Kabanata 31

470 5 0
                                    

Skyla Valderama's POV

"SKYLA, nagpunta lang ako dito para mag-sorry sa mga sinabi ni mama kagabi."

Nginitian ko siya ng payak. "Wala na iyon, Aira," wika ko.

"Buti na lang talaga mabait ka, paano na lang kung iba iyon? Baka napasama pa kami."

"May gusto ka ba kay Alas?" diretsiya kong. Obvious na naman pero gusto kong marinig mula sa bibig niya.

"Ang impokrita ko naman kung sasabihin kong hindi 'di ba? Oo... gusto ko siya, gusto ko siya mga bata pa lang kami, pero hindi mo naman kailangang mag-alala dahil wala akong balak makisapaw sa inyo--na sirain kayo."

Mabuti kung ganoon. Marunong ka naman pa lang lumugar. Alam mo naman pala ang salitang respeto.

"Sige, mauna na ako. Nagpunta lang talaga ako para humingi ng dispensa sa inasal ni mama kagabi."

"Sandali," pigil ko sa kaniya na ambang tatalikod na. "Nagluluto si Alas ng breakfast, dito ka na kumain," yaya ko sa kaniya.

Ayaw ko namang maging mean sa kaniya. Kaibigan siya ni Alas, hindi ko dapat siya ilayo dito.

Wala naman kasing rason para magalit ako sa kaniya. Hindi totoo kung anuman ang meron sa amin ni Alas. Oo gusto ko si Alas--No hindi lang pala pagkagusto itong nararamdaman ko sa kaniya... kasi mahal ko na siya.

"Nandiyan ba si Alas?" tanong niya.

"Wala siya, maaga siyang umalis, kaya sabayan mo na ako nakakalungkot kasing kumain mag-isa."

"S-sige," pagpayag niya.

Nagtungo kami sa kusina. "Masarap magluto si Alas kahit pa simpleng putahe lang," wika ko habang naghahain.

"Talaga? Hindi ko pa kasi natikman. Si Alas kasi 'yong palaging nakikikain sa bahay, kulang na nga lang doon na rin siya matulo—" napahinto siya pagsasalita. "Pasensiya na ang daldal ko."

"Ayos lang," anang ko.

"Si Alas ba nag-almusal na?" tanong niya.

"Hindi na siya nakapag-take ng breakfast dahil sa pagmamadali."

"Saan ba siya nagpupunta?" tanong niya pa.

"Hindi ko alam, e. Pero ang sabi niya sandali lang daw siya."

"Hindi mo alam? Hindi makapaniwala niyang tanong. "Dapat inaalam mo, mahirap na, baka kasi-"

"May tiwala ako sa kaniya," putol ko sa sinasabi niya. "Hindi siya magsisinungaling sa akin," dagdag ko pa.

"T-tama, hindi ang tipo ni Alas ang magloloko."

"Kain ka lang diyan," ani ko kay sa kaniya. "Teka sandali ipagtitimpla kita ng---anong gusto mo milk or coffee?" tanong ko.

"Coffee na lang," sagot niya.

"Ipagtitimpla kita," aniko at kumilos na ako.

Nang matapos ako ay ibinigay ko na ito sa kaniya. "Heto na ang kape mo," aniko habang dahan-dahang ibinaba sa mesa ang kape niya.

"Skyla, nandito na ako!" Si Alas, nakauwi na siya. Hindi lang ako sa pag-uwi ni Alas na-e-excite kundi maging sa dala niya. Panigurado may pasalubong na naman siya sa akin.

Lalayo na sana ako kay Aira para pupuntahan na si Alas pero natigilan ako dahil...

Hinawakan ni Aira ang kamay ko at ginamit niya ito para tabigin ang tasa ng mainit na kape. Natumba ito at tumapon sa hita ni niya.

Napatanga ako at nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

Agad na napatayo si Aira at napatalon dahil sa pagkakapaso "A-ahhh... a-aray! Ang init!..." Napatili siya.

Ang sakit ay bumalatay sa kaniyang mukha. Ang mga mata niya ay nagbabadiya na sa pagtulo ng luha.

Bakit niya ginawa iyon?

"Aira, bakit mo ginawa iyon? Mainit iyon, halika gamutin natin baka napaso ka." Nilapitan ko siya.

