Skyla Valderama's POV
PUNTING kapaligiran, iyan ang bumungad sa akin pagbukas pa lang ng mga mata ko.
Nasaan ako?
"Thank God, gising ka na!"
Kilala ko ang boses na iyon... kay daddy iyon! Agad kong binalingan ng tingin ang direksiyon na pinanggaling nito.
Nag-umapaw ang luha sa aking mga mata nang makita ko ang daddy ko.
"D-daddy?" tawag ko sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang pag-apaw ng luha sa aking mga mata.
Damn, sobra ko siyang na-miss! It's been three months magmula no'ng huli ko siyang makita.
"Yes, my princess, it's me. Nandito na ako." Tinawid niya ang kaunting distansiya namin.
"D-daddy ko!" ambang bangon na ako pero agad niya akong napigilan.
"No, princess. Hindi ka puwedeng bumangon. You need to rest."
"G-gusto kitang i-hug daddy ko... Sobrang na-miss po kita!" Inabot ko ang mukha niya at ipinagitna ito sa mga palad ko. "Daddy, alam mo ba nanaginip ako ng masama, may bad guys daw na kumuha sa akin t-then meron matandang lalaki ang biglang dumating at binalak niyang rape-in ako pero hindi ito natuloy dahil dumating si Alas at—" Natigilan ako ng ma-realize ko na hindi ito isang panaginip lang. Pumalahaw ako ng iyak.
"Shhh... stop crying, my princess, wala na sila." Alo ni daddy sa akin at bahagya siyang yumuko at hinalikan ako sa noo. "Wala na sila. Hindi na mauulit iyon sayo. Hindi na papayag si daddy–hindi ko na hahayaan, dahil ako na ang magbabantay sayo."
"Daddy, si Alas po?"
"Wala na siya..."
"W-what do you mean of that?" Nilikob ako ng kaba.
"Princess, don't worry, hindi pa siya patay. Bumalik lang siya ng US."
"US? Ano pang gagawin niya do'n?" Nalilitong tanong ko.
"Tapos na ang trabaho niya na bantayan ka, kaya bumalik na siya sa US."
"Dad! Ano ngang gagawin niya doon?"
"He's an army, at sa US siya nakadistino."
"What?... Sundalo?" Nanlalaki ang mata at hindi makapaniwalang tanong ko.
"Why, hindi niya ba nasabi sayo?"
I shaked my head. "Ang alam ko po... he's a farmer," I said while pouting.
"Really?" Natatawa si daddy. "He's not, my princess."
Sundalo pala siya. Bakit hindi niya manlang nasabi sa akin? Kaya naman pala ganoon na lang kabuo ang tiwala ni daddy sa kaniya.
Nakakahiya naman 'yong mga panahon na nilalait ko siya dahil nga ang akala ko magsasaka at tagabundok siya.
Teka, ngayon lang nag-seek in sa akin 'yong sinabi ni daddy ngayon-ngayon lang.
Bumalik na ng US si Alas? Anong ibig sasabihin nito?
Iniwan niya na ako?
"Daddy... umalis siya? Iniwan niya ako?"
"Princess, nasa US ang trabaho niya at kailangan na siya doon."
"Daddy, hindi siya puwedeng umalis! Pumunta tayo ng airport, habulin natin siya!"
"Princess, kagabi pa siya umalis. Hindi na natin siya maabutan."
"Daddy, bakit mo naman siya hinayang umalis?"
"Princess, hindi ko siya puwedeng pigilan, may sarili siyang pag-iisip."
"Daddy, I love him and he told me that he loves me too! Then aalis na lang siya bigla? Iiwan niya na lang ako?
Ano iyon? Joke-joke lang?
Napaka sinungaling naman niya kung ganoon!
"Princess, you're too young for him–for love, mabuti siguro na pag-aaral muna ang atupagin mo. At kung talagang mahal ka ni Alas, babalikan ka niya.
Peke akong natawa. "Hindi niya ako mahal, the fact pa lang na inawan niya ako!"
"Huwag mo siyang pangunahan, princess—"
"Daddy, ikaw ba kapag 'yong taong mahal mo na-hospital, basta mo na lang ba siyang iiwan?"
"Of course not, kaya nga ako nandito 'di ba?"
"Then dapat he's here too! Hindi niya dapat ako iniwan!"
"Princess, Alas have a reason--kung bakit kinailangan niyang umalis kaagad."
"Kahit na ano pa ang dahilan niya... hindi pa rin niya dapat ako iniwan! Kahit sana manlang hinintay niya akong magising!"
"My prin—"
"Gusto ko na pong magpahinga... iwan mo na muna po ako... " malamig na sabi ko.
He kissed my forehead. "If you need anything, nasa labas lang ako," aniya at lumabas na ng kuwarto.
Nang pagkalabas na pagkalabas ni daddy saka muling bumuhos ang luha ko.
Mahal niya daw ako pero iniwan niya ako! Anong klase iyon?
Siguro sinabi niya lang iyon para tatagan ko ang loob ko.
I hate him! Paasa siya!
...
IT'S been two week since Alas left me, at aaminin ko. I damnly miss him!
I said to myself na galit ako sa kaniya! Nakikisama din 'yong utak ko sa ideyang iyon, pero 'yong puso ko... nagsusumigaw, labis itong nangngulila sa kaniya.
Hindi ko mapagsabihan ang puso ko na kalimutan na nito si Alas, tutal naman kasi mukhang nakalimutan niya na rin ako.
Ganoon siguro talaga kapag mahal mo o natin ang isang tao. Hindi natin sila basta na lang maaalis sa sa utak, sa puso, sa buong sistema natin.
Nabaling ako sa pinto nang bumukas ito at iniluwa si daddy. Dire-diretsiyo siyang naupo sa kama ko.
"My princess, simula ng lumabas ka sa hospital lagi ka na lang nagkukulong dito sa kuwarto mo."
"Wala naman po akong gagawin sa labas," ani ko.
"Bakit hindi ka lumabas kasama ng mga kaibigan mo?"
"Daddy, nakalimutan mo na ba? Wala po akong kaibigan."
He sighed. "Ganito na lang. Gusto mo mamasiyal tayo? Kain tayo sa labas at manood ng sine? O kaya bumili tayo ng school stuffs tutal malapit ka na rin namang pumasok ulit."
"I'm not in the mood, dad."
"Princess, hindi naman puwedeng palaging ka na lang magmumukmok dito."
Sino bang hindi magpapaka-sad girl kung 'yong taong mahal mo ay pinaniwala kang mahal ka rin niya?
Napakagaling kasi ng anak-anakan mo, e!
Speaking of. Ngayon ko lang nalaman na si Daddy pala ang tumayong magulang ni Alas, since the day na namatay ang parents niya. Kaya naman pala every weekend wala siya sa bahay dahil his with Alas.
Siguro talagang nakakabatang kapatid lang ang tingin sa akin ni Alas. Para niyang daddy si daddy, kaya matic na agad na para niya akong kapatid. Mas lalo tuloy akong nainis sa kaniya! I hate him! Paasa siya!
Kung nasaan ka man ngayon, Alas. Huwag ka ng babalik dito, kasi I swear kakalbuhin talaga kita!
Pero sa tingin ko, hindi na rin naman siya babalik dito... kasi wala lang naman ako sa kaniya, e.
I'm just nothing to him.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...