Skyla Valderama's POV
PAGGISING ko, wala si Alas. Umalis siguro siya. Umiiwas kaya siya? Sana naman hindi.
Didiretso na sana ako pakusina ng mahagip ng mga mata ko ang papel na nakapatong sa lamesita sa may sala.
Nilapitan ko ito at kinuha para basahin. "Hindi na kita nahintay na magising dahil may kinailangan akong puntahan at asikasuhin. May pagkain na diyang naka-prepare, kumain ka na lang. Huwag kang magkakamaling magpapalipas kundi lagot ka sa akin." Iyan 'yong nakalagay sa sulat.
Napangiti ako. "Iyan ka na naman, Skyla. Remember 'yong ginawa niyang pang-re-reject sayo?" pagpapaalala ko sa sarili ko.
Oo nga pala. Heto na naman ako, nagpapadala sa mga aksiyong pinapakita niya.
Teka sandali, tunog ng sasakyan iyon, ah? At nanggagaling ito sa labas ng bahay.
Sino kaya iyon?
Para malaman, lumabas ako. At hindi ako puwedeng makamali, ang sasakyang ito ay amin. At sakay nito si mang Lando na kabababa lang.
"Mang Lando bakit po kayo nandito?" tanong ko.
"M-mam, Skyla. Magandang araw po," bati niya sa akin.
"Magandang, araw din mang Lando," balik-bati ko rito.
"S-si Alas, n-nandiyan ba siya?" tanong niya.
"Wala po, e. Umalis po siya. Bakit po ba kayo naparito? Susunduin n'yo na po ba ako?"
"M-mam Skyla, p-patawad p-po..." Bigla siyang umiyak na nagpalito naman sa akin.
"Bakit po kayo nag-so-sorry? May nangyari po bang masama?" Nilukob ako ng takot at kaba.
"M-mam, wala lang po talaga akong ibang pagpipilian..."
"Mang Lando, ano po bang sinasabi n'yo? Hindi ko po kayo maintindihan."
"M-mam Skyla, patawarin n'yo po a-ako... w-wala lang po talaga akong pagpipilian," anito at ang sumunod na pangyayari ay bigla na lang may apat na aramadong lalaki ang lumabas sa van na dala niya at walang sabi-sabing lumapit ang mga ito sa akin at pinalibutan ako.
"M-mang L-lando, a-ano p-pong i-ibig s-sabihin n-nito?" takot na tanong ko habang napapaatras.
"P-patawarin n'yo po ako, mam Skyla. H-hindi ko po ito gustong gawi—"
Hindi niya natapos pa ang sasabihin niya dahil hinampas siya ng isa sa apat na armadong lalaki ng baril sa ulo na naging dahilan para mawalan siya ng malay.
Ambang kakaripas na ako ng takbo at sisigaw ng tulong pero agad akong nahalatak ng isa sa kanila sa aking braso, tapos ay may bigla itong tinakip na panyo sa aking ilong na naging dahilan nang panghihina ko, hanggang sa unti-unti ng kinain ng kadiliman ang paningin ko, pero bago pa ako tuluyang mawalan ng ulirat ay may narinig pa akong nagsalita.
"Opo, boss. Nakuha na namin siya."
Alas, tulungan mo ako...
*
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mga mata kung saan ang bumungad sa akin ay maduming kapaligiran, puro alikabok at tambak dito. Mukhang nasa isang abandong lugar ako.
Anong ginagawa ko rito? Bakit ako nandito?
Biglang nag-flashback sa isipan ko lahat ng nangyari kanina. Dumating si mang Lando at may kasama siyang mga masasamang tao na bigla na lang dumukot sa akin.
Nakabusal na panyo ang bibig ko. Nakaupo ako sa isang silya. May taling lubid ang mga kamay at paa ko,
Nilibot ko ang tingin ko sa palagid. Walang akong makita na kahit na sinong tao, nag-iisa lang ako dito sa lugar.
Anong balak nilang gawin sa akin?
Natigilan ako nang biglang bumukas ang malaking pinto at iniluwa nito 'yong apat na lalaking kumidnap sa akin.
"Oh, gising na pala ang prinsesa." -lalaki 1
Lumapit sila sa akin at pinaikutan ako. "Pre, ang ganda naman nito, ang kinis-kinis, ang puti-puti at ang bango-bango. Baka naman puwedeng umisa muna tayo dito kay miss beautiful habang wala si boss," ani ni lalaki 2 habang hinahagod ng tingin ang kabuuhan ko. Puno ng apoy ng pagnanasa ang kaniyang mga mata na nagbigay naman sa akin ng kakaibang kilabot at takot.
Nakakadiri ang mga tingin na binabato nila sa akin. Mga tingin pa lang pero nagtatayuan na ang mga balahibo ko sa katawan.
"M-maawa k-kayo s-sa a-akin... H-huwag n-n'yo p-po a-akong... s-sasaktan..." makaawa ko pero panigurado hindi nila ako naiintindihan dahil nga nakabusal ang bibig ko.
Si lalaki 2, inangat niya ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko.
Ipinaling ko ang ulo ko dahilan para matanggal ang kamay niya sa pisngi ko.
Wala siyang karapatan na hawakan ako gamit ang madumi niyang kamay! Si Alas lang ang tanging may karapatan.
"Gago, pre! Tigilan mo iyan, mayayari tayo niyan. Ang utos sa atin ni bossing, kidnapin lang natin at huwag galawin." -lalaki 3
"Ang ganda kasi, pre. Ang hirap magpigil." -lalaki 2
"Hindi naman siguro mapapansin ni bossing kung titikaman natin ito." Si lalaki 4, habang inaamoy-amoy ang buhok ko. Gusto kong masuka dahil sa diri at panginglabot.
"P-please... h-huwag! P-pakawalan n'yo na ako!" I said habang ang mga luha ko ay nag-uunahan na sa pagpatak.
Alam ko nagsasayang lang akong ng laway dahil sa pag-atungal na ginagawa ko, pero ito lang ang tanging magagawa ko para iparating sa kanila na hindi ako sang-ayon sa ginagawa nila sa akin.
Gumalaw-galaw ako at nagpumiglas para maiwasan ang paghaplos nila sa akin ngunit masiyadong mahigpit ang pagkakatali sa akin.
"Tigilan n'yo iyan. Malaking pera ang nakapatong sa ulo ng babaeng iyan. Kung mahal n'yo pa ang buhay n'yo rendahan n'yo iyang kalibugan n'yo. Kilala n'yo naman ang boss natin, mas dimonyo pa sa atin iyon. Hindi iyon magdadalawang isip na patayin tayo," ani ni lalaki 3. "
Napapakamot sa ulo na lumayo sa akin ang tatlong lalaki.
Kahit papaano, nabawasan ang takot na nararamdaman ko. Nabasawan lang hindi nawala, kasi wala pa rin kasiguraduhan kung anong mangyayari sa akin dito–sa kamay ng mga masasamang taong ito, especially sa boss na sinasabi nila.
'Yong boss nila. Ano bang kailangan niya sa akin?
"Nag-text si boss, nasa labas na daw siya, salubungin n'yo," utos ni lalaki 3 sa dalawang kasama niya na agad ding sumunod.
Hindi nagtagal ay nakabalik na sila, at may kasama na silang matandang lalaki na naka-suit, nasa mid fifties na ang edad nito. Ito na siguro 'yong boss nila. "Siya na ba ang unica hija ni Evan?" tanong nito.
"Opo, bossing, siya na." -lalaki 3
Lumapit sa akin ang matanda at tinanggal ang telang nakatali sa bibig ko.
"P-please, p-po... p-pakawalan n-n'yo n-na p-po a-ako... p-parang a-awa n-n'yo n-na p-po!" agad kong sabi gamit ang nagmamakaawang tinig, habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko.
Bigla itong humagalpak ng tawa. "Bakit ko gagawin iyon? E, malaki ang pagkakautang ng magaling ama sa akin," anito.
Sabi na nga ba. May hinala na ako na may kinalaman ang mga taong pinagkakautangan ni daddy sa pagkaka-kidnap sa akin.
"Tutal naman hindi ako mabayaran ng ama mo sa utang niya, ikaw na lang ang kukunin kong bayad," he said while grinning like a maniac.
No!
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...