Kabanata 33

472 10 0
                                    

Alas Deogracia's POV

DINALA ko si Skyla sa banyo. Pinaupo ko siya sa nakatakip na toilet bowl.

"A-alas anong gagawin natin dito?" tanong niya sa gitana ng paghikbi.

"Papaliguan kita, puro ka putik, oh." Hanggang ngayon nag-iinit pa rin ang ulo ka sa ginawa sa kaniya ni tita Helen.

Wala akong nakuhang pagprotesta mula sa kaniya at hinayaan na lang ako na paliguan siya. Hindi ko hinubad ang damit niya, binihusan ko lang siya ng binuhusan ng tubig.

Nang mawala ang putik sa katawan niya ay bumungad sa akin ang ilang kalmot sa braso niya.

Nagtagis ang bagang ko. "Tapusin mo na ang paliligo mo. Hihintayin kita sa sala, gagamutin natin iyang galos mo."

Hindi ko na maatim na may makita pang sugat sa ibang parte ng katawan niya kaya minabuti kong iwan na siya. At para rin maayos niya ang paliligo niya. Alangan naman kasi panoorin ko siya 'di ba?

Palabas ko ng banyo ay dumiretso ako sa likod bahay. Nilabas ko ang isang kaha ng sigarilyo sa bulsa ko. Kumuha ako ng isang stick at sinindihan ito. Pang pakalma lang.

So dito pala dumiretso si tita Helen.Damn! Ngayon parang gusto kong masuka sa pagtawag ng tita sa kaniya. Hindi ko na maatim pa.

All this time akala ko mabait siya. Nasa loob naman pala ang kulo.

Sinadya pa talaga si Skyla dito para lang saktan? Iba rin.

Ang tanda-tanda niya na tapos papatol siya sa bata?

Hindi pa ako nakuntento sa isang stick, umisa pa ako at umisa pa ulit, bale naka tatalo ako. Then after bumalik na ako sa loob.

Tapos na maligo si Skyla, nakabihis na rin siya.

"Hubarin mo iyang jogging pants mo," wika ko.

"H-huh? B-Bakit?"

"Gusto kong makita kung may galos ka rin sa binti mo."

"W-wala naman, nasugat lang naman ako dahil sa paghablot sa akin ni Mrs. Selya."

I sighed. "Gusto kong makisigurado kaya hubarin mo."

"N-Ngayon na? P-pero naka-panty lang ako," mahina niyang sabi.

Damn!

"Ah, s-siguro magpalit ka muna ng shorts," napapahiyang sabi ko.

"S-sige..." aniya.

"Pagkatapos kong gamutin iyang mga galos mo, gusto kong ikuwento mo sa akin ang buong nangyari, buong-buo, ditelyadong-ditelyado," ani ko pa.

Saglit siyang nagtungo sa kuwarto niya para magpalit. Pagbalik niya ang suot niya na ay itim na manipis shorts.

Napalunok ako nang makita siya. Nakakasilaw ang mga hita niya. 'Damn, Alas! Kulang na lang tumulo ang laway mo!' Sita ko sa sarili. Agad akong nag-iwas ng tingin.

Buti naman at wala siyang kahit na anong sugat sa ibabang parte ng katawan niya. Sa magkabilang braso niya lang talaga, na agad ko ring nilapatan ng gamot.

"Now tell me, anong nangyari?" tanong ko matapos ko siyang gamutin.

...

Skyla Valderama's POV

"ANO ang ginawa sayo ng ina ni Aira?" tanong ni Alas. "'Yong totoo lang lang, ha?"

"Kanina kasi..." parang hindi ko kaya ikuwento. Iniisip ko pa lang 'yong galit na galit na mukha ng ina ni Aira ay nanginginig na ako sa takot. Grabe 'yong gigil niya sa akin, parang gusto niya akong kalbuhin.

"Kalma, wala na siya. Hindi ka na niya masasaktan pa. Hindi ko na hahayaang mangyari iyon." Hinawakan niya ang kanang kamay ko at bahagya itong pinisil. "Now tell me everything happened."

She gulped. "K-kanina kasi nang umalis ka, ay siya namang biglang pagdating ng ina ni Aira. Nang una kalmado siya. Sabi niya gusto niya lang daw ako makausap kaya hinarap ko siya, pero laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay bigla niya ako hinablot palabas at dinala sa putikan. Tinulak niya ako, kaya napahiga ako. Hindi pa siya nakuntento dahil isinubsub niya pa ako sa putikan," kuwento ko.

Nakita ko kung paano nagtagis ang bagang at pakuyom ng mga kamao niya. "Kasalanan ko. Dapat hindi kita iniwan." Napasabunot siya sa buhok.

"Alas, hindi..." agad kong sabi.

"Alas, lumabas ka diyan!" Boses iyon ni kapitan Walding, mula sa labas ng bahay at bakas sa tinig nito ang labis galit.

"Dito ka lang. Huwag kang lalabas malinaw? May pag-uusapan lang kami ni kapitan."

Tumangon ako bilang sagot.

...

Alas Deogracia's POV

NILABASAN ko si kapitan. Mukhang nagsumbong na 'yong asawa niya.

"Alas, totoo bang binastos mo ang asawa ko? Nagawa mo iyon? Sa amin na itinuring ka ng anak?

"Hindi ko siya gaganunin kung hindi niya sinaktan si Skyla!" mariing sabi ko.

"Alas, baka nakakalimutan mo ang ginawa ng nobya mo kay si Aira. Nalapnos ang hita ng anak ko!" Pagtataas ng boses ni kapitan.

"Pero hindi pa rin tama ang ginawa ng asawa n'yo!" giit ko. "Hindi sinasadya ni Skyla na matupan si Aira ng kape. Aksidente lang ang nangyari," ani ko pa.

"Tignan mo ang ginagawa ng babaeng iyan sa atin, Alas. Nasisira tayo dahil sa kaniya! Tama ang sinabi ni Helen. Hindi magandang impluwensiya sayo ang nobya mo. Nilalason ka niya, Alas. Tinanggap ko siya ng buo dito sa barangay ko, tapos ganito lang ang gagawin niya? Guguluhin ang pamilya ko?–Guguluhin tayo? Aba'y nagkamali siya ng kinanti niya! Hindi ako kung sino lang. Ako ang kapitan ng baranggay na ito. Kaya kung ako sayo, Alas. Palayasin mo na ang babaeng iyon dito sa baranggay ko kung hindi... mapipilitan akong—"

I chuckled. "Kapitan, hindi rin ho biro ang kinanti ng asawa mo–ang kinakanti n'yo. Hindi n'yo puwedeng basta na lang palayasin dito ang anak ni Sir Evan Valderama."

Natiglan ang kapitan at namutla matapos marinig ang sinabi ko.

"A-anak n-ni S-Sir E-Evan a-ang n-nobya m-mo?" Kanda utal-utal siya. Nabakas ang matinding takot sa mukha niya.

"Sabihin n'yo kapitan, paano ko palalayasin dito ang anak ng may-ari ng lugar na ito? Ano na lang ang sasabihin ni Sir Evan? Sa tingin n'yo ba matutuwa siya kapag nalaman niyang ang prinsesa niya ay pinagkakaisahan n'yo?" Hindi ko ito gustong sabihin sa kaniya. Ayaw ko siyang angasan, kasi para ko na rin siyang ama, pero kasi ginagawa ko lang ang trabaho ko, at iyon ay protektahan si Skyla.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon