Skyla Valderama's POV
"DAMN! Anong ginawa mo?!" Sigaw sa akin ni Alas.
Napayuko ako. Ang mga luha ko ay ngbabadya na sa pagtulo.
Muntik ko na kasing masunog itong bahay naagapan lang niya at agad na nabuhusan ng tubig.
"Wala ka na ba talaga matinong gagawin sa bahay na 'to, ha? Tapos ngayon balak mo pang sunugin itong bahay ko!" singhal niya sa akin.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. "E, ikaw naman kasi, e. Pilit ka ng pilit sa aking magluto. E, hindi ko nga kaya..." ani ko sa maliit na tinig.
"Edi sana sinabi mo sa akin na hindi mo kaya, hindi 'yong nagmamagaling ka diyan!"
"S-sabihin ko sayo na hindi ko kaya?" Peke akong natawa. "P-para ano? Para insultihin mo na naman ako na wala akong alam, g-ganoon ba? Pasensiya na, ha? Pasensiya na kasi hindi naman ako inuutusan ng ganoon ni daddy---hindi niya ako pinagluluto. Hindi niya ako pinapatrabaho katulad ng ginawa mo sa akin!" I said in stammered voice.
He chuckled. "Tsk! Mga trabaho mong ano?--Palpak?"
This time hindi ko na kinaya... tumulo na ang luha ko. "P-pasensiya na... ito lang kasi ako e, ganito lang ako... walang alam... puro kaartehan lang... "
Natigilan siya at natahimik.
"A-ang sama-sama mo! Alam mo ba iyon, ha?" Napahikbi na ako. "H-hindi mo man lang tinanong kung ayos lang ako. Tignan mo, oh!" Ipinakita ko sa kaniya ang kamay ko. "N-napaso ako," parang batang sumbong ko.
Lumamlam ang ekspresiyon ng kaniyang mukha. "Nasaan? Patingin nga." Tinawid niya ang kaunting distansiya namin.
"I-ito, oh." Turo ko sa palad ko. Nataranta kasi ako kanina nang biglang lumihab ang kawali kaya hinawakan ko ito. Buong palad ko ang may paso. Ngayon ay lumobo na ito at pulang-pula na.
"Masakit?" nangungusap ang mga matang tanong niya. Ang pag-aalala ay bakas sa kaniyang mukha.
I slowly nodded.
"I'm sorry," sinserong aniya.
Umiling ako. "It's my fault, tama ka naman, e. Masiyado akong nagmamagaling, tuloy napala ko."
"Gamutin mo natin iyang paso mo," aniya at iginaya ako pupunta sa sala at pinaupo ako sa upuan na kahoy. "Dito ka lang, kukuha ako ng gamot," aniya.
Wala pang dalawang minuto ay nakabalik na siya sa akin. May dala siyang ointment. Saan niya kaya ito nakuha?
"Akina ang kamay mo, " aniya. Iniaabot ko naman ito sa kaniya.
"D-dahan-dahan lang, please?" pakiusap ko.
Bahagya siyang tumango. "I will."
Puno ng pag-iingat niyang pinahiran ng ointment ang kamay ko.
"S-salamat,' aniko matapos niyang lagyan ng gamot ang kamay ko.
"Bawal ka munang magbasa ng kamay," aniya.
Tumango ako. "S-salamat ulit..."
"'Yong kanina, I'm sorry kung nasigawan kita. Galit ako hindi dahil sa muntik mo ng masunog itong bahay kundi dahil, baka mapahamak ka."
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nag-aalala ba siya sa akin?
"Kargo de konsensya kita. Ako ang malalagot kay Sir Evan," aniya pa at iniwanan na ako.
Natatakot lang pala kay daddy.
...
TANGHALIAN na ngayon, kasasalukuyan na kaming kakain ni Alas. Ang ulam namin ay—hindi ko alam kung anong tawag dito, pero puro dahon-dahon ito—este puro gulay pala.
"A-ahm, Alas?" I bite my lower lip. Hindi pa rin ako sanay na tawagin siya sa pangalan niya.
"Hmn?" tanging sagot niya. Abala siya sa paglalagay ng kanin sa plato niya at... sa plato ko.
Habang ginagawa niya ito ay hindi ko napigilan ang mapatitig sa kaniya.
Walang duda, he's the most handsome man that I ever met.
"Kakain ka ba o titigan na lang ako?"
Nagbalik ako sa huwisiyon nang magsalita siya. Agad akong nag-iwas ng tingin. "H-hindi kita tinitignan," kaila ko.
"Ano lang, hmn?" Tinaasan niya ako ng isang kilay.
"M-may iniisip lang ako."
"Habang titig na titig sa akin?" nakangisi niyang tanong.
"Ang kapal mo talaga!" deny ko pa rin. "Kumain na nga lang tayo, nagugutom na ako."
May itatanong sana ako sa kaniya kaso huwag na lang, baka kung anong kayabangan lang ang isagot niya.
Kumain kami ng tahimik. Ni isa walang nagsalita sa amin. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng pagnguya namin.
Itong gulay na ulam namin, masarap. Si Alas ang nagluto nito. Ang galing niya.
'Yong sinabi ko dati na malas ang magiging asawa niya... nagkamali ako doon, kasi ang totoo napaka suwerte nito. Si Alas 'yong tipo ng lalaki na pagsisilbihan ka. Masungit man siya pero may tinatago naman pala siyang katangian na pagiging maalaga.
Ano ba itong pinag-iisip ko? Parang nitong mga nakaraang araw lang inis na inis ako sa kaniya tapos ngayon—hayyy... ayaw ko na lang mag-talk!
"Ako na ang maghuhugas ng plato. Bawal ka pa magbasa ng kamay," aniya.
"S-sige, ako na lang ang magliligpit nitong pinagkain natin," presinta ko.
"Hindi na, bumalik ka na lang sa kuwarto mo at magpahinga."
"Hindi ko kailangan ng pahinga, hindi naman ako pagod, e."
He chuckled. "Bakit kailan ka ba napagod? E kahit simula ng dumating ka dito wala ka namang natapos na trabho dahil—"
"Dahil puro ako palpak, ganoon ba?" Pagtatapos ko sinabi niya.
"That's not what I mean—"
"Pero ganoon na din iyon." Muli kong putol sa sinasabi niya. "Sige na, babalik na ako sa kuwarto ko," malamig kong sabi.
Ewan ko ba pero... I feel useless simula ng makasama ko siya.
Humakbang na ako palabas ng kusina pero hindi pa man ako nakakaapat na hakbang ay napahinto ako dahil sa paghawak ni Alas sa braso ko. Napatingin ako sa kaniya. "B-bakit?" I asked.
"Kaya mo ba?"
"Ha?–Alin?" nalilito kong tanong.
"Na ligpitin 'yong kinainan natin?"
"O-oum, kaya ko..." Sunod-sunod akong tumango. Gusto ko talagang tumulong kahit na maliit lang.
Napatingin siya kamay kong may paso. Hindi ko alam, ayaw kong mag-assume, pero pag-aalala ba itong nakikita ko sa mukha niya?
"Hindi ba masakit iyan?" tukoy niya sa kamay kong may paso. Nakatingin pa rin siya dito.
"H-hindi, hindi na. Super effective 'yong gamot na nilagay mo."
Tumango-tango siya. "Basta kapag hindi mo kaya, huwag mong pilitin, understand?"
"Kaya ko naman," aniko sa maliit na tinig.
"Ilalagay mo lang naman 'yong plato sa lababo, iyon lang, ako na maghuhugas."
Sumuludo ako na parang ginagawa ng mga sundalo. "Noted po, Sir Alas," nakangiti kong sabi.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...