Skyla Valderama's POV
ANG akala ko pa naman wala na dito sa bahay ang fiance 'kuno' ko, pero laking gulat ko nang makita ko siya sa komedor, kumakain ng breakfast kasama si daddy. Don't tell me dito siya natulog sa bahay?--Wow, ang kapal niya talaga!
"My princess, come here sabayan mo na kami ni Alas na mag-breakfast," tawag sa akin ni daddy.
"Diet ako ngayon, dad. Mag-ko-coffee lang ako," aniko.
"Buto't balat ka na nga lang tapos diet ka pa ng diet," pabulong-bulong ni Alas.
"May sinasabi ka ba, mister?" tanong ko kay Alas.
"Wala, I just saying na ang ganda mo pala sa umaga."
"Tse." Inirapan ko siya. "Manang, ipagtimpla mo nga ako ng kape, samahan mo na rin ng sandwich."
"Bakit kape? Bakit hindi na lang gatas?" sapaw na naman ni Alas.
"Milk?–Tsk! I'm not a kid anymore."
"Bakit bata lang ba ang umiinom ng gatas?"
"Ikaw dapat ang uminom ng gatas, mas kailangan mo... pampatibay ng buto."
Natawa si daddy. "Nakakatuwa kayong dalawa. Ganiyan na ganiyan kami ni Layla noong araw." Daddy is referring to my mom.
"Manang, dalhin mo na lang sa kuwarto ko, doon na lang ako kakain." Tinalikuran ko na sila. Hindi ko na kayang magtagal pa dito kasama ang lalaking manloloko at paasa.
...
SINABI ko na kay daddy, ayaw ko talagang magpakasal kay Alas at sumang-ayon naman siya, as simple as that. Siguro naisip niya na hindi niya talaga ako mapipilit kaya siya na ang sumuko. Hindi naman kasi puwedeng ipilit niya sa akin si Alas, dahil sa oras na ginawa niya iyon, magtatampo talaga ako sa kaniya.
"Daddy, manang?" Naikot ko na itong buong bahay pero hindi ko pa rin sila makita. Even the other maids, wala. Nasaan na ba sila? Ni isa walang katao-tao dito sa bahay.
Nagtungo ako sa labas bahay at sakto namang dumating ang kotse ni daddy.
Bumukas ang pinto ng sasakyan, pero hindi si daddy ang lumabas dito kundi si Alas. Muntik ko na nga siyang hindi makilala dahil sa suot niyang mask, shade at sumbrelo. Mukha siyang goon sa itsura niya."Nasaan si daddy?" tanong ko.
"Pinapasundo ka niya," aniya.
"Nasaan nga siya?"
"Kung hindi ka sasama hindi mo malalaman."
"Tatawagan ko muna si daddy. Wala akong tiwala sayo, mamaya baka kung saan mo pa ako dalhin," aniko.
Dinial ko ang numero ni daddy at nag-ring naman agad ito.
"Yes, princess?" Si daddy sa kabilang linya.
"Daddy, nasaan ka? Totoo bang pinapasundo mo ako kay Alas?"
"I'm in my office, and yes pinasundo nga kita."
"Saan naman niya ako dadalhin?"
"It's a surprise, my princess."
"Daddy, iyan ka na naman sa mga pa-surprise mo na iyan, e! Last time you surprised me, you announced that I'm getting married."
Natawa si daddy. "Trust me, princess. This time, I'm sure magugustuhan mo na ang surpresa ko."
'Yan na naman, kinakabahan na naman ako!
Pagkatapos naming mag-usap ni daddy ay hinarap ko na si Alas.
"Ngayon na ba tayo aalis?"
"Uh-hmn."
Buti na lang pala nakaligo na ako. "Sandali lang, kukunin ko lang 'yong bag ko."
Hindi talaga ako nakakaalis ng wala ang bag ko, nandito kasi ang ilan sa mga persnal kong gamit, like phone and wallet, saka make-up na rin.
Pagkakuha ko sa bag ko ay agad na kaming umalis. Kaso napansin ko na hindi na ako pamilyar sa daang tinatahak namin, at halos mag-iisang oras na siyang nagmamaneho. Saan ba naroon ang sinasabing surprise ni daddy?
"Alas, saan mo ba ako dadalhin?" Hindi ko na napigilang itanong sa kaniya.
"Iuuwi kita sa probinsiya," very chill na sabi niya.
"Ano!?" Namilog ang mga mata ko.
"Hindi ba nasabi sayo ng daddy mo? 'Di ba nagkausap kayo?"
So, ito 'yong sinabi ni daddy na surprise niya sa akin?
Ipina-kidnap niya ako kay Alas?
Waaahhhhh!... Daddy naman, e!
"No, no! Iikot mo pabalik ang sasakyan! Ibalik mo ako sa bahay, Alas!" Pagsusumigaw ko.
"Buti na lang handa ako kung sakaling mag-tantrums ka," aniya at bigla na lang siyang may ini-spray na kung ano sa air-con ng sasakyan na naging dahilan ng pagkahilo ko. Umikot ang piningin ko at unti-unti itong nanlabo. He's wearing a mask kaya hindi siya naapektuhan nito.
"This is the only way that I can see to make you mine, again," aniya bago tuluyang kainin ng dilim ang paningin ko.
...
Alas Deogracia's POV
SANDALI ko munang itinabi ang sasakyan para ayusin ang pagkakaupo ni Skyla sa back seat. Para maging kumportable ito, hindi mangalay at sumakit ang leeg.
Ang sabi ko aayusin ko lang siya sa back seat, pero naiba ang plano ko. Heto at binuhat ko siya at dinala dito sa katabing upuan ng driver seat.
Kapag lang talaga tulog siya nagmumukhang maamo, pero kapag gising na sakakan na ng taray, daig pa ang tigre.
Skyla, Skyla, Skyla! Mapapaamo rin kita, pero I guess... mukhang mahihirapan at matatagalan ako. Well good luck na lang sa akin.
Kapag hindi tumalab ang plan A, may plan B pa naman ako.
Ang plan A, ay kidnapin siya at akitin. Ang plan B naman ay 'B' as in buntisin siya para wala na talagang kawala.
Habang nagmamaneho ako ay pasulyap-sulyap ako kay Skyla. Hindi ko mapigilan, e.
Para akong tangang napangiti. Ngayon na lang ulit ako nakangiti ng ganito. Parang timang lang amputa!
Ibabalik ko si Skyla sa lugar kung saan nagsimulang mahalin namin ang isa't isa. Alam ko mahal pa rin ako ni Skyla at gagawin ko ang lahat para lang pagkatiwalaan niya akong muli.
Gabi na ng makarating kami sa bahay ko. Napaayos ko na itong bahay, bukod sa mas kumportebale ng tirahan ay lumaki rin ito. Kung dati isang kuwarto lang at meron, ngayon dalawa na. Meron na rin itong second floor.
Hindi alam ng mga taga dito sa baryo na darating kami kaya walang sumalubong sa amin, saka gabi na rin.
"Hey, baby, we're here. Matulog ka lang diyan. Ako ngayon pa lang maghahanda na ako, kasi bukas panigurado once na magising ka, bubugahan mo ako ng apoy."
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...