Kabanata 35

482 7 0
                                    

Skyla Valderama's POV

PAGMULAT ko ng aking mga mata ay ang mukha na agad ni Alas ang bumungad sa akin. Titig na titig siya sa akin. "Good morning," bati niya.

"Good morning too," balik-bati ko.

"How's your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos, hmn?" tanong niya at ngayon ko lang napansin, nakahiga pala siya sa tabi ko, pero patagilid na posisiyon.

"Ahhh... Oo," sagot ko at nautal pa nga.

"Mabuti."

Nabalot kami ng kahimikan, pero nanatili kaming naka kapit sa pagtitig sa isa't isa.

"I'm sorry, Skyla," biglang sabi niya.

"Huh? Para saan?"

"For not believing you in the very start. Alam ko na kung anong totoo. Umamin na si Aira."

"Hmp!" Pinag-ekis ko ang mga braso ko sa ibabaw ng dibdib ko. "Nagtatampo pa rin ako sayo pagdating sa bagay na iyan. May pa kila-kilala si Aira kuno ka pang nalalaman diyan, kesyo matagal kayong magkilala kaya ayon mas piniwalaan mo siya. Sabagay sino ba naman ako sayo 'di ba?"

"Skyla, kaya nga nag-so-sorry ako. I admitted, nagkamali ako. Please, patawarin mo na ako," he pleaded.

"Sige na nga, apology accepted," ani ko, para naman kasing kaya kong magtampo sa kaniya. Pasalamat siya mahal ko siya kundi isusumbong ko siya kay daddy, pati na rin 'yong Aira na iyon at 'yong ina niyang dragona.
Natigilan ako ng maramdaman ko ang magaspang na kamay ni Alas sa pisngi ko. Marahan niya itong hinahaplos.

"Napaka ganda mo talaga," wika niya sa parang paos na tinig. Ang sexy lang ng dating, ang sarap sa tenga.

"S-salamat..." wika ko.

"Ako, guwapo ba ako?" tanong niya.

"Tinatanong pa ba iyan? Oum, sobra kamo."

He chuckled. "Very honest lady, huh?"

"Always naman akong honest, minsan nga lang hindi pinaniniwalaan," matabang na sabi ko.

"Hey, baby. Huwag mo ng ipaalala sa akin 'yong kagaguhan kong ginawa."

Namilog ang mga mata ko. "A-anong tinawag mo sa akin?"

"Bakit, ano bang tinawag ko sayo?" Maang-maangan niya.

"Y-You called me b-baby..." halos bulong na sabi ko.

"Damn!" mahina siyang napamura. Hinatak niya ang collar ng damit niya na para bang niluluwagan ito. Bumangon siya pagkakahiga niya. "Ihahanda ko na ang almusal mo. Sumunod ka na lang kusina," aniya at lumabas na ng kuwarto ko.

I giggled. Huli na nagpapalusot pa.

Baby pala, huh?

*

"SKYLA, may gustong kumausap sayo."

"Sino naman?" tanong kay Alas. Nakatingin siya sa may pinto kaya napabaling ako dito.

Si Aira at ang parents niya. Anong kailangan nila sa akin? Don't tell me pagtutulungan nila ako?

"Alas, bakit sila n-nandito?" kinakabahang tanong ko.

"Gusto nilang mag-sorry sa nagawa nila sayo," sagot niya.

Sila?

Mag-so-sorry?

Weh?

'Di nga?

Totoo?

Anong nakakain nila?

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon