Kabanata 48

494 5 0
                                    

Skyla Valderama's POV

WHEN I opened my eyes ang bumungad sa akin ay isang silid na hindi pamilyar sa akin.

Ang Alas na iyon!

He kidnapped me!

Ano na naman ba ang gusto niyang mangyari?

Napatingin ako sa pinto nang bukas ito at iniluwa ang magaling na lalaki na itago na lang natin sa pangalang Alas na may makapal na mukha.

Wala na akong sinayang na sandali. Sinugod ko siya at pinahahampas sa dibdb. "Ikaw, lalaki ka! Ano bang balak mo sa akin, ha? Bakit mo ako dinala dito? Iuwi mo ako! Ayaw ko dito!--Ayaw kitang makasama!"

"Skyla, No. Hindi kita iuuwi."

"At bakit hindi? Ano gagawin mo akong bilanggo dito? Alam mo bang puwede kitang ipapulis sa ginagawa mong ito?"

"Hindi ako takot sa pulis, Skyla. Sundalo ako, remember?"

"Wala akong pakialam! Ang gusto ko iuwi mo ako sa amin!"

"Skyla, ito na ang bahay mo, from now on. Dito ka na titira kasama ko."

"What the?!... Hell no! Ayaw ko! Ibalik mo ako sa amin!"

"Hindi kita ibabalik sa inyo hangga't hindi mo sinasabi sa akin mahal mo pa rin ako."

I laughed crazily. "Ano bang pinagsasabi mo diyan? Are you out of your mind?--Nahihibang ka na ba, ha? Hindi na kita mahal, Alas! At sa tingin mo ba porke ibinalik mo ako dito sa lugar na ito ay mai-in love ulit ako sayo?" Natawa ako. "That's will never happen! Alam mo kung bakit? Kasi nakakadala kang mahalin! Kasi manloloko ka! Paasa ka!"

Kitang-kita ko ang dumaang lungkot sa mga mata niya. Bigla akong nakaramdam ng guilt pero agad din ito nawala dahil na-realize ko na he deserved it.

Mas masakit pa diyan 'yong naramdaman ko no'ng pinaasa at iniwan mo ako!

I turned my back to him. "Paki lock na lang 'yong pinto kapag lumabas ka na," ani ko pa at tinalikuran na siya.

...

HINDI ko pinapansin si Alas. Bahala siya sa buhay niya, magmatigasan kami.

"Skyla, tara na kain na tayo. Tapos na akong magluto at nakapaghain na rin ako," tawag niya sa akin.

Nagpanggap akong hindi siya narinig. Itinuon ko lang sa pinapanood kong movie ang buong atensiyon ko.

"Skyla, hanggang kailan mo ba ako iiwasan at iignorahin?"

"Hanggat hindi mo ako inuuwi sa bahay," sagot ko.

"Skyla, how many do I have to tell you na hindi puwede!"

"Hindi puwede hanggat hindi ko sinasabi ang bagay na gusto mong marinig, ganoon ba?"

"Hindi lang ito tungkol diyan, Skyla."

"Then saan pa, Alas?"

"Gusto kitang makasama..."

"Gusto mo akong makasama? Really? Kung ganoon bakit mo ako iniwan noon?"

"Skyla, ganito kasi iya—"

"Hep!" Pinatigil ko siya. "Hindi pala ako ineresadong malaman, for sure kasi walang kuwenta iyang dahilan mo."

Baliw talaga itong lalaking ito. Sinusungitan ko na nga pero nakangiti pa rin siya na parang tanga.

"Anong ngini-ngiti mo diyan?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon