Kabanata 50 (EPILOGUE)

904 19 0
                                    

Alas Deogracia's POV

SOBRANG saya ko, sa wakas ayos na kami ni Skyla. And speaking of Skyla paggising ko wala na siya sa tabi ko. Asang-asa pa naman ako na mayayakap ko siya pero wala e,  nakalusot ang señorita. Sabagay kumota naman ako sa kaniya kagabi. Sobra pa sa yakap ang nakuha ko.

Napabaling ako sa pinto nang bumukas ito at iniluwa nito ang babaemg mahal ko. May bitbit siyang tray na may lamang pagkain.

"Gising ka na pala, tamang-tama nagluto ako ng breakfast natin," aniya.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko. Naupo ako at Isinandal ang likod sa headboard.

"Kung ganito ba naman palagi ang sasalubong sa akin sa umaga, baka mapagkamalan akong baliw, kasi panigurado buong araw akong ngingiti," aniko at hindi na ako nakatiis, niyakap ko siya.

"Alas, sandali! Baka matapon itong pagkaing hawak ko, ibababa ko muna!"

"Okay, hahaha!" Nag-hands up ako na animo'y sumusuko.

Kapag talaga nalalapit siya sa akin hindi na ako makapagpigil, nagiging clingy ako. Gusto kong palaging nakayakap sa kaniya.

Akala ko nasa punto na ako na sobra ko na siyang mahal, pero hindi pala dahil sa bawat pagdaan ng mga araw... mas nadadagdagan at mas lalong tumitindi ang pagmamahal ko sa kaniya.

Pagtapos naming kumain ng breakfast niyaya ko siyang magputa sa Lagwa falls.

"Anong gagawin natin dito, Alas?" tanong niya.

"No'ng minsan kasi akong nagpunta dito, may nawala ako dito falls."

Tinasaan niya ako ng isang kilay. "Kailan naman iyan? At sinong kasama mo?--Si Aira ba?"

Nagseselos na naman ang mahal kong señorita.

"Nah, ako lang," sagot ko.

"Totoo? Hindi ka nagsisinungaling?" paninigurado niya pa.

"Hindi. I promise." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa.

Matalim niya akong tinignan.

Napalunok ako. "Baby, I'm telling the truth..."

"Ano ba kasi 'yong nawala mo?" tanong niya.

"'Yong baril ko."

"Huh?–E, bakit ba kasi nagdadala ka ng baril dito? Oh, no! Don't tell me may pinatay ka dito—"

"Hey, wala, baby. Ginawa mo pa talaga akong murderer."

"E, kasi naman po, bakit nagdadala ka ng baril dito sa—Oh my goodness! I knew it! May balak ka bang mag-suicide?"

Napahagalpak ako ng tawa. "Ang lawak talaga ng imagination mo." Ginulo ko ang buhok niya.

She pouted. "Ayaw mo kasi sabihin sa akin, e!"

"Sa tingin mo ba magagawa ko pang magsalita? E, lagi mo akong inuunahan."

"Okay, hindi na. Now tell me bakit ka ba kasi may dalang barili nang time na iyan?"

"Wala namang bala ang baril na iyon kaya safe iyon, pero kasi may mahalagang bagay na kasama iyon."

"Ano naman iyon?"

"Tulungan mo na muna akong maghanap."

"Paano natin gagawin iyon? Ano sisisirin natin 'tong falls?"

I chuckled. "Of course not, malinaw at mababaw lang naman itong tubig kaya sipatin na lang natin."

"Ano ba iyan, akala ko pa naman may espesiyal na mangyayari--akala ko may surprise na magaganap, iyon pala paghahanapin lang ako ng baril," she murmured while pouting.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon