Kabanata 36

478 6 0
                                    

Skyla Valderama's POV

DUMAAN pa ang mga araw, mas lalo pa kaming nagkalapit ni Alas, to the point na iniisip ko na, na may gusto rin siya sa akin. Grabe kasi 'yong pag-aalaga niyang ipinapakita sa akin.

What if tanungin ko siya?—No, hindi magandang ideya. Ayaw kong lumabas na assumera.

Kung mag-confess na lang kaya ako sa kaniya?

Haist!

"Oh, bakit nakabusangot ka riyan?" Si Alas na bigla na lang umupo sa tabi ko.

Lumabas na nga ako para makalayo sa kaniya tapos heto siya nakasunod naman agad.

Lumayo ako sa kaniya kasi hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag nakaaligid siya sa akin.

"May iniisip lang ako," sagot ko sa tanong niya.

"And what is it, hmn?"

Bakit kailangan niya pang palambingin ang boses niya?

"Nami-miss ko lang si Daddy," malungkot akong ngumiti. Totoo naman, nami-miss ko na talaga si daddy. Tumatawag naman siya gabi-gabi pero hindi pa rin enough iyon para maibsan ang pangungulila ko sa kaniya.

"Gusto mo ba tawagan natin siya?"

"Hindi na. I'll wait for his call na lang, baka busy pa siya sa mga oras ngayon, ayaw kong abalahin siya."

"May gusto ka bang gawin? Gusto mo ba mamasiyal tayo?"

Umiling ako. "Ayaw ko, tinatamad ako."

"Sure ka ayaw mo? May plaza malapit dito. Maraming tindang pagkain ang nagkalat doon."

Pagkain?

Maraming pagkain?

"May tinda ba doon na—'yong kinain natin no'ng nagpunta tayo sa palengke? 'Yong tinutusok-tusok ng stick?"

Mahina siyang natawa. "U-hmn, marami."

"Sige punta tayo," mabilis na aniko. Wala pa man pero naglalaway na ako. Tamang-tama nagugutom na ako. Tiyak na marami akong makakain. "Ngayon na ba tayo pupunta?" tanong ko pa.

"Ikaw, gusto mo ba ngayon na?"

Sunod-sunod akong tumango.

*

"NAKAKAINIS ka, Alas," wika ko.

"Oh, bakit. Anong ginawa ko?" litong tanong niya.

"Bakit ngayon mo lang ako dinala dito?" I said while pouting. "Marami pa lang magagandang lugar dito tapos hindi mo manlang ipinapasiyal.

"Hindi ka naman kasi nagsasabi na gusto mong pumasiyal," aniya.

"Anong hindi nagsasabi ka diyan? Lagi kaya kitang kinukulit, kaso hindi ka pumapayag. Ang daming mong dahilan 'kesyo' maraming lalaking titingin sa akin. E, ano naman 'di ba? Hanggang tingin lang naman sila.

"Sige magpalit tayo ng sitwasiyon. Ikaw ba papayag ka na pumunta tayo sa isang lugar na maraming babae?"

"Siyempre, hindi," agad kong sabi. Mamaya baka may matipuhan pa siya doon na babae edi naetsapuwera na ako.

"Tara na, panigurado gutom lang iyan." He pulled me papalapit sa hele-helerang stall ng mga streetfood.

"Ano pong sa inyo, Sir, Mam?" tanong ng lalaking tindero.

"Ahm, boss. Patuos na lang ho ng kakaiinin namin, lalo na itong babaeng kasama ko, matakaw ho kasi ito." He patted my head na para bang isang akong aso. "Mamaya na ako magbabayad pagkatapos naming kaumain."

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon