Kabanata 37

463 11 0
                                    

Skyla Valderama's POV


NAGLAKAD-LAKAD kami dito sa plaza. Hindi naman mainit dahil hapon na, tsaka maraming puno sa paligid.

"Maupo muna tayo, sakit na ng paa ko kakalakad," daing ko.

"Wala pa nga tayong bente minuto na naglalakad, pagod ka na agad."

Nagtungo kami sa isang bench at naupo dito.

"Don't tell me, gutom ka na rin?"

Nahihiya akong tumango.

Mahina siyang natawa habang bahagyang napapailing. "Sige, dito ka lang bibilhan kita ng makakain. May gusto ka ba, hmn?"

"Ikaw na bahala," ani ko.

"Sandali lang ako. Dito ka lang, ha? Huwag kang aalis. Kapag may lumapit sayong lalaki, tarayan mo."

"Huh? Bakit ko naman gagawin iyon? Tinuruan mo pa talaga ako ng kasungitan mo."

"Gawin mo na lang, or else wala kang pagkain sa akin."

"Oo na po, Sir."

Parang boss kung maka-demand.

Iniwan niya na ako para bumili ng pagkain, hindi naman kalauyan sa akin 'yong pinagbilihan niya, natatanaw ko pa rin siya.

Napatingala ako sa langit. Malapit ng magtago si haring araw.

Ang ganda ng langit, kulay kahel na may kulay ube.

Sobra akong nahumaling sa pagtanaw sa kalangitan kaya hindi ko napansin na nakabalik na pala si Alas.

"Oh, kumain ka na para makauwi na tayo." Inabot niya sa akin plastic cup na naglalaman ng dalawang pirasong hotdog na nakatusok sa stick.

Napatingin ako sa pagkain niya. "Ano iyang sayo?" tanong ko. Ang weird kasi ng itsura nito. Dalawang klase ito. 'Yong isa ay kulay black na parisukat ang hugis. At 'yong isa naman ay parang intestine ang itsura. Nakatusok din ang mga ito sa stick at nakalagay sa plastic cup, may kasama itong sawsawan.

"Ang tawag dito ay isaw." Tukoy niya sa parang instine ang itsura.

"Is that an intestine?" kyuryoso kong tanong.

"Uh-hmn. Bituka ng manok."

Napangiwi ako. "Tapos kinakain mo?"

Natawa siya. "Bakit ganiyan ang itsura mo? Diring-diri lang? Malinis ito, okay."

"I can't believe na kinakain pala iyan."

"Kinain ito, at sobrang sarap nito."

"Kahit pa iyan ang pinakamasarap na pagkain sa buong mundo, hindi ko kakainin iyan."

"Baka kainin mo iyang sinabi mo kapag natikman mo 'to."

"Nah, hindi na magbabago ang isip ko," aniko.

Tinawanan niya lang ako.

"How about that thing?–That color black. What's that?" tanong ko pa.

"Ito naman, betamax ang tawag dito."

"Saan naman made iyan?"

"Chicken blood."

Muli akong napangiwi. "Ang weird naman ng mga pagkain ng mga tagabundok. Wala na ba talaga kayong makain kaya kung ano-ano na lang ang kinakain n'yo?"

Bigla siyang humagalpak ng tawa. "For your information, miss señorita. Kahit saan kang kalye magpunta dito sa pilipinas ay may ganitong pagkain."

"Huh? Tatalaga?" Parang walang muwang na tanong ko.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon