Skyla Valderama's POV
KAUNTI lang naman ang binili namin, hindi naman kasi puwedeng bumili ng marami si Alas dahil wala naman siyang refrigerator sa bahay.
"Ang laki ng natipid natin, Alas," tuwang-tuwa na sabi ko.
"Tsk," pagsusungit niya.
"Bakit ba bigla ka na lang nagsungit diyan?" tanong ko sa kaniya.
"Itanong sa mga lalaking pinagpapa-cute-an mo." At nagpatiuna siya sa paglalakad.
Hindi ko na-gets ang sinabi niya. Hinabol ko siya. "Uy, Alas?"
"Tsk." He tsked me again at mas binilisan niya pa ang paglalakad niya. Dahil siksikan at sa dami ng tao ay hindi ko na siya nahabol pa, hanggang sa natabunan na siya ng mga tao at hindi ko na siya natanaw at nakita pa.
Imbes na matakot at kabahan ay nagpasya na lang ako na mag-ikot-ikot na lang. Bahala siya sa buhay niya, siya itong nang-iwan kaya siya itong dapat na bumalik.Like I said earlier, naglibot ako dito sa palengke. Nakatutuwa kasi ang daming kakaibang bagay ang ibinibenta sa palagid.
Sa paglilibot ko ay may isang tindahan nakakuha na aking atensiyon. Tindahan ito ng mga pamusod sa buhok. Iba-ibang pamusod na talaga namang ang gaganda. Lumapit ako dito.
"Ang gaganda naman po ng mga tinda n'yo, ginang," wika ko habang isa-isang tinitignan at hinahawakan ang mga items na tinda nito. Iba-iba klaseng pampusod ang tinda niya, katulad ng hair clip at hair claw. Ay, meron din pa lang siyang head band, mga pulseras at kuwintas.
"Hija, mura lang iyan, sampung piso lang ang isa."
Nalungkot ako. Wala nga pa lang akong pera. "Hindi po ako bibili, wala po akong pera, e."
"Ano bang gusto mo riyan, hija?"
"Ito po sana." tukoy ko sa dilaw hair clip na may design na bulaklak.
Inilagay ito ni ale sa supot at iniabot sa akin.
"Naku, ale, wala pa akong pambayad diyan."
Nginitian niya ako. "Bigay ko na sayo 'to, huwag mo nang bayararan."
"Salamat po." Hindi ko na tinanggihan, nakakahiya naman, she's insisting.
"Napakaganda mo hija, para kang isang manika. Hindi ka pamilyar sa akin, ngayon lang kita nakita dito. Taga Maynila ka 'no?"
"Opo. Nagbabakasiyon lang po ako dito," sagot ko. Tama naman dahil para na rin naman talaga akong nagbabakasiyon dito.
"Mabuti pa isuot mo na ito. Gusto kong makita, panigurado bagay na bagay sayo ito," aniya, bakas tinig niya ang labis na excitement.
"Sige po," excited na sabi ko. "Sandali lang po, tatanggalin ko lang po itong pagkaka-bun ng buhok ko.
Nang matanggal ko na ang tali ng buhok ko ay agad itong lumadlad. Sinuklay ko muna rin ito gamit ang mga daliri ko sa kamay.
"Ako na ang maglalagay nito, hija," presinta ng ginang.
Tumango ako. "Sige po." Bahagya akong yumuko para mailagay niya ang hair clip sa buhok ko.
"Iyan, ang ganda. Sabi na nga ba't bagay na bagay sayo," ani ng ginang matapos ilagay sa buhok ko ang hair clip. "Tignan mo ang repleksiyon mo." May inabot siyang salamin sa akin, kasama rin ito sa binibenta niya.
Tama si ginang na mabait, bagay na bagay nga sa akin. Ang ganda-ganda ng hair na clip na ibinigay niya. "Salamat po talaga dito."
Bilang bayad ay tinulungan ko siya sa pagtitinda. Nakakatuwa kasi ang dami naming nabenta. Nakakapagtaka lang kasi karamihan sa mga bumibili ay puro lalaki. Siguro baka ibibigay nila sa girlfriend nila o sa anak nilang babae.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...