Skyla Vladerama's POV
ILANG araw na kaming ilag ni Alas sa isa't isa. Nagsimula ito pagkatapos ng gabing hinalikan niya ako.Hindi kaya ako nakatulog no'ng gabi na iyon, tapos pagdating ng umaga hindi ko alam kung paano siya haharapin kaya nagkulong na lang ako sa kuwarto ko, pero hindi rin ako nakatiis dahil kumalam ang sikmura ko kaya lumabas na rin ako. Then iyon that day parang nagkaroon ng barriers between us. Nag-uusap kami pero kaswal lang, isang sagot isang tanong.
Bakit niya ba kasi ako hinalikan?
Dala lang ba iyon ng alak?
Tapos ano? Biglang niya na lang akong iiwasan?
Bakit, hindi niya ba na-feel 'yong labi ko?
Hindi ba siya nasarapan sa labi ko?
Hindi ba siya nag-enyoy na halikan ako?
Dapat ba nag-respond ako sa halik niya?
Na-dissapoint ba siya kasi para akong tuod na hindi nakagalaw?
Edi dapat sana hindi niya na lang ako hinalikan para naman hindi na umabot sa ganito! Kasi sa totoo lang ayaw ko nang pakikitungo niya sa akin ngayon, ayaw ko ng cold treatment niya... para kasing pinipiga ang puso ko, ang sakit-sakit.
"Skyla may pupun—"
"Aalis ka?" tanong kay Alas. Inunahan ko na siya. Bihis na bihis siya, mukhang may lakad na naman siya. Ganiyan niya ako iwasan, lagi siyang lumalabas, umaalis.
"Nagpapatulong kasi si kapitan na ayusin ang bubong nila. Binalita kasi sa TV na may darating na bagyo."
Naisip niya pa talaga 'yong bahay na ibang tao kaysa sa sarili niyang bahay. E, isang malakas na hangin nga lang dito ay panigurado liliparin ito.
"Ganoon ba, sige mag-ingat ka baka mahulog ka, ang sakit pa namang mahulog." I tried my best para itago ang pait sa boses ko.
"Alis na ako. May pagkain na diyan, huwag mo na akong hintayin dahil baka hapunin na ako doon.
"Ganoon ka katagal doon?" tanong ko.
"Uh-hmn. Ang daming kailangang ayusin."
"Okay." Tinulikuran ko na siya.
Peke akong napangiti.
Panigurado magkakasama sila ni Aira.
...
Alas Deogracia's POV
ANO ba 'tong ginagawa ko? Bakit ko siya iniiwasan?
Ako itong gumawa ng kalokoha tapos ako pa itong may ganang itrato siya ng malamig. Damn, ang gago ko!
'You kissed her, Alas! Ikaw ang nag-initiate! So better yet harapin mo ang consequence ng aksiyon na ginawa mo!--Harapin mo siya!' Sermon ko sa sarili ko.
Hindi ko na kasi talaga napigilan, parang hinahatak ako ng labi niya na halikan ko siya. Dagdagan pa ng impluwensiya ng alak, kaya tuluyan na akong nawala sa katinuan.
Dammit! Kanina, nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya... parang gusto kong bugbugin ang sarili ko!
I know naguguluhan na siya sa mga biglang ikinikilos ko. Wala, e. Gago ako!
Now here I am, tinatahak ang daan pabalik sa bahay. Hindi ko na kaya na dumaan pa ang isang araw na hindi kami nagkakausap ng maayos.
Para na akong mababaliw na ewan. I know late na ako. Dapat pagkatapos pa lang ng halik kinausap ko na siya, pero ginapangan na ako ng kaduwagan at mas pinili na lang na umiwas.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...