Kabanata 45

491 7 0
                                    

Skyla Valderama's POV

After three years...

PINAGMAMASDAN ko ang sarali ko sa salamin. Ang laki ng pinagbago ko, sabagay tatlong taon na rin ang lumipas. From long hair, I'm now short hair. Kailanman hindi ko na pinahaba pa ang buhok ko, bukod kasi sa bagay sa akin dahil mas umaliwalas ang mukha, ay ang gaan din sa pakiramdam. Lilinawin ko lang, nagpagupit ako not because of Alas. Hindi ito parte ng pagmo-move on sa kaniya. Sadyang—ah basta! Hindi ko kailangang magpaliwanag sa inyo.

Balik tayo sa short hair ko. Nagmukha akong mataray at masungit dito, pero mukha lang, dahil nagbago na ako, natuto na akong makisalumuha at makisama. Ngayon may mga kaibigan na ako, hindi man marami pero tunay naman. Iyon naman ang mahalaga 'di ba? Tunay at tapat.

"Tok, tok!" ...  "Princess, hindi ka pa ba tapos? Naghihintay na ang mga bisita mo." Si Daddy 'yong kumakatok.

It's my birthday today, I'm now twenty-one.

"Sandali lang, dad. Susunod na lang ako." Hindi pa ako nakakapagbihis, masiyado akong naaliw sa patitig ng repleksiyon ko sa salamin.

Isang simpleng white maxi dress ang isinuot ko. Si daddy ang nagbigay nito sa akin, sabi niya ito daw ang isuot ko. Pinarisan ko na lang ito ng  ng sapatos na hindi kahabaan ang takong, baka kasi sumakit ang paa ko, marami pa namang inimbitahan si daddy na mga ka-business partner niya.

Unti-unti na kaming nakakabawi. Magaling na businessman si daddy, he's very hard working kaya hindi na ako magtataka.

Pagkatapos kong magbihis at masiguradong presentable na ang itsura ko, tumungo na ako sa likod-bahay, dito kasi gaganapin ang party para sa akin.

"Princess, I know it's your special day but please don't make the guests wait." Sinalubong ako ni daddy.

"Dad, I'm sorry. Para namang bago sayo 'to. Hindi ka pa nasanay sa akin."

He chuckled. "Napaka ganda mo na, hindi mo na kailangan mag-ayos pa ng sobra."

I pouted. "Daddy, araw ko ito, kaya dapat maging perfect ang itsura ko."

"My princess, you are always perfect, especially in my eyes."

"Ang daddy ko talaga..." Niyakap ko siya. "You are the best father ever!"

"Nambola pa ang prinsesa ko. But anyway, happy birthday my one and only princess..." He kissed me on my forehead.

"Where's my gift, hmn?"

"Later, princess. But for now harapin muna natin ang bisita mo."

"Bisita ko? Baka kamo mga bisita mo."

Baghaya siyang natawa. "Importante ang araw na ito kaya kailangan nandito lahat ng mga business colleagues ko."

"Ganoon kaespesiyal ang birthday ko?"

"Hindi lang naman kasi birthday mo ang ise-celebrate natin."

"Huh? Hindi lang? Meron pa? Ano naman?"

"I will announce it later. Tara na, naghihintay na sila sa atin."

"Daddy, ngayon mo na sabihin sa akin!" pangungulit ko sa kaniya.

"Later, princess."

Kahit anong kulit ko sa kaniya, hindi ko siya nagawang kumbinsihin na sabihin sa akin, kaya no choice ako kundi maghintay na lang talaga, naku-curious din kasi talaga ako.

Hinarap namin ni daddy ang mga ka-business partner niya. 'Yong iba sa kanila kilala ko na, na-meet ko na sila dati. 'Yong iba naman, bago sila sa paningin ko. Siguro bago lang silang business partner ni daddy.

"Good evening everyone." Si daddy na nasa stage. Natigilan ang lahat, maging ako din. "Hindi lang tayo nandito para sa kaarawan ng nag-iisa kong prinsesa, kundi—anyway before I say, gusto ko munang tawagin ang ang anak ko. Skyla my princess, join me here."

Tumayo ako sa prente kong pagkakaupo at pumanhik sa stage. Agad naman ako inalalayan ni daddy.

"Kailangan talaga na nandito ako?" tanong ko.

"Yes, my princess. Hindi puwedeng wala ka dito para sa big announcement ko."

Bakit imbes na ma-excite ako ay parang may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag?

"So anyway, tulad nga ng sinasabi ko. Hindi lang birthday ng anak kong si Skyla ang isini-celebrate natin today...kundi para sa..." He paused for a while. "...nalalapit niyang kasal," pagpapatuloy ni daddy. Namilog ang mga mata ko sa gulat.

What did he said?

Me?... Getting married?

Tinapunan ko ng nagtatanong na tingin si daddy, pero ang atensiyon niya ay nasa mga bisita.

Aapila na sana ako pero muling nagsalita si daddy.

"Please welcome, the fiance of my daughter and my future son in law... Alas Deogracia..."

What the?... Si Alas?---Nandito siya?

Napabaling ako ng tingin sa direksiyon na tinitignan ni daddy at ng mga bisita.

Si Alas... papalapit siya dito--paakyat sa stage.

Napatitig ako sa kaniya. Ang laki na rin ng pinagbago niya. Dati na siyang guwapo at matipuno, pero ngayon... mas nadoble.

'Ano ba Skyla! Huwag mo siyang purihin! Galit ka sa kaniya, remember?' I reminded myself.

He's wearing white long sleeves. Hindi nakasara ang unang dalawang butones nito kaya naman sumisilip ang malapad nitong dibdib. For the bottom, he's wearing black slacks and black leather shoes.

Hindi ba uso sa kaniya ang salitang suklay? Ang gulo kasi ng buhok niya.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang lumalapit siya. At ganoon din naman siya sa akin. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosiyon sa aking mukha, just a poker face. Gusto ko kasing ipakita sa kaniya na wala lang siya sa akin–na wala akong pakialam sa kaniya.

'Yong mga mata niya nangungusap habang titig na titig sa akin, para bang may gusto itong iparating sa akin. Tsk! As if I care!

Gustong-gusto kong kuwestiyunin si daddy, pero siguro mamaya na lang kapag kaming dalawa na lang, nakaeskandalo naman kasi kung dito ako sa harap ng maraming tao gagawa ng eksena.

Kami ni Alas... magpapakasal?

Nagpapatawa ba si daddy? Prank ba 'to?

Seryoso ba talaga siya?

Ipapakasal niya ako sa manloloko?

Hindi ako papayag!

Nang tuluyan nang makalapit si Alas sa amin—este sa akin pala, inismiran ko siya.

Tumayo siya sa tabi ko. Kahit naalibadbaran ako sa presensiya niya ay ipinakita ko pa rin sa mga bisita na masaya ako.

"Bagay na bagay sila hindi ba?" ani ni daddy, at halata sa tinig niya ang labis na kasiyahan.

Naramdaman ko ang kamay ni Alas sa bewang ko at hindi pa nakuntento ang loko, bahagya niya pa akong hinigit papalapit sa kaniya. "Mas lalo kang gumanda... I love your short hair, bagay na bagay sayo..." he whispered on my ear using raspy voice. Nagtaasan ang balahibo ko dahil intensidad na naramdaman.

I cleared my throat to ease the tense he gave to me. "You?..." Tinignan ko siya mula paa, pataas. "... No offence, ha?... You look old." I said then smirk.

Bahagya siyang natawa. "I missed you, my señorita..."

Hindi ko na siya pinansin.

Na-miss daw? Tsk, sinungaling!

Ano na naman ba ang gusto niyang mangyari?

Bakit siya pumayag na magpakasal sa akin? Siguro hindi niya magawang tanggihan si daddy. Pero kung inaakala niya na sasang-ayon din ako katulad niya... NEVER!

Mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga na lang forver kaysa makulong sa pagsasamang pilit lamang.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon