Kabanata 15

463 8 0
                                    

Alas Deogracia's POV

"ALAS, akala ko ba magtatanim tayo?" tanong sa akin ni Skyla. Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal.

Binigyan ko na siya ng matinong almusal. Masiyadong matapang ang kapeng barako para sa kaniya, kaya binilhan ko siya ng gatas.

"Pangit ang klima ngayon, hindi ito ang tamang panahon para magtanim," sagot ko na lang.

Hindi niya pa rin pala nakakalimutan ang sinabi ko about sa pagtatanim na iyan.

Gawa-gawa ko lang naman kasi talaga iyon. Pero kung sakaling hanggang ngayon ay umiiral pa rin ang pagka-bratinella niya, talagang gagawin namin iyon, pero ngayon she's good girl na kaya wala ng pagdidisiplina na mangyayari.

"E, bakit 'yong ibang kapit bahay natin nagtatanim? Ang ganda nga ng mga tanim nila, very healthy."

"Iba kasi ang lupa dito sa atin," pagdadahilan ko.

"Paanong iba? Hello nasa iisang place lang kaya kayo–tayo, kaya paanong naging iba?"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Ang hirap makipag sagutan sa kaniya. Ang hirap niyang utuin. Hindi na talaga siya bata. Now, paano ko ito malulusutan?

Thankfully dahil sa huli ay naniwala na siya sinabi ko. Kung ano-ano na lang din ang sinabi ko, kesiyo ganito, ganiyan---na ilang buwan akong hindi nakapagtanim kasi may inuutos sa akin ang daddy niya kaya napabayaan ko ang taniman ko--kaya masukal na.

Mas pinili ko na lang na magsinungaling kaysa sabihin sa kaniya kung ano ang totoo–na hindi talaga ako magsasaka. Ayaw kong bigla na lang siyang ma-intimidate sa akin kapag nalaman niya ang totoo.

"Ibig sabihin walang pagtatanim na magaganap?" tanong niya pa.

I slowly shake my head. "Wala."

"Ano ba iyan, excited pa naman akong magtanim," she murmured.

Binabawi ko na ang sinabi ko kanina--na if ever na umiral na naman ang pagka-bratinella niya hindi ko pa rin pala siya pagtatanimin. Masiyado siyang maganda para magtanim. And her skin, ayaw ko itong masira. Makinis siyang nagpunta dito kaya makinis ko din siyang ibabalik sa kanila.

...

ABALA ako sa pagluluto dito sa kusina. Kagagaling ko lang ng palengke. Hindi ko na sinama si Skyla dahil nadala na ako no'ng minsang isinama ko siya.

Sising-sisi ako no'ng araw na iyon. Halos lahat kasi ng lalaki sa palengke napapalingon sa kaniya, kitang-kita sa mga mata nila ang labis na paghanga at pagnanasa, like what the fvck? Kasama niya ako–katabi niya na ako! But yet hindi pa rin sila maawat. Kinailangan ko pa silang samaan ng tingin para lang tumigil sila sa pagtitig kay Skyla.

"Alas?"

Nakita ko sa peripheral vision ko si Skyla na kapapasok lang ng kusina.

"Oh?" Hindi na ako nag-abalang tapunan siya ng tingin.

"A-alas kasi—ano... kasi—ahm..."

I sighed. "Talk to me when you are ready to speak."

"A-alas, ano kasi... meron ako ngayon," mahinang sabi niya at sa sobrang hina ay parang bulong na ito. Buti na lang twenty-twenty ang hearing ko.

This time napalingon na ako sa kaniya. "Merong ano?"

"A-alam mo na iyon," namumula ang mukhang sabi niya. Hindi rin siya makatingin sa akin ng diretso.

Kinunutan ko siya ng noo. "Hindi ko alam." Hindi ko makuha ang pinupunto niya–'yong ibig niyang sabihin. Ayaw na lang kasi akong diretsohin.

"Alas, naman! Don't play like you don't know it! Alam kong alam mo ang tinutukoy ko!" Maktol niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Kanina lang para siyang kamatis sa pula.

Nabuntong hininga ako. "Look baby, hindi ko talaga ala—" Natigilan ako at huli na ng ma-realized kung anong tinawag ko sa kaniya. Damn, good job, Alas. Ang galing mo!

Gulat na gulat siya. Her eyes widen.

"A-ang ibig kong sabihin ay para kang baby--parang bata ganoon---para kang bata kung umarte," agad na sabi ko. Damn, I'm sounded so defensive!

"Sorry..." She bite her lower lip.

"Mabalik tayo sa sinasabi mo. Ano ba kasi iyon?" tanong ko.

"A-ano k-kasi... may period ako," wika niya sa maliit na tinig.

I get it now. Nireregla naman pala.

"So, anong gusto mong gawin ko?"

Tsaka bakit niya pa kailangang sabihin at ipaalam sa akin?

"Penge akong napkin. Wala kasi akong nadala, e."

Really? Humihingi siya ng napkin sa akin? Bakit mukha bang nireregla din ako?

"I mean, ibili mo pala ako ng napkin," aniya.

"Okay sige, tatapusin ko muna itong niluluto ko para makakain ka na.

Bibili ako ng napkin? Wow, just wow!

*

"ALING Mayang, may napkin po ba kayong tinda?" tanong ko sa tindera ng sari-sari store.

"Meron, Alas. Para ba sa girlfriend mo?" tanong niya.

"Oho," sagot ko.

"Hindi mo pa ba nabuntis?" kyursyosong tanong nito habang binabato ako ng makahulugang tingin.

Natawa na lang ako sa sinabi nito imbes na mainis. Ganito kasi talaga ang mga tao sa probinsiya, walang preno ang bibig, especially kapag kakilala ka nila.

"Hindi pa nga ho, e." Sakay ko na lang.

"Pasasaan pa at makakabuo rin kayo, panigurado sobrang gaganda at guguwapo ng magiging anak n'yo."

Hindi ko alam ang ire-react ko kaya minabuti kong huwag na lang magsalita.

"Alas, anong klaseng napkin ba?" tanong ni Aling Mayang.

Huh? Iba-iba ba ang klase ng napkin?

"Anong brand? 'Yong may wings ba o wala?" tanong pa ni Aling Mayang.

Hindi pala nasabi sa akin ni Skyla kung anong napkin ang ginagamit niya.

Damn, nakaka-stress naman 'to, oh!

"Aling Mayang, bigyan n'yo na lang ho ako ng tig-lilimang balot ng lahat ng brand ng napkin na nandiyan, pati na rin ng may wings at wala."

"Ha? Ang dami naman?"

"Hindi ko ho kasi alam ang napakin na ginagamit ni Skyla kaya dadamihan ko na ho."

Nang makabili na akong ng napkin, umuwi na rin agad ako.

"Alas, ang dami naman nito? Tatlong araw lang ako rereglahin hindi isang taon."

Napakamot ako sa likod ng ulo. "Hindi ko kasi alam kung anong klaseng napkin ang ginagamit mo kaya bumili ako ng marami."

Napakagat siya pang-ibabang labi niya. "S-salamat, dito..."

"May bayad iyan," aniko.

"Ha?--teka sandali kukuha akong pera," tarantang sabi niya.

"Ibang bayad ang tinutukoy ko, hindi pera."

"Eh, ano?"

"Hindi bale na lang. Saka na lang kita sisingilin kapag handa ka na."

She pouted. "Ano ba kasi iyon?"

"Basta," natatawang sabi ko.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon