Kabanata 25

477 8 0
                                    

Skyla Valderama's POV

MAAGA akong nagising. Sinadya ko talaga dahil balak kong ipaghanda si Alas ng breakfast. Lagi na lang kasi siya. Siguro it's time to return the favor. Ako naman ang magsisilbi sa kaniya.

Hindi pa rin ako gaanong marunong magluto pero may tinapay naman diyan, gagawan ko na lang siya ng isang masarap na sandwich at ipagtitimpla ko na rin siya ng kape. Sana magustuhan niya ang simpleng breakfast na gagawin ko.

Paglabas ko ng kuwarto ay hindi ko naabutan si Alas sa sala.

Gising na siya?

Ano ba iyan! Gusto ko pa naman siyang i-surprise sa breakfast na gagawin ko. Naunahan niya na naman ako!

Pagpunta ko naman sa kusina. Wala din si Alas dito. Kung ganoon nasan na siya?

Mabuti pa magmadali na ako. Ito na ang chance ko! Gagawin ko na 'yong breakfast niya habang wala pa siya.

Mabilis akong kumilos at gumawa ng sandwich at nagtimpla ng kape, pero tapos na ako't lahat-lahat, wala pa rin siya.

Saan ba kasi siya nagpunta?

Nagtungo ako sa likod-bahay para tignan kung nandito siya... at nandito nga siya.

Nag-e-exercise siya!

Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. Ilang beses akong napalunok ng malala.

Naka-topless lang siya!

Pangalawang beses ko na itong nakita pero hindi ko pa rin mapigilang humanga.

Napaka kisig at napaka tipuno ng pangangatawan niya. Nagsusumigaw ang mga muscles niya.

Basang-basa na siya ng pawis. Para tuloy gusto ko siyang lapitan at punasan.

Ngayon nasagot na ang tanong ko, kung bakit ang ganda-ganda ng katawan niya.

Every morning niya kaya itong ginagawa?

Kung alam ko lang edi sana lagi na akong gumigising ng maaga para naman napapanood ko siyang mag-exercise.

Hindi niya ako napansin dahil abala siya sa pag-pu-push up.

Para akong tangang nakadungaw dito sa pinto. Pinanood ko lang siya hanggang sa matapos siya.

Ngayon, abala na siya pagpupunas ng katawan niya gamit ang t-shirt na hinubad niya.

Ang pagpapantasiya ko ay naputol ng bigla siyang bumaling ng tingin sa akin. Hindi siya nagulat nang nakita ako.

Umukit ang nakakalokong ngisi sa kaniyang labi. "Love what you see, hmn?"

Nag-init ang magkabila kong pisngi. "Hindi, ah. Kakarating ko lang kaya," tarantang sabi ko.

"Okay sabi mo, eh." Nagkibit balikat siya.

"Naghanda ako ng breakfast. Tara kain na tayo."

"Talaga? I'm glad hindi mo nasunog ang bahay ko."

"Hindi naman ako nagluto, gumawa lang ako ng sandwich at kape mo."

"Himala, ang aga mo yata nagising?" tanong niya.

"Gusto kasi kitang gawan ng breakfast, lagi na lang kasing ikaw."

"Really?" Nabakas ang labis na saya sa kaniyang mukha. "Gumising ka ng maaga para lang gawan ako ng breakfast?"

I slowly nod my head.

"Ganoon ba ako ka-espesiyal para gawan ng isang señorita ng agahan?"

I pouted. "Ayan ka na naman sa señorita na iyan, e!"

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon