Alas Deogracia's POV
"NAG-AWAY kayo ni kapitan?" Agad na tanong ni Skyla pagpasok ko pa lang sa kuwarto niya.
"Huwag mo ng isipin iyon. Ito ginawan kita ng meryenda. Kumain ka pagkatapos ay magpahinga ka na."
Sandwich 'yong ginawa ko, kasi ito lang ang mabilis na gawin.
"S-sige, salamat..." aniya.
Naupo ako sa tabi niya at pinanood siyang kumain.
"G-gusto mo?" alok niya.
Umiling ako. "Huwag mo ako intindihin. Ginawa ko iyan para sayo kaya ubusin mo."
Pagkatapos niyang kumain ay iniwan ko na rin siya para makapagpahinga na siya.
*
"ANONG ginagawa mo dito?" malamig na tanong ko sa ina ni Aira. Nagulat na lang ako pagbukas ko ng pinto ay siya na agad ang bumungad sa akin. Lalabas sana ako para kuhain ang tsinelas ni Skyla na naiwan sa putikan.
"A-Alas... si S-Skyla?" tanong niya.
Tsk. Ngayon para siyang maamong tupa.
Mukhang nasabi na ni kapitan sa kaniya kung sino ba talaga si Skyla.
Nagtagis ang bagang ko. "Kung nandito ka para saktan na naman at insultihin si Skyla. Mawalang galang na pero makakaalis ka na."
"Alas, hindi. Nandito ako para humingi ng tawad sa nagawa ko at nagawa ng anak ko."
Tsk. Panigurado kaya kayo nag-sosorry kasi takot n'yo lang kay Sir Evan.
"Sinabi na sa akin ni Aira ang totoo. Hindi talaga si Skyla ang dahilan kung bakit natapon sa kaniya 'yong kape," ani pa nito.
Kumunot ang noo ko. "Anong ibig n'yong sabihin?"
"S-si Aira... s-sinadiya niya talagang itapon 'yong kape sa sarili niya," nakuyukong sabi ni ng ginang.
Napatigalgal ako. All this time si Skyla ang nagsasabi ng totoo. Dammit! Ang gago mo, Alas!
"Please Alas, pakausap naman kay Skyla. Sana naman hindi na umabot kay Sir Evan 'yong mga nangyari." Halos magmakaawa na ang ginang.
Masiyadong maraming problema si Sir Evan para pati ito ipaalam ko sa kaniya.
"Don't worry, hindi. Basta huwag n'yo na lang ulitin 'yong ginawa n'yo kay Skyla," wika ko.
"Alas, humihingi ako ng tawad kung nasakatan ko ang nobya mo. Masiyado lang akong nadala sa nararamdaman ko bilang isang ina, kasi sino ba namang ina ang gustong masaktan ang anak nila 'di ba?– 'Di ba wala naman? Ang pagkakamali ko lang ay nagpadalos-dalos ako. Oo aaminin ko, una pa lang hindi ko na gusto si Skyla—hindi ko siya gusto dahil inagaw ka niya sa anak ko. Kung hindi mo kasi alam, Alas. May pagtingin sayo ang anak ko, mahal ka ni Aira, kaya labis siyang nasaktan," mahabang lintaya ng ginang.
"Hindi ko inakalang magagawa ni Aira na mag-imbento ng kuwento at ako naman itong paniwalang-paniwala. Ngayon heto nakagulo-gulo na, pati 'yong pagsasama n'yo ng asawa ko nadamay," ani pa niya. Mukha naman siyang sincere sa sinabi niya.
"Tita..." Hindi ako gaanong galit kaya tita na ulit. "... Hindi po dapat kayo humingi ng tawad sa akin kundi kay Skyla. But for now she's sleeping. Bumalik na lang po kayo mamaya or bukas na lang, gabi na rin."
Ang daming nangyari ngayong araw. Ngayon narito ako naka-upo sa sala, naninigarilyo. Hindi na ako lumabas dahil tulog naman na si Skyla sa kuwarto. Mula nang nakita niya akong naninigarilyo ay hindi na muli akong nagpakita pa sa kaniya. Ayaw kong isipin niya na mabisiyo akong tao.
Siguro kung walang nangyaring problema sa buhay ng Valderma at hindi ko na kinailangan na bantayan si Skyla. Siguro baka nasa bar ako gagabi at nagpapakasaya. Maraming alak at maraming babae.
Nasa gitna ako ng pag-iisip ng biglang mag-ring ang telepono ko.
Si Sir Evan, tumatawag. Actually gabi-gabi siyang tumatawag, kaso natataong tulog na si Skyla.
Walang araw na hindi ito tumawag para kamustahin ang prinsesa niya.
Sinagot ko ang tawag. "Sir Evan, magandang gabi po."
"Tulog na ba ang prinsesa ko?"
"Opo, Sir. Mas maaga siyang nakatulog ngayon," sagot ko.
"Hindi ko na naman naabutan. Iyang batang iyan talaga, antukin," natatawang sabi ni Sir Evan. "Anyway, kamusta naman siya? Hindi ba nagpapasaway sayo? Hindi ba pinapasakit ang ulo mo?"
Ano bang ulo ang tinutukoy mo Sir? 'Yong nasa taas ba o 'yong nasa baba?
"Naku, Sir. Wala pong araw na hindi nagpasaway ang anak n'yo." I lightly laughed.
"Talent niya na iyan, Alas, kaya pakihabaan mo ang pasensiya sa kaniya, kahit may pagka spoiled brat iyan ay napaka lambing naman niyang bata."
Malambing? Maniniwala lang ako kung ipapakita at ipaparanas mismo sa akin ng anak n'yo, Sir. Dapat ko munang maransan ang lambing niya bago ako maniwala.
"Oh siya, Alas. Napatawag lang ako para kumustahin si Skyla. Alagaan mo siya. Sa ngayon hindi ko pa siya makukuha dahil ang dami ko pang inaasikaso."
"Sir, kumusta na nga ba iyan? Sir, baka naman may maitulong ako." Muli kong pag-o-offer ng tulong. I know it's useless kasi ilang beses na akong nag-alok ng tulog ngunit tinatanggihan niya lang ito, pero baka this time i-consider niya na ito.
"Hindi na Alas, just focus to my daughter. Bantayan mo siyang mabuti dahil till now hinahanapan pa rin ako ng mga kaaway ko ng butas at puwedeng ipanakot sa akin."
"Kaaway? Akala ko ba pinagkakautangan mo lang, Sir?"
"Ganito talaga sa underground world, kapag ikaw ay may pagkakautang na malaki at hindi ka makabayad, kaaway ang tingin sayo."
"Sir, hayaan mo akong tulu—" Binabaan niya na ako.
Damn!
Dali-dali kong dinial ang numero ni Ervix, he's my co-agent.
"Oh, dre. Napatawag ka?"
"Kumikilos ka ba, Evrix?"
"Oo naman, dre. Kaso hindi biro ang pinapagawa n'yo sa akin. Malalaking tao itong gusto nating pabagsakin. Kailangan nating pag-isipang mabuti ang mga kilos na gagawin natin—este ko lang pala."
Blessing in disguise na din na nasaktong mission ni Evrix ang 'Black Diamonds Organization', ang oraganisasiyong kinabinilangan ng mga taong pinakakautangan ni Sir Evan. Ang misyon nito ay ipakulong ang bawat kasapi ng samahang ito.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...