Skyla Valderama's POV
"ALAS, si mama inaanyayahan kayong dalawa ni Skyla na maghapunan sa bahay. Sana makadalo kayo kasi inaasahan niya talaga kayo, lalo ka na Alas, miss ka na kasi niya at gusto niya ring makilala si Skyla," ani Aira. Oo nandito na naman siya.
"Pasabi kay tita na makakaasa kamo siya, pupunta kami ni Skyla," ani ni Alas.
"Sige, hindi na ako magtatagal, kita na lang tayo mamaya," ani Aira at umalis na ito.
"Pupunta talaga tayo, Alas?" Ewan ko pero parang kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Parang hindi maganda ang kutob ko, para bang may mangyayaring hindi maganda.
"Uh-hmn. Bakit ayaw mo ba? Kung ayaw mo puwede namang hindi na lang."
"Nagsabi ka nang pupunta ka, nakakahiya naman kung bigla mong babawiin. Pumunta na tayo."
*
HETO ako ngayon, naghahanap ng isusuot para sa dinner sa bahay nila Aira mamaya. Gusto kong magmukha presentable ang itsura ko.
"Ano bang hinahanap mo?" tanong ni Alas. "Kanina ka pa kalkal nang kalkal diyan."
I pouted. "Wala kasi akong makitang puwedeng isuot para mamaya. Wala na 'yong mga dress ko."
Umarko ang kilay makakapal niyang kilay. "Makikikain lang tayo, bakit kailangan mo pang magsuot ng ganoon?"
"Alas, gusto ko lang maging presentable sa harapan nila."
"Baka kamo maging maganda sa harapan nila–ng mga lalaki," matabang na sabi niya.
Huh? Bakit naman ako magpapaganda sa harap ng ibang lalaki? Ano sila mga hilo?
"Tsaka hindi mo naman kailangan mag-dress pa, kahit anong isuot mo maganda ka pa rin," dagdag niya pa.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang mapangiti.
"Alam mo ba kung anong dapat gawin sayo? Takpan iyang mukha mo para..." Sandali siyang huminto sa pagsasalita. "...para wala akong maging kaagaw sayo..." pagpapatuloy niya pero pabulong niya itong sinabi kaya hindi ko ito narinig ng malinaw.
"Alas, hindi mo kasi ako naiintindihan, palibahasa kasi hindi ka babae. Mahalaga sa amin ang itsura namin lalo pa't haharap kami sa mga tao."
"So, gusto mo ng dress?"
"Oum, tsaka make up na rin. Nawawala kasi dito sa bag ko 'yong akin. Saka ang alam ko at pagkakatanda ko may mga ilang dress pa ako dito sa bag ko. Bigla na lang nawala lahat. Nakita mo ba?"
"Tinapon ko," aniya at very chill pa ang pagkakasabi niya.
"Ano?–Bakit mo tinapon?" Sabi na nga ba may kinalaman siya, e! Kasi hindi naman basta mawala iyon dito sa bag ko.
"Malay ko ba kung ano ang mga iyon? Akala ko basura kaya tinapon ko."
"Sayang naman puro branded pa naman ang mga iyon," puno ng panghihinayang na sabi ko. Pero wala naman na akong magagawa 'di ba? Wala na, e. Naitapon niya na.
"Bili na lang tayo ng bagong dress," aniya dahilan para maptitig ako sa kaniya.
"Totoo, Alas?" Hindi ko na naitago sa tinig ko ang labis na tuwa.
"Uh-hmn. Pero iyan lang ha? Huwag na 'yong mga pangkaulay sa mukha."
Sunod-sunod akong tumango.
"Tapos ako din ang pipili ng damit."
"Huh? Ano namang alam mo sa mga damit pambabae?"
"Anong alam ko? Marami."
"Katulad ng?" tanong ko.
"Pangit 'yong sobrang ikli."
Napanguso ako. Conservative pala ang Alas n'yo.
"Saka 'yong sleeveless, pangit iyon."
Tinaasan ko siya ng kilay. " E, ano naman 'yong maganda para sayo? Turtle neck and jeans?"
"Iyan, iyan ang maganda."
"Magtigil ka, Alas. Wala kang alam sa fashion."
"Kung ganoon huwag na tayo bumili."
"Oo na, sabi ko nga, ikaw na ang bahalang mamimili," napipilitang sang-ayon ko.
*
DITO na lang kami sa palengke bumili, okay lang naman sa akin dahil magaganda naman ang mga tindang damit dito, at hindi lang iyon mura pa.
"Alas, ayaw ko niyan, hindi ko trip iyan, pang sa mga nanay na iyan, e!" pamaktol kong sabi kay Alas. Biruin n'yo ba naman kasi, daster 'yong gustong niyang bilhin para sa akin.
"Maganda naman ito, ah? Bulaklakin at kumportable pang isuot."
"Alas, baka naman mapagkamalan akong buntis niyan," mahina kong sabi.
"Maganda nga iyon, eh," nakangisi niyang sabi.
Ramdam ko ang biglang pamumula ng magkabila kong pisngi. "Alas naman, ayaw ko niyan. Hanap tayo ng iba." Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at hinaltak ko na siya papunta sa susunod na tindahan. Nagpatianod naman siya.
Kanina pa kami paikot-ikot dito sa palengke pero hanggang ngayon wala pa rin kaming nabibiling damit.
'Yong mga tinuturo kasi ni Alas ay bukod sa ang papangit at ang babaduy ay mga pang matatanda pa. Tapos kapag ako naman 'yong pumili always no at bawal ang sinasabi niya.
May nadaanan ulit kaming tindahan ng damit at may isang bistida dito na umagaw sa antensiyon ko.
Finally may nakita na rin ako at sa tingin ito 'yong pinaka the best sa lahat ng damit na natipuhan ko dito sa palengke.
"Ito ang gusto ko, Alas." Tukoy ko sa sun dress na kulay baby blue.
Kinunutan niya ako ng noo. "It's a big no, Skyla," seryosong sabi niya.
Ayan na naman po siya.
Ayos naman 'yong damit, simpleng bistida lang.
"Gusto ko ito, Alas."
He sighed. "Hindi puwede iyan."
"Bakit na naman? Ayos naman ito ha?"
"May usapan tayo, Skyla. Na ako ang pipili ng damit, at iyang damit na iyan, ayaw ko niyan."
Malungkot akong napangiti.
"Huwag na nga lang tayong bumuli. Tara umuwi na tayo," Nilagpasan ko siya at naglakad na palayo.
"Skyla?..." Sinundan niya ako.
Hindi ko siya nilingon.
"Hey, Skyla?" Hinaglit niya ako sa braso kaya napahinto ako sa paglalakad at napabaling ng tingin sa kaniya.
"Sige na, bibilhin na natin, huwag ka na magtampo," malambing na sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...