Kabanata 46

500 6 0
                                    

Alas Deogracia's POV

"ALAS, hindi ko naman sinabing ngayon mo na bitawan ang trabaho mo."

"What do you mean, Sir?"

"Bata pa si Skyla, hindi pa siya tapos mag-aral. Kung gusto mo habang hinihintay mo siya...  continue your job–your passions. 

"Until, when, Sir?"

"Hanggang makatapos si Skyla sa pag-aaral, and that is three years from now."

"Pero, Alas. If ever na magbago ang isip mo at piliin ang pagiging agent at sundalo mo, sabihin mo lang sa akin. Ayaw ko namang putulan ka ng pakpak. Ayaw kong maging hadlang sa pangarap mo. Pero kung after three years at gusto mo pa ring pakasalan ang anak ko. On her twenty-one birthday, pumuta ka, dahil sa araw na iyon, i-a-announce ko ang kasal n'yo."

Of course I will comeback on that day, sure na iyon.

Isipin pa lang na me and Skyla, getting married? Bumibilis na ang tibok ng puso ko, na-e-excite na ako. This is a dream come true for me!

"And one more thing, Alas. Ang tagal ko ng sinasabi sayo na call me dad, but you insisting in calling me 'sir'. You will be my son in law in near future, so sanayin mo na ang sarili mo sa pagtawag sa akin ng dad."

"Yes, dad," I said, medyo nakakaramdam pa ako ng ilang. Dati niya pa hinihingi sa akin na tawaging ko siyang dad, pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Oo, tinuturing ko siyang parang isang ama, pero pakiramdam ko kasi kahit na matagumpay na ako sa buhay ay hindi ko pa rin sila kapantay.

Bumalik ako ng US nang hindi manlang binibisita si Skyla sa hospital, baka kasi kapag pumunta pa ako doon at nakita siya, baka magbago ang isip ko.

Binigyan ako ng pagkakaton ni Sir Evan, kaya susulitin ko na. Tatlong taon, marami-raming mission pa ang magagawa ko sa maikiling panahon na ito.

Saka, honestly, ayaw ka namang umalis na lang bigla sa trabaho. Gusto kong magpaalam ng maayos sa mga kasamahan ko.

Naging maayos naman ang buhay ko sa US, pero may nagbago, nahirapan akong maging productive. Walang araw kasi na hindi ko naisip si Skyla. At para maibsan ang pangngungulila ko sa kaniya, nakikibalita ako kay Sir Evan.

Alam kong galit si Skyla sa akin dahil sa ginawa kong pang-iiwan sa kaniya, at iyon ang kinakatakot ko sa oras na bumalik, ang harapin siya.

...

"SIR, kinakabahan ako. What if hindi na ako mahal ng anak mo?" tanong ko kay Sir Evan.

"Believe me, Alas. She's still love you, pero sa ngayon kailangan mo muna siyang suyuin dahil malaki ang tampo niya sayo."

Good luck to me then. Sana mapagtagumapayan ko.

Dumating ang araw ng kaarawan ni Skyla. Nang makita ko siya—damn! Ang laki na ng pinagbago niya. She became more beautiful. Her short hair suits her very well.

Hindi ako umaasa na sasalulubungin niya wide open arms.

Ang nakuha ko sa kaniya, malamig na tingin at pag-ismid. Well, I deserve it. Wala, e. Kahit saan banda tignan ako ang may mali.

Pagkatapos i-announce ni Sir Evan ang kasal namin ni Skyla agad na itong hinatak ng dalaga para kausapin. Mukhang hindi siya na-inform ng ama niya.

Ako na muna ang humarap sa mga bisita, especially sa mga kaibigan at ka-business partner ni Sir Evan.

"Ikaw pala ang mapapangasawa ng anak ni Evan. Matagal ka ng ibinibida sa amin ni Evan. Totoo nga na ubod ka ng gwapo. At nasabi niya rin sa amin na sundalo ka daw?" -Mister 1

"Yes, sir, I am, but nag-retire na ho ako," sagot ko.

"Ang bata mo namang-nagretiro, sayang naman?" -Mister 2

"Hindi na ho bumabata mga sir, kailangan ng bumuo ng pamilya," natatawang sabi ko.

"Good choice iyan, hijo. Masarap magkaroon ng pamilya." -Mister 3

Nagpatuloy lang ako sa pag-entertain sa mga guest.

...

Skyla Valderama's POV

"DADDY! Ano iyon? Bakit mo ina-nannounce magpapakasal kami ni Alas?" Pagkatapos ng party ay agad kong siyang kinumpronta—actually hindi pa pala tapos 'yong party. Hindi lang talaga ako makapaghintay na makausap siya.

"Princess, ano problema? Edi ba mahal mo naman si Alas?"

"Hindi. Hindi ko na siya mahal, daddy!" ani ko na para bang kinukumbinsi ko ang sarili ko sa ideyang ito.

"Pero ang sabi mo sa akin noon, mahal mo siya?"

"Ang tagal na no'n, marami ng nangyari at nagbago!"

"But, princess. Na-announce ko na sa lahat na magpapakasal kayo, hindi ko na puwedeng bawiin iyon."

"Iyon na nga, daddy, e! Bakit hindi mo muna ako kinausap sa bagay na iyan? Dapat tinanong mo muna ako kung gusto ko ba siyang pakasalan! Daddy, baka nakakalimutan mo 'yong ginawa sa akin ng lalaking iyon! He left me! Pinaasa niya ako!"

"Skyla, may rason si Alas. Hindi siya basta umalis na lang, hayaan mo muna siyang magpaliwanag..."

"No!–Ayaw ko! Anuman ang rason niya wala ako pake! Ayaw kong magpakasal sa kaniya!–HINDI AKO MAGPAPAKASAL!" Tinaliluran ko siya at padabog na lumabas ng opisina niya. Pinutol ko na ang usapan namin dahil I know ipipilit niya lang si Alas sa akin.

Narinig kong tinatawag niya ako pero pinaadan ko lang ito sa magkabila kong tenga.

Bakit ba botong-boto siya Alas na iyon? Sinaktan ako no'n, e! Dapat magalit siya sa lalaking iyon! Pero sa pinapakita niya parang ito pa 'yong anak niya—parang wala siyang pakialam sa feelings ko!

Binaybay ko ang daan papunta sa kuwarto ko. Magkukulong na lang ako sa kuwarto. Nandito pa rin si Alas sa bahay, ayaw kong makita ang makapal niyang pagmumukha! Kung bumalik siya dito akala mo walang ginawang kalokohan! Hmp! Nakakagigil ang kakapalan niya!

Haist!

The worst birthday ever!

Pagkarating ko sa kuwarto ko may buwiset akong nakita!

Nananadya ba talaga siya?

Si Alas, nasa labas siya ng kuwarto ko, nakasandal sa pinto.

"Bakit ka nandito ka sa labas ng kuwarto ko? Anong ginagawa mo dito?" blangkong tanong ko.

"Dapat ba sa loob ako ng kuwarto mo naghintay sayo?"

"Ha. Ha. Ha! Mukha ba akong nakikipaggaguhan sayo?"

"Gusto kitang makusap, Skyla."

Wow, kapal!

"I have no time for that. Maraming tao sa labas, sa kanila ka makipag-usap."

"Skyla..." banggit niya sa pangalan ko at ambang hahawakan ako pero agad akong nakaatras.

"Tumabi ka, papasok ako." Nakaharang kasi siya sa pinto.

"Skyla, please, mag-usap tayo..."

"Wala tayong dapat pag-usapan, mister." Nilagpasan ko siya. Pumasok ako ng kuwarto at agad na isinara ang pinto sa pabalibag na paraan. Pati ba naman hanggang dito sa kuwarto ko guguluhin niya ako?

Saan siya nakakakuha ng kapal ng mukha? Mukhang marami siyang nakaimbak.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon