Skyla Valderama's POV
"MAHAL na kita, Alas..." I confessed. Sa tingin ko kasi ito na 'yong perfect time para sabihin sa kaniya ang tunay na nararamdaman ko.
"Skyla, hindi mo naiintindihan ang sinasasabi mo," seryosong sabi niya.
"Alas, Seryoso ako! Hindi ba malinaw 'yong sinabi ko? I said I love you!" ani ko sabay hawak sa magkabila niyang pisngi. "Mahal na mahal kita, Alas..." Pinagkatitigan siya sa mga mata.
Tinabing niya ang kamay ko dahilan para maalis ito sa pagkakawahak sa pisngi niya. At agad siyang nag-iwas ng tingin. "Tara na umuwi na tayo, for sure pagod lang iyan." Pag-iwas niya sa sinabi ko.
"Alas, naman! Seryoso ako! Huwag mo naman ako iwasan na para bang wala lang sayo ang sanabi ko--na para bang walang kang pakialam."
"Look, Skyla. Nakakamali ka lang. Hindi pagmamahal iyang nararamdaman mo para sa akin, naguguluhan ka lang. Bata ka pa, marami ka pang hindi alam tungkol sa pag-ibig. Hindi ito isang laro. Hindi ito isang pinto na bigla mo na lang papasukin kapag gusto mo at lalabasan kapag ayaw mo na. Iyang nararamdaman mo para sa akin, paghanga lang iyan—parang puppy love, ganoon."
"Hindi, Alas! I know to myself that I felt for you is love. This is my heart, kaya ako lang ang makakapagsabi at makakatukoy kung ano ang nararamdaman ko for you! Mahal kita, Alas! How about you? Ano ba ako para sayo? Do we feel the same way? Do you love me too?"
"Skyla, ayaw kong masaktan ka sa isasagot ko, kaya tigilan mo na iyang pag-aasal spoiled brat mo. Hindi sa lahat ng oras ay sasakyan kita," he said coldly.
"Alas, I'm not a kid anymore!" Napataas ang boses ko. Nakakainis kasi siya, e! Marunong pa siya sa akin, e puso ko 'to, e!
Wala siyang karapatan na kuwestiyonin ang pagmamahal ko sa kaniya kasi totoo namang mahal ko siya! Hindi ako naglalaro katulad ng iniisip niya.
"Yes, you are, Skyla. Bata ka pa!"
Mabilis na nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko.
"O sige, Alas. Sabihin natin na bata pa nga ako, pero hindi ibig sabihin nito ay hindi ko pa kayang magmahal. Mura man ang edad ko pero hinog naman na ang utak ko—hinog na ang puso ko para magmahal. Marunong na akong magmahal, Alas. At iyon ang nararamdaman ko para sayo. If you are scared dahil wala pa ako sa hustong gulang, hindi bale dahil ngayon buwan na lang naman, e... kasi next month eighteen na ako, legal age na ako kaya puwede na tayo..." I was almost pleading.
"Skyla, hindi mo kasi naiintindi—"
"Ikaw ang hindi nakakaintindi, Alas!" putol ko sa sinasabi niya. "I love you, I really d—"
"Kapatid na babae lang ang tingin ko sayo, Skyla," putol niya rin sa akin. At nang marinig ko ito ay para akong sinampal ng isang daang katao. Naestatwa ako at hindi nakagalaw.
Paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang katagang binitawan niya.
"Kapatid na babae lang ang tingin ko sa'yo, Skyla..."
'Yong puso ko parang tumigil sa pagtibok tapos bigla na lang itong dinukot at inihulog sa mataas na building kaya heto, basag na basag, durog na durog.
I bit my lower lip para labanan ang magbabadyang pagtulo ng luha ko.
Kapatid na babae? Iyon lang ako sa kaniya? No! Hindi ko matatanggap iyon!
"Alas, hindi ako naniniwala na iyan lang tingin mo sa akin. Hindi iyan ang naramdaman ko every time na magkasama tayo. 'Yong mga actions mo iba 'yong sinasabi. 'Yong pag-aalaga mo sa akin--na para bang isa akong mamahaling vase na kailangang ingatan. 'Yong pagyakap mo sa akin. 'Yong pagiging madikit mo sa akin. 'Yong mga sweet words mo. 'Yong tingin na ibinabato mo sa akin, I know that kind of look, kasi ganiyang-ganiyan 'yong tingin ni daddy sa tuwing tinitignan niya ang picture ni mommy, it's full admiration and love!"
'Yong mga kilos niya, iba kasi, e! It tells that he has something for me—that he has a feelings for me!
Salita laban sa kilos. Ano nga ba talaga ang tunay na makapangyarihan pagdating sa usapang pag-ibig? Mga salita nga ba o kilos na ipinapakita sayo ng isang tao?
Mas mainam ba na ipakita sayo ng isang tao ang pagmamahal niya through actions? Or mas maganda pa rin na may panghahawakan kang mga salita na nagsasabing mahal ka niya?
"Skyla, I'm just doing my job, huwag mong bigyan ng malisiya ang mga iyon, kasi walang ibig sabihin sa akin ang mga iyon! Kailangan kong protektahan at alagaan ka kasi iyon ang trabaho ko! At sa oras na hindi ko magawa ng maayos iyon, ako ang malalagot sa daddy mo!"
Trabaho... iyon lang ang tingin niya sa akin.
All this time, nagpaka assumera lang pala ako.
Masiyado ko lang binigyan ng meaning ang mga pinakita at pinaramdam niya sa akin.
Wala lang pala lahat iyon sa kaniya.
He is just being nice to me.
"Tara na, umuwi na tayo," aniya pa sabay talikod at nagptiuna na siya sa paglalakad.
Habang ako heto, hindi maigalaw ang mga paa dahil tindi ng emosiyong ipinaramdam niya sa akin.
'Yong kaninang luhang pinipigil ko, tumulo na, na animo'y isa itong waterfalls na walang tigil sa pag-agos.
"Ano, tatayo ka na lang diyan? Wala kang balak umuwi?" Lingon niya sa akin.
Dali-dali kong pinunasan ang luhang nagkalat sa aking mukha.
Naglakad pabalik sa akin si Alas. 'Yong kaninang blangkong ekspresiyon ng mukha ay napalitan na ng hindi ko matukoy na ekspresiyon. "Tara na, uwi na tayo," masuyong sabi niya sabay hawak sa braso ko na agad ko namang winaksi.
Nagtatanong ang mga mata niyang napapatitig sa akin.
"I love you, Alas..." wika ko sabay yakap ng mahigpit sa kaniya. "K-Kapatid lang ba talaga? H-hindi ba lumagpas diyan kahit minsan?" luhaang tanong ko.
"Skyla, tama na. Malapit na akong maiinis sayo. Ang kulit-kulit mo. Ang hirap mong paintindihin," nagpipigil nq sabi niya.
Natahimik ako. Galit ba siya?
"Umuwi na tayo, pero kung ayaw mo pa, puwes maiwan ka dito, kasi ako uuwi na ako." Muli niya akong talikuran at naglakad na siya palayo.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...