"L-lumayo ka sa akin!" aniya na animo'y takot na takot siya. "H-huwag ka lalapit! Pinaso mo na nga ako t-tapos may b-balak ka pang s-saktan ako!"

"Ano bang sinasabi mo diyan, Aira? Anong pinaso kita? Ikaw 'yong nagtumba ng tasa kaya napaso ka. At anong sasaktan kita ang pinagsasabi mo diyan?"

"Anong nangyari?" Nagmamadaling pumasok dito sa kusina si Alas. Kita ko sa mukha niya ang labis na pag-aalala.

"A-alas... si Skyal binuhusan ako ng mainit na kape!..." umiiyak na wika ni Aira sabay lapit at yakap kay Alas.

"Aira, alam nating dalawa na hindi toto—"

"Totoo ba iyon, Skyla?" mariin at seroyosong tanong sa akin ni Alas.

"Alas, hindi! Hindi toto—""

"T-tinabunan niya ako ng kape, Alas. Nagagalit kasi siya sa akin dahil sa mga sinabi ni mama kagabi!" putol ni Aira sa tangka kong sasabihin.

Sinungaling!

Napaka sinungaling niya!

"Mabuti gamutin na muna natin iyang paso mo," wika ni Alas kay Aira sabay pangko rito.

"Alas, hindi totoo iyon! Nagsisinungaling lang siy—"

"Mamaya na tayo mag-usap, Skyla," malamig na wika ni Alas at nilagpasan ako.

Wow, just wow!

Papaniwalaan niya talaga ang babaeng iyon kaysa sa akin?

...

Alas Deogracia's POV

"I'm sorry sa ginawa ni Skyla. Minsan talaga she's acting like a brat," ani ko kay Aira habang nilalagyan ng ointment ang hita niya.

"B-buti na lang dumating ka, Alas" Niyakap niya ako. "N-nakakatakot siya. B-balak niya pa nga akong sugudin kaso hindi niya na natuloy dahil nga dumating ka.

Hindi ako makapaniwalang nagawa iyon ni Skyla. Akala ko pa naman nagbago na siya, spoiled brat pa rin pala.

"Ihahatid na kita sa inyo para makpagpahinga ka na," aniko.

"Hindi ko kayang maglakad, Alas. Masakit kasi..."

"I'll just carry you."

"Hindi na, nakakhiya naman. Magpapaaundo na lang siguro ako kay papa."

"I insist. Isa pa gusto ko ring magpaliwanag kila kapitan at sa mama mo. Kung bakit nagkaganiyan ka."

Pumayag naman siya. Binuhat ko siya hanggang sa bahay nila.

"Anong nangyari sa anak ko?" pagalit na tanong ni tita Helen sa akin.

"Tita, natapunan po siya ng mainit na kape, hindi naman po sinasadya ni Skyla," ani ko.

"Skyla? 'Yong nobya mo? Ang nobya mo ang may gawa niyan kay Aira?"

"Tita, kaya nga din po ako nagpunta dito, kasi gusto kong humingi ng dispensa sa nagawa ni Skyla."

Kumunot ang noo ng ginang. "Bakit ikaw ang nanghihingi ng dispensa at hindi 'yong nobya mo?"

"Hayaan n'yo tita, pagsasabihan ko po si Skyla," ani ko.

"Dapat lang na pagsabihan mo iyan, Alas. Wala siyang karapatan na saktan ang anak ko. Aba ako nga na ina hindi ko magawang saktan ang anak ko. Tapos siya bubuhusan niya ng mainit na kape? Ang kapal naman ng mukha niya. Eh kung siya kaya ang buhusan ko ng kumukulong tubig?"

"Tita, baka po may malalim na dahilan si Skyla kung bakit niya nagawa iyon," ani ko pa.

"Kahit ano pa ang ang dahilan niya, Alas. Hindi niya pa rin dapat ginano'n ang anak ko!"

Gusto kong ipagtanggol si Skyla pero kasi siya ang may mali. Ayaw kong maging bias.

"Alas, huwag ka sanang magalit sa akin kung nakakapagsalita ako ng hindi maganda sa nobya mo. Sana maintindihan mo. Ina ako, walang ina ang gustong masaktan ang mga anak nila, walang ina ang hindi magagalit kapag nasaktan ang anak nila.

"I understand, tita."

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon