Skyla Valderama's POV
BURYONG-buryo na ako dito sa bahay. Wala akong magawa. 'Yong mga librong dala ko, natapos ko nang lahat basahin, iilan lang din naman kasi iyon.
Gusto kong lumabas, makipag-kaibigan at makipag kuwentuha sa mga kapit bahay pero ayaw akong payagan ni Alas, na hindi ko alam kung bakit. Kahit kailan hindi ko ma-gets ang tinatakbo ng utak ng lalaking iyon. And speaking of lalaking iyon, wala siya, umalis. Paggising ko wala na siya.
Pansin ko lang, napapadals ang pag-alis niya. Ang daya niya, hindi manlang niya ako sinasama sa mga lakad niya. Nagsosolo siya!
Ano tutunganga na lang ako dito? Hahanap na nga lang ako ng puwedeng gawin dito sa bahay.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong kabahayan. Ang dumi, mabuti siguro maglilinis na lang ako.
Oo, tama. Iyon na lang ang gagawin ko, pero bago iyon kakain muna ako ng breakfast na inihanda sa akin ni Alas. Then, I just found myself... smiling.
He's so sweet.
Sabi niya huwag daw akong umastang prinsesa, pero bakit he treat me like one?
Pagkatapos kong kumain ay nagsimula na akong maglinis. Marunong ako, hindi naman ako ganoon kawalang utak pagdating sa mga gawaing bahay.
Inuna ko 'yong kuwarto ko then sinunod ko 'yong sala, huli na 'yong kusina.
Nang matapos akong maglinis ay saka ko lang naramdaman ang panlalagkit ng katawan ko dahil sa pinaghalong pawis at alikabok. Napakadumi nitong bahay. Panigurado ang dungis at ang dumi ko na.
"Skyla?" boses iyon ni Alas.
Nakauwi na siya.
Ang tagal niya din nawala, almost five hours din.
"Nandito ako sa kusina," sigaw ko. Nagutom ako sa paglilinis kaya nagtimpla ako ng kape.
Narinig ko ang yapak ni Alas. Nilingon ko siya.Nakunot na naman po ang noo niya. "Bakit ganiyan ang itsura mo?–Puro ka dumi. At ano iyang iniinom mo? Bakit iyan? May gatas diyan, ah?" sunod-sunod na tanong niya gamit ang seryosong boses.
"Naglinis kasi ako ng bahay kay-a—"
"Ano? Bakit ka naglinis? Pinaglinis ba kita?" Tumaas ang boses niya.
"W-wala kasi akong magawa kaya naisip kong maglinis," kanda utal-utal na sagot ko.
Bakit kinakabahan ako?
Napabuntong hininga siya. "May magagawa pa ba ako? Nakapag linis ka na. Pero ito na ang una at huling beses na gagawin mo iyan, maliwanag?"
"Pero 'di ba ang sabi mo noon ay ako ang maglilinis nitong bahay?"
"Kalimutan mo na ang mga sinabi ko no'n." Lumapit siya sa akin at kinuha ang kapeng kakatimpla ko lang. "Ako na ang iinom nito. Ipagtimpla na lang kita ng gatas.
"S-sige," tanging nasabi ko.
"May dala akong pagkain, naiwan ko sa sala. Alam kong gutom ka na kaya bumili na lang ako imbes na magluto pa," aniya pa.
"K-kukunin ko para maihain ko na at makakain na tayo," aniko at nagtungo na ako sa sala.
Parang bituin na nagningning aking mga mata nang makita ko ang pagkaing dala ni Alas. Isa itong pagkain ng kilalang fast-food chain.
Agad na nagtubig ang bagang ko dahil sa sobrang takam.
Abot tenga ang ngiti ko nang bumalik ako sa kusina.
Nakaupo si Alas sa may mesa at sinisimsim ang kapeng tinimpla ko. Tapos na siyang magtimpla ng gatas ko.
Sa sobrang saya ko ay hindi ko na napigilan. Patakbo akong lumapit kay Alas at niyakap siya.
"Salamat sa food..." bulong ko.
Very favorite ko kasi talaga ang mga pagkain ng fast-food chain na iyon, tapos ang tagal na rin noong huli akong nakakain nito.
Mababaw lang naman ang kasiyahan ko, hindi porke mayaman ako ay maluho at materyalistiko na akong tao.
Yes, somtimes I act like a spoiled brat, pero nagkakanoon lang naman kapag feeling ko naaagrabyado ako, kapag feeling ko hindi ako nabibigyan ng pansin.
...
Alas Deogracia's POV
NANIGAS ako sa kinauupuan ko. Bigla na lang akong niyakap ni Skyla.
Ang mga braso niya ay nakapalupot sa leeg ko. 'Yong balat niya nakadikit sa balat ko. Damn, her skin is so soft.
Ilang beses akong napalunok. Ang bango-bango niya. She's smell like a baby.
"It's my favorite, kaya super thank you, Alas," aniya at hawak pa rin niya ang supot ng pagkain.
Hindi ko alam na paborito niya ito, pero buti na lang pala may nadaanan akong drive-thru nang pauwi ako kanina kung hindi wala akong ganitong yakap mula sa kaniya.
Mas pinili ko na lang na hindi mag-react o magsalita, mas gusto ko kasing enjoy-in ang yakap niya, at ilang saglit lang din ang tinagal nito dahil agad na siyang lumayo sa akin, na para bang bigla na lang siya napaso sa akin.
"T-tara, kain na tayo,' utal na sabi niya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. At 'yong magkabila niyang pisngi namumula na naman.
"Yea, gutom na rin ako," aniko.
Siya na 'yong naghain ng pagkain. Pinanood ko lang siya. Napangiti ako dahil sanay na sanay na siya. Puwede na, puwede na... puwede na mag-asawa.
Habang kumakain kami ay nakatingin lang ako sa kaniya, nakaka-aliw kasi siyang panooring kumain, para siyang bata. Wala siyang pakialam sa paligid niya, ang buong atensiyon niya ay nasa pagkain niya lang.
Ni hindi ko na nga nagawa pang ituloy ang pagkain ko dahil masiyado akong naaliw sa panonood sa kaniya. Tsaka busog na rin naman ako, partida nakatingin lang ako sa kaniya.
Baliw ka na Alas.
Pero agad akong napaiwas ng tingin nang biglang siyang napabaling ng tingin sa akin. "A-ahm, Alas, kakainin mo pa ba iyan?" Inginuso niya ang pagkain kong natira. Hindi ko manlang ito nakalahati.
I slowly shaked my head. "Hindi na, bakit?"
"P-Puwede bang akin na lang iyan?" nahihiyang tanong niya.
Bahagya akong natawa. Damn, ang cute niya.
Cute? Saan nanggaling ang salitang iyon, Alas?
Damn!
Nababaliw na talaga ako.
"P-pero kung kakainin mo pa, hindi na lang," nakalabing sabi niya.
"Hindi na, hindi ko na kakainin, sayo na 'to." Ako na ang nagsalin nito sa plato niya.
"S-salamat..."
Ang mahalaga mabusog ka.
Ang lakas niyang kumain. Next time gagawin ko ng dalawa or tatlo 'yong sa kaniya para hindi siya mabitin.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...