Skyla Valderama's POV
"TIK-TILAOK!"
Naalimpungatan ako dahil sa tilaok ng manok. "Hmmmn... manok naman, istorbo ka sa tulog ko. Ang aga-aga mong nag-iingay!" I murmured. Nanatili akong nakahiga at nakapikit.
Pero napabalikwas ako ng bangon ng may ma-realize ako.
Nasaan ako?
Inilibot ko ang tingin ko sa palagid ko. Nasa isang kuwarto ako na gawa sa pawid at kawayan.
Napabaling ako sa pinto nang bumukas ito at iniluwa nito ang isang lalaki na... mala Greek God ang itsura.
Wow!
Marami na akong nakitang guwapo pero.... 'yong kasing guwapo niya... wala pa... ngayon pa lang... siya pa lang...
Pero sino kaya siya?
"Mabuti naman at gising ka na," wika ng lalaki sa baritonong tinig. "Kung sa inyo tanghali ka na nagigsing, dito hindi puwede iyan. Hindi puwede sa akin ang ganiyan," ani pa niya.
"Teka, sino ka ba?" Kung makapagsalita siya diyan ay daig niya pa si daddy.
Si daddy nga ni minsan hindi kunuwestiyon ang paggising ko. Siya pa kaya na ni hindi ko naman kilala?
"At si mang Lando, nasaan na siya?" tanong ko pa. Ang pagkakatanda ko ay kasama ko lang ito kanina. Sa haba siguro ng biyahe ay nakatulog ako.
"Sino ako? Ako ang may-ari nitong bahay na tutuluyan mo. At 'yong tinutokoy mong lalaki, umalis na siya pagkahatid sayo dito," he said.
"Ano?–Anong sabi mo? Dito ako titira? Sa bahay na ito? Kasama ka?"
"Ako ang inutasan ni Sir Evan--ng daddy mo na bantayan ka."
"Bakit gagawin iyon ni daddy? Bakit niya ako ipapabantay sa isang katalud mong taga bundok?"
He chuckled. "Bakit hindi ang daddy mo ang tanungin mo? Kasi kung may pagpipilian lang ako... ayaw kong magbantay ng isang bata."
Ano? Tinawag niya ba akong bata? FYI! I'm dalaga na kaya!
Anong bata ang sinasabi niya diyan? Seventeen na kaya ako!
Hindi niya ba nakikita na may boobs na ako? May korte na din ang katawan ko at matangkad ako. 'Yong iba nga ang tingin sa akin ay nasa twenties na dahil matured na ang features ko.
Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong bata! Ang labo din ng mata niya!
Sabagay ano pang aasahan ko sa mga taga bundok na katulad niya? Malamang ay ngayon lang siya nakakita ng magandang babaeng katulad ko.
"Ayusin mo na ang sarili mo at iligpit mo din iyang hinigaan mo. Pagkatapos dumiretso sa kusina para mag-agahan. At para mapag-usapan na din natin ang mga magiging trabaho mo dito sa bahay."
What? Inuutusan niya ako? Pinaliligpit niya sa akin itong hinigaan ko? Tapos Anong magiging trabaho ko ang tinutukoy niya?
Sino ba siya sa akala niya para utusan at mandohan ako?
Tinalikuran niya ako at ambang lalabas na ng kuwarto.
"Hoy, saan ka pupunta, ha?" pigil ko sa kaniya.
Huminto siya pero hindi niya ako nilingon. "Marami pa akong kailangang gawin," aniya sa malamig pa rin na boses, tapos ay umabante na siya sa paglakad ngunit pinigil ko ulit siya.
"Sandali lang..."
"May kailangan ka pa?" tanong niya at this time humarap na siya sa akin. Hinarap niya ko gamit ang blangkong eskpresiyon ng mukha niya.
"Hindi ako naniniwalang inutusan ka ni daddy! Magsabi ka ng totoo, kasabwat mo siguro 'yong mga masasamang taong gustong manakit kay daddy 'no? Isa ka rin sa kanila 'no? Si mang Lando, pinatay mo ba siya, ha? Tapos ngayon ako naman ang balak mong isunod, tama ba ako?"
May hinagis siya sa aking cellphone, isang cellphone na de-keypad at mukhang noong panahon pa yata ito ng World War II dahil sa sobrang luma na.
"Tsk. Ayan, tawagan mo ang daddy mo ng hindi kung ano-ano ang iniisip mo. At isa pa, kung may balak man akong masama sayo katulad na lang ng sinasabi mo, edi dapat kanina ko pa ginawa nang tulog ka," aniya at tuluyan nang lumabas ng kuwarto.
Napatingin ako sa cellphone na nasa papag na hinigaan ko.
Hindi ko alam kung paano ito gamitin.
Kayo ba alam n'yo?
Puwede paturo?
*
NAKAUSAP ko na si daddy. Totoong nga pinabantay niya ako sa isang tagabundok
Bakit sa dinadami ng puwedeng magbabantay sa akin bakit itong tagabundok pa na ito?
In the first place hindi ko naman kailangan ng taong magbabantay sa akin. I'm already old enough, kaya ko na ang sarili ko. Hindi ko na kailangan ng babysitter, lalo na't katulad niya!
Tska sa kaniya na nga mismo nanggaling 'di ba? Na kung may pagpipilian lang daw siya, ayaw niya daw magbantay ng bata.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on sa pagtawag niya sa aking bata. Nakakagigil siya!
Ayaw niya sa akin? Bakit sa tingin niya ba gusto ko siya? Neknek niya! Ang presko-presko niya! E isang hamak na tagabundok lang naman siya! Isang magsasaka! Isang hampas lupa!
Tsaka heto pa, bakit ba sa dinami-dami ng lugar na puwedeng pagdalhan sa akin ni daddy bakit dito sa probinsiyang nasa sulok na 'ata ng Pilipinas, sobrang liblib! Wala akong ibang makita kundi puro bundok. Meron namang mga katabing bahay pero ang papangit ng nakatira, parang itong lalaki lang na kasama ko.
Binabawi ko na 'yong sinabi ko na mala-Greek God siya. Kagigising ko lang kasi kanina, may muta pa ang mga mata ko kaya medyo malabo pa ang paningin ko. Hindi talaga siya guwapo, mukha siyang pulpol. Ang pangit niya!
'Talaga ba, ha Skyla?' tanong ng isip ko sa akin.
'Oo pangit siya, sobra!' sagot ko at para bang kinukumbinsi ko ang sarili ko na talagang pangit itong—ewan ko ba kung sino ang lalaking iyon. Hindi rin kasi na-mention sa akin ni daddy ang name nito.
"Siguro naman hindi mo na ako pag-iisipan pa ng masama. Ang hirap kasi, ako na nga itong tumutulong at naabala, tapos ako pa itong napagkakamalang masamang tao," wika ni lalaking tagabundok.
Lalaking taga bundok. E, sa hindi ko alam ang pangalan niya e! Tsaka truth naman na taga bundok talaga siya.
"For sure binayaran ka naman ni daddy, ganiyan naman kasi kayong mga mahihirap, hindi kayo tutulong kung walang kapalit. Para sa inyo ang lahat pera-pera na lang, kaya huwag mo akong yabangan na tumutulong ka dahil ang totoo you just helping dahil sa pera."
Umarko ang makakapal nitong kilay then he chuckled. "Kayo ganiyan ba kayong mayayaman matapobre at mapagtaas?"
"Hindi kami ganiyan, sadyang pinapaalala lang namin sa inyo ang katayuan n'yo sa buhay, kaya dapat matuto kayong rumespeto!"
Peke siyang natawa habang bahagyang napailing. "Okay. Salamat sa pagpapaalala, mahal na señorita." Puno ng sarkasmo ang tinig niya.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...