Skyla Valdera's POV
"MAGTATANIM tayo?" Excited kong tanong kay Alas. Fully recovered na nga pala ang kamay ko sa paso.
"Himala, anong nakain mo? Hindi ka ba magrereklamo at mag-iinarte? 'Di ba nga ayaw mo sa mga gawaing bahay?"
Nagtataka siguro kaya 'no? Kung bakit out of the blue sea bigla na lang akong naging interesado sa mga gawing bahay--na matuto nito? I just realized kasi na mas mabuting gugulin ko ang oras ko sa kapaki-pakinabang na bagay--na matuto ng ibang bagay kaysa mag-inarte katulad ng sinabi ni Alas. Isa pa gusto kong maging proud sa akin si daddy. Gusto ko siyang ipagluto, para kahit sa ganoong paraan lang masuklian ko ang mga sacrifices niya for me. Kaso mukhang mahaba-haba pang pagsasanay ang kailangan kong gagawin. Galit 'ata sa akin ang pagluluto kasi kahit anong gawin ko hindi ako matuto-tuto, kaya si Alas na lang palagi ang nagluluto. Pinanonood ko lang siya, gusto ko kasi talagang matuto.
"Wala lang. Bakit hindi ka na lang maging masaya kasi hindi na ako nag-iinarte?" nakanguso kong sabi.
He chuckled then ginulo niya ang buhok ko.
"Hey, ano ba? 'Yong hair ko nagugulo," reklamo ko.
"Edi mabuti at hindi ka nag-iinarte, at least hindi na ako mahihirapan pa."
*
NAGTUNGO kami sa likod bahay. "Saan tayo magtatanim?" tanong ko.
Wala kasi akong makitang spot na puwedeng taniman. Napakalaki nitong likod ng bahay niya pero puro damo at ligaw na halaman lang naman ang nandito. Nagtataka tuloy ako, sabi niya ang main source ng pagkain namin ay mula sa tinatanim niya, e wala naman akong nakikitang gulay na tanim. 'Yong totoo farmer ba talaga siya o pinagloloko niya lang ako?
"Damn, hindi ko pala naasikaso 'to," bulong niya.
"Huh?"
"Nothing."
"Magsasaka ka ba talaga?" kyuryoso kong tanong. "Parang hindi naman kasi, e."
"Naging abala kasi ako trabaho ko."
"May iba ka pang trabaho?"
"Yea," tipid niyang sagot.
"Ano?" usisa ko.
"I'm a—"
"Hala! Ang cute!" Napatili ako nang may makita akong grupo ng sisiw na nakasunod sa mommy chicken nila. Nanakbo ako papalapit dito. "Ang cute-cute naman!" Pinanood ko lang sila hanggang sa makalayo na sila.
Naramdaman ko ang presensiya ni Alas sa likod ko. "Mahilig ka sa manok?" Marahan siyang natawa.
"Hindi ah, na-cute-an lang ako. Kanino ba iyon? Sino may ari no'n?" tanong ko.
"Sa kapit bahay siguro."
"Gusto ko silang makilala," aniko.
"Sino? 'Yong mga sisiw?"
"Tangik, hindi. 'Yong mga kapit bahay natin. Magta-tatlong linggo na ako dito but yet hindi ko pa rin sila nami-meet." Lagi lang kasi ako dito sa bahay. Tsaka medyo malayo din kami sa ibang kabahayan.
"Hindi puwede."
"Bakit naman?" nagtataka kong tanong.
"Karamihan sa mga taga dito ay lalaki."
"Oh, ano naman?"
"Mahirap na baka maligawan ka pa,"
Napatanga ako sa sinabi niya. Iyon talaga ang concern niya? Ang maligawan ako?
"Sa ibang araw na lang tayo magtanim," aniya pa at iniwanan na ako.
...
BUTI na lang talaga may mga nadala akong matinong damit, hindi puro bistida.
Pasadong ala-dos na ng hapon at kakatapos ko lang maligo sa CR.
Ang suot ko ay denim shorts at oversize shirt. Maikli man ang shorts ko, mahaba naman ako damit ko.
Since basa pa ang buhok, hinyaan ko muna itong nakalugay. Hindi na rin ako nag-abala pang magsuklay. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos sa sarili ko ng...
"Alas?" Galing ito sa labas ng bahay. May tao at base sa boses nito, lalaki ito.
Wala si Alas, lumabas. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Nahihiya rin naman akong magtanong.
"Alas?" Muling tawag ng tao sa labas.
Tinapos ko na ang pag-aayos ko sa sarili at nilabasan na ang taong tumatawag.
Isang lalaking kaedran lang din ni Alas ang nabungaran ko sa labas. Gwapo ito, pero mas gwapo pa rin si Alas. At katulad ni Alas, mareno din ito.
"Ano po iyon?" tanong ko.
"N-nadiyan b-ba s-si A-Alas?" utal na tanong nito habang titig na titig sa akin.
Sasagot na sana ako pero...
"Anong kailangan mo, Rico?" Si Alas. Palapit na siya sa amin.
Bakit kaya ang dilim ng ekspresiyon ng mukha niya?
Wala na sa akin ang tingin no'ng Rico, na kay Alas na.
Pagkalapit ni Alas sa amin ay agad niya akong hinawakan sa braso at bahagyang hinila papalapit sa kaniya.
...
Alas Deogracia's POV
"PUMASOK ka na sa loob," aniko kay Skyla. Hindi ko kasi gusto ang paraan ng patitig sa kaniya ni Rico. Ewan ko ba pero nag-iinit ang ulo ko.
Si Rico, he's my childhood friend. Until now magkaibigan pa rin naman kami, pero sa ngayon naiirita ako sa kaniya.
"Sige," ani ni Skyla. " A-ahm, Alas 'yong b-braso ko," utal sabi niya. Hawak ko pa rin pala siya. Agad ko siyang binitawan. "S-sige, papasok na ako," paalam niya bago tuluyang pumasok.
Bumaling na ako kay Rico. "Anong kailangan mo?"
"Pre, sino iyon? Grabe, ang ganda!" aniya at talagang tinatanaw pa niya si Skyla sa loob ng bahay. Natatanaw niya pa rin si Skyla dahil nasa sala lang naman ito.
Nagtagis ang bagang ko. Inabot ko ang saradora ng pinto at isinara ito. "Ano bang kailangan mo?" ulit kong tanong gamit ang malamig at seryosong tinig.
"Pasensiya na, pre." Napakamot siya likod ng ulo niya. "Ang ganda e, parang diwata. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong kagandang babae sa tanang buhay ko," punong paghangang aniya.
Tsk.
Kaya ayaw kong ipakilala si Skyla sa mga taga dito, kasi mga ignorante ang tao dito. Hindi sila sanay na makakita ng kasing ganda ni Skyla, baka pagkaguluhan lang nila ito, especially ng mga lalaki.
"Nobya mo ba iyon, pre?"
"Oo, so back off." Sinabi ko na lang para tantanan niya na si Skyla. Alam na alam ko na kasi ang karakas ng lakong ito. Matinik ito pagdating sa mga babae.
"Ayos, pre, iba ka talaga." Inakbayan niya ako. "Napaka suwerte mo, bukod sa ang layo na ng narating mo sa buhay ay may mala diwata ka pang nobya. Baka naman, pre? Wala ka bang mairereto sa akin diyan?"
"Wala. Alam mo naman ako, tutok sa trabaho."
"Tutok ka pa sa trabaho sa lagay na iyan? Ibang klase, ikaw na talaga, pre."
"Puwede ba Rico, diretsohin mo na nga ako," iritado kong sabi. "Bakit ka ba naparito?"
"Ano kasi, pre. Inaanyayahan tayo ni kapitan, birthday niya kasi ngayon. Magkakaroon ng maliit selebrasiyon sa bahay nito, kaunting inuman ba. Tapos sama mo na rin 'yong nobya mo para makilala ng mga taga dito.
"Pass ako," agad kong sabi.
"Pero pre, inaasahan ka na nila kapitan."
"Pakisabi na lang sa kanila na hindi talaga ako puwede. Pasensiya na kamo. Sa ibang araw na lang, masiyado akong abala."
"Sayang naman, pero sige Ipapaabot ko sa kanila."
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...