Alas Deogracia's POV
GUSTONG-gusto ko nang puntahan si Skyla, pero damn! Nahihiya naman akong magsabi kay kapitan dahil halos kakaupo ko lang rin.
Bigla na lang siyang sumulpot sa harapan namin ni Skyla kanina at tinangay ako papunta rito sa likod bahay. Hindi naman ako makatanggi at sumama na lang. Naiwan ko doon sa sala si Skyla, kaya ngayon hindi ako mapakali. Nagkalat pa na naman ang mga bantay salakay. Baka mamaya lapitan nila si Skyla.
"Medyo nalungkot nga ako nang malamang may nobya na iyang si Alas. Ang balak ko pa naman sana ay ipaasawa siya sa anak kong si Aira. Nakakahinayang, ang akala ko pa naman sila na ang magkakatuluyan sa huli, dahil noong mga bata sila ay talagang hindi sila mapaghiwalay at saksi tayong lahat doon. Tsaka gustong-gusto ko iyang si Alas para sa anak kong si Aira. Malaki ang tiwala ko sa kaniya, dahil kilalang-kilala ko na siya bata pa lang. Napaka bait at sobrang marespeto sa kapwa niya. At tignan n'yo naman ngayon, napaka matagumpay na sa buhay, kaso wala na e, may iba ng bumihag sa puso ng ating magiting na sundalo. At masayang-masaya ako para sa kaniya--para sa kanila. Bagay na bagay sila ng nobya niya," mahabang lintaya ni kapitan.
Nag-uusap-usap sila pero hindi ko magawang makisali sa kanila dahil ang utak ko na kay Skyla.
"Oh, Alas bakit hindi ka mapakali?" tanong ni mang Gabo, kabaranggay namin.
"Talagang hindi mapapakali iyan. E, naiwan niya 'yong napaka ganda niyang nobya sa loob," wika ni Rico.
"Kung ako din naman mag-iinit ang puwet at hindi mapapakali kung ganoon kaganda ang nobya ko," wika naman ni Oscar kababata ko, well kaibigan ko rin siya, hindi nga lang kasing solid ng samahan namin ni Rico.
"Ay pasensiya na Alas, kung bigla na lang kitang hinila rito. Mabuti pa puntahan mo na muna ang nobya at dalhin mo dito para mabantayan mo," ani ni kapitan.
"Salamat, kap." Agad akong tumayo at tumungo na sa loob ng bahay. Kahit hindi naman niya sabihin ay pupuntahan ko na rin si Skyla, tapos magpaalam na rin kami. Iuuwi ko na siya.
Kanina pa ako nagtitimpi. Hindi ko gusto ang mga tingin na ibinabato ng mga lalaking nandito kay Skyla. Kasama niya na nga ako lahat-lahat at ipinakilala ko na nga siyang girlfriend ko pero ayaw pa rin nila paawat sa pagtitig sa kaniya.
Mga buwiset!
Lilinawin ko lang, hindi ako nagseselos. Ginagawa ko lang ng maayos ang trabaho ko--'yong inutos sa akin ni Sir Evan. Ayaw kong may masabi ito sa akin.
...
Skyla Valderama's POV
WALA nang nagawa pa si Alas ng si kapitan na mismo ang tumawag sa kaniya. Mabilis ang naging pangyayari, bigla na lang sumulpot si kapitan at tinangay si Alas, habang ako heto naiwan dito sa sala.
Kaunti na lang ang tao dito sa loob, malamang nasa likod bahay na silang lahat.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglibot ng tingin sa paligid ng...
Bigla may lalaking tumabi sa akin. "Hi?" bati niya sa akin.
"Hello," balik-bati ko.
"Nag-iisa ka?"
Hindi ba halata?
"Nasaan si Alas?" tanong niya pa.
"I'm here."
Si Alas. Papalapit siya sa amin. At bawat paghakbang niya ay ramdam ko ang bigat nito.
Ang dilim ng ekspresiyon ng mukha niya. Nagtatagis din ang bagang niya. Is he mad?
Nang makalapit siya amin--sa akin ay walang sabi-sabing hinatak niya ako patayo pero in a gentle way. Then he grabbed my waist and pulled me closer to him. Sobra akong nabigla at the same time naguguluhan sa mga nangyayari.
"Anong kailangan mo sa girlfriend ko, Eric?" Ubod ng lamig ng boses ni Alas. Tinalo pa nito ang klima sa Antarctica.
Magkakilala sila?
Ay, malamang Skyla, sa iisang maliit na baryo lang kaya sila nakatira.
"Wala naman. Nakita ko kasing nag-iisa siya kaya nilapitan ko, baka lang kailangan niya ng makakausap," tarantang sagot no'ng Eric.
"Hindi niya kailangan ng kausap, kaya makakaalis ka na," wika ni Alas gamit pa rin ang malamig na tinig.
Agad na umalis 'yong Eric.
"Nawala lang ako saglit, may asungot na agad na nakalapit sayo," labas sa ilong na sabi niya.
"Alas, galit ka ba? May nangyari ba?" tinanong ko na. Ang hirap kayang hulaan at kapain ang nararamdaman ng isang tao, lalo na't katulad ni Alas na palaging blangko ang ekspresiyon ng mukha.
"Tsk." He just 'tsk' me.
Ano naman kayang isiyu ng lalaking ito?
"Uuwi na tayo," aniya.
"Ha, pero bakit? Teka nakapagpaalam ka na ba kay kapitan?" I asked
.
.
.
"SALAMAT sa pagpunta Alas, gusto ko pa sanang makipagkuwentuhan sayo kaso mukhang kailangan mo ng umuwi. Hindi bale dahil marami pa namang araw, sa ibang araw na lang siguro natin ituloy," wika ni kapitan Walding at talagang Hinatid niya pa kami dito sa labas ng bahay niya.
"Salamat din kap, at pasensiya na talaga, pagod at inaantok na kasi itong girlfriend ko, kailangan ko ng iuwi para makapagpahinga na," wika ni Alas.
"Ayos lang Alas, naiintindihan ko, dapat lang talaga na unahin mo iyang nobya mo."
Napanguso ako. Ginawa pa talaga akong dahilan. Ayos din.
"Salamat, kap, una na kami," paalam pa ni Alas.
"Uy, Alas. Uuwi na ba talaga tayo?" tanong ko.
Umarko ang kilay niya. "Bakit gusto mo bang mag-stay?" masungit niyang tanong.
"Hindi, ah," agad kong sagot.
He chuckled. "Akala ko gusto mo, e. Ngayon din dadalhin ko ang mga gamit mo dito... dito ka na tumira," sarkastikong sabi niya at
nagpatiuna na sa paglalakad.Hindi ko muna siya hinabol. Bumaling ako kay kapitan. "Maraming salamat po sa masarap na pagkain at sa pag-welcome na rin po sa akin," aniko.
"Walang anuman, hija. Basta mahalaga kay Alas, mahalaga na rin sa amin–sa aming mga taga rito." ... " Sige na sundan mo si Alas. Mukhang gustong magpalambing sayo ng nobyo mo," natatawang wika ni kapitan.
Namula ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"Sige po, mauna na po kami," paalam ko bago sundan si Alas.
"Mag-ingat kayo sa daan," habol pa ni kapitan.
Madilim na ang paligid. Siguro sa tansiya ko pasadong alas-otso na.
"Uy, Alas... hintayin mo naman ako!" Habol ko sa kaniya. At buti naman binagalan niya ang paglakad kaya nahabol at nasabayan ko siya.
Muli akong humawak sa lalayan ng damit niya. Ayaw kong maiwan, ang dilim baka maligaw ako.
Naging tahimik lang kami hanggang sa makarating kami ng bahay.
Itong si Alas, ang napansin ko sa kaniya daig niya pa ang buntis kung magka-mood swings.
Kung sumpungin siya ay para bang siya pa ang babae sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...