Lavisha's POV
SINO bang may-ari ng cellphone na 'to? At bakit pakalat-kalat?
May lalaking pumulot sa cellphone. At ito ay wala iba kundi si...
Xaver!
Siya ba ang may-ari nitong cellphone?
Nang tumayo ang lalaki ay nagtama ang mga mata namin. Ang lamig ng tingin na binabatao niya sa akin. Agad kong iniwas ang tingin ko.
"Look what you've done to my phone. Alam mo ba kung magkano 'to?"
"X-xaver... p-pasensiyan na... h-hindi ko kasi n-nakita..." utal na sabi ko.
"Kung inaakala mo na papalagpasin ko ang ginawa mo... hindi," he said coldly.
Napalunok ako. "P-please... h-huwag mo akong—"
"Fallow me," putol niya sa sinasabi ko bago ako tinalikuran at naglakad na palayo.
Susunod ba ako?
What if dalhin niya ako sa lugar na walang tao?–Tapos saka niya ako patayin?
Huminto siya sa paglakad. "I said follow me," aniya na hindi tumitingin sa akin. "At huwag kang magkakamaling takasan ako... kung hindi..." binitin niya ang sasabihin niya, pero alam ko naman kung ano ang gusto niyang iparating.
He's threatening me.
Nanginginig ang tuhod kong sumunod sa kaniya.
"Ang tanga-tanga kasi. Iyan lagot siya kay Xaver."
"Sino ba iyang babaeng iyan? Ang tanga naman! Hindi niya ba nakita ang cellphone ni Xaver?"
"May pambayad kaya siya? Mukha pa namang mamahalin 'yong cellphone!"
"Nakakatakot pala 'tong si Xaver!"
"Ako lang ba o kayo din? Mas lalong akong na-inlove kay Xaver! Ang hot niya!"
Samo't sari ang bulungan ng mga estudiyanteng nagkalat sa paligid.
Dear, Lord. Sana po iligtas n'yo po ako sa galit ni Xaver.
Mukha man siyang kalmