Skyla Valderama's POV
ANO bang klaseng bahay 'to? Napaka pangit! Napakaluma, like bulok-bulok na! Ang liit-liit! Kulang-kulang pa sa gamit!
Ganito ba talaga siya kahirap? Ni wala manlang TV para kahit papaano may mapaglibangan ako. At wala ring kahit na anong appliances, like what the heck?
Haist! I can take this! Hindi ko kayang magtagal sa lugar na 'to! Pero do I have a choice? 'Di ba wala naman? No choice talaga ako kung hindi magtiis na lang. Iyan lang ang tangi kong magagawa.
Anyway here I am, washing dishes, 'yong mga pinagkainan namin. Actually magsisimula pa lang pala ako. Kaso hindi ko alam kung paano sisimulan, e. First time ko lang itong gagawin kaya nanatakot ako, baka kasi mamaya kapag nabasag ko ito ay sungitan na naman ako ng lalaking taga bindok na iyon!
Kanina nga nang inutusan ko siya na ligpitin iyong pinagkainan ko. Ang sabi ba naman niya sa akin ay...
"Mukhang hindi tayo nagkakaintindihan, mahal na señorita, pero sige uulitin ko para maintindihan mo. Sa bahay na ito--na 'pagmamay-ari ko'... 'hindi ka prinsesa'. Kailangan mong kumilos, pero kung ayaw mo at papairalin mo iyang 'pagka-bratinella' mo, then lumayas ka dito sa pamamahay ko. Hindi kita kailangan,lalong hindi ka rin kawalan.. pero ako kawalan sayo, kasi ako lang naman 'yong may kayang magtitiyaga diyan sa pag-uugali mo." Habang sinasabi niya iyan ay punong-puno ito ng sarkasmo.
"Isusumbong kita kay daddy!" Pagbabanta ko sa kaniya. Ang kapal ng mukha niyang ganituhin ako! E, palamunin lang naman siya ni daddy!
"Sige magsumbong ka. Dagdagan mo pa 'yong problema ng daddy mo."
Dahil sa sinabi niya natigilan at natahimik ako. He's right, sumasabay pa ako sa problema ni daddy.
Sana naman maayos na ni daddy ang lahat... kasi hindi ko kayang makasama ang lalaking ito na ubod ng presko ang pag-uugali. Mapagpatol sa babae! Walang respeto!
Hmp!
Good luck na lang sa mamagiging asawa niya. Panigurado napaka malas ng babaeng iyon.
"Hindi ka pa rin tapos maghugas?" biglang wika na lalaking tagabundok dahilan para magbalik ako sa huwisyo.
"Sabagay paano ka mamatapos kung hindi ka magsisimula?" dadag pa niya.
In my peripheral vision nakita ko ang lalaking tagabundok na nakasandal sa dingding na kahoy hindi kalayuan sa akin sa gawing kanan ko.
Kumuyom ang mga kamay ko. Demanding din pala siya. Hindi ko na siya pinansin at itinuon na lang ang atensiyon ko sa mga hugasing plato.
Kinuha ko 'yong sponge at kinuskos ito sa plato.
"Hindi ganiyan. Lagyan mo muna ng sabon." Mando niya na nagpagulat sa akin kaya naman nabitawan ko ang plato. Nalalag ito sa sahig at nabasag. Napatalon ako pa nga ako, e. Buti na lang agad kong naiwas ang paa ko kung hindi ito 'yong mababagsakn ng plato.
"Tsk, tsk, tsk!" Napapailing na sabi ng epal na lalaki. "May nasira ka na kaagad. Hindi kasi nag-iingat," he snorted. "Hindi na ako magtataka kung maubos mo ang mga gamit dito sa bahay ko," wika niya.
Inis na inis na talaga ako sa lalaking ito! It's his fault kaya! Kung hindi niya ako ginulat hindi naman mababasag 'yong plato!
"Ano tatayo ka na lang diyan? Hindi mo liligpitin iyan?" Mando niya pa.
'Yong nararamdaman ko ngayon parang isang bulkan na malapit ng sumabog o 'di kaya naman ay parang isang ilaw na malapit ng mapundi. Nagtitmpi lang ako. Isa na lang, isang-isa na lang talaga at makakagat ko na ang lalaking ito. Nakaka-ulol ang kagaspangan ng ugali niya!
"Liligpitin na po 'mahal na hari' ikaw ang boss, e." Sarkastiko kong sabi. I squatted para mapulot ang mga parte ng nabasag na plato. "Nakakahiya naman sayo." I murmured.
"Mag-ingat ka baka matibo ka," aniya.
Wow! Concern?
Kung talagang concern siya edi sana siya na ang gumawa nito. "A-aray!" daing ko. Natibo ako. Ito kasing lalaking ito, e! Masiyadong ginugulo ang utak ko.
"Hey, what happened?" Agad niya akong dinaluhan. He squatted too.
"N-nasugat a-ako..." ani ko habang pinagmamasdan ang dugong lumalabas sa maliit na sugat sa aking kamay.
"Hindi ka kasi nag-iingat," may halong inis na wika niya sabay marahang hila sa akin papaunta sa sink. Kinuha niya ang kamay kong may sugat at itinapat ito sa gripo.
Hawak niya ang kamay ko, ramdam na ramdam ko sa balat ko ang kagaspangan ng kaniyang kamay. Akala ko ugali niya lang ang magaspang, hindi pala.
Nakatitig lang ako sa mukha niya habang ginagawa niya ito. Hindi ko napigilang mapangiti. Paano ba naman kasi kunot na kunot ang noo niya na para bang problemadong-problemado siya sa sugat kong napaka liit.
"Nakabasag na nga nasugat pa. Wala talagang alam sa mundo," bulong-bulong niya. Seryosong-seryoso siya na nakatingin sa sugat kong hanggang ngayon ay wala pa ring tigil sa pagdugo.
"E, wala naman kasi talaga akong alam pagdating sa mga gawaing bahay, e. Saka may mga maid kami, binabayaran namin sila kaya bakit pa ako magpapakahirap?
Napatango-tango lang siya. "Puwes dito matututo ka."
"So, ano gagawin mo akong katulong mo ganoon ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi rin."
"You know what, ang gulo mong kausap." I rolled my eyes.
"Ibang klase, ako pa talaga?" bulong niya habang bahagyang napapailing. "Ako na magtutuloy nito." Tukoy niya sa mga hugasing plato at pati na rin sa platong nabasag ko. "Ngayon ligtas ka sa trabaho dahil may sugat ka."
Dapat ba magpasalamat ako dahil nasugat ako?
Teka... ngayon ko lang napansin. He's still holding my hand kaya naman binawi ko na ito. Napatingin siya sa akin. Our eyes met. Agad akong nag-iwas ng tingin at ganoon din siya. "A-ayos na, h-hindi na d-dumudugo." I said in stammered voice.
"Mabuti naman," he said.
"Ah—Eh... s-sige babalik na ako sa kuwarto," aniko.
"Dito ka lang."
"Huh?"
"Dito ka lang. Panoorin mo ang gagawin ko para sa susunod hindi ka parang tanga na nangangapa at para din hindi ka na makabasag pa."
Napanguso ako. Akala ko pa naman ligtas na ako. Ito talagang lalaking ito napaka paepal sa buhay ko. Walang puso. Nasugat na nga 'yong tao, e!
"E, marunong ka ba naman kaya?" tanong ko sa kaniya. "O Baka naman kaya ka utos ng utos sa akin kasi ang totoo ikaw mismo hindi marunong."
"Diyan ka nagkakamali, mahal na señorita." May pagmamalaking wika niya.
"Talaga? Sige nga, kung talagang marunong ka edi ikaw na lang ang gumawa ng kung anuman ang mga ipapagawa mo sa akin dito sa bahay na 'to."
He chuckled. "Hindi mo ako madadaan sa ganiyan, mahal na señorita. Hindi mo ako mauuto."
Buwiset na lalaki 'to! Mukhang pinanganak 'ata siya para pahirapan ang buhay ko!
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...