaya kita ko ang laman nito. Bigla akong natakam. Itsura pa lang kasi nito mukhang masarap na at humahalimuyak din ang masarap nitong amoy.
"Skyla, may narinig akong nagsalita. May tao bang dumating." Si Alas at base sa tinig niya ay papalapit na siya dito sa akin. At heto na nga siya.
"Si Aira dumaan, pinabibigay niya sayo ito." Tukoy ko sa hawak kong kare-kare. "Umalis din siya agad, sabi ko nga tatawagin kita kaso huwag na daw, baka daw kasi busy ka." Sinasabi ko lang kasi ayaw kong isipin niya na pinaalis ko ito or what.
Tumango-tango lang siya.
"Tara kainin na natin hanggat mainit pa," aniko.
"Sige, kanina ko pa rin hinihintay iyan."
"Oo nga pala, paborito mo nga pala ito."
"How did you know?" Gulat na gulat siya.
Natawa ako. "You mention it earlier."
...
HERE I am nakaupo sa damuhan, nakatanaw sa malawak na bukirin hindi kalayuan sa bahay ni Alas. Naglalakad ako, kasi paano itong magaling n'yong Alas, wala na naman. Every morning na lang paggising ko wala na siya.
"Hi!"
Napabaling ako sa nagsalita. Isa itong babaeng kaedran ko lang din.
Payak akong ngumit. "Hello," ganting bati ko.
Umupo sa siya sa tabi ko. "Ikaw 'yong girlfriend ni Alas 'di ba?"
Tumungo ako. Alangan naman kasing umiling ako 'di ba? Ang pagkakaalam ng mga tao dito ay girlfriend ako ni Alas.
"Huwag kang magagalit, ah? Hindi ba masiyado kang bata para sa kaniya?"
"I'm twenty two na, hindi lang halata kasi baby face ako," pagsisinungaling ko.
"Ah, pasensiya na," napapahiyang wika niya.
"Okay lang," aniko.
"Para kang manika," manghang sabi niya habang titig na titig sa akin. "Ang ganda-ganda mo. Lahat ba ng babae sa Maynila magaganda katulad mo?"
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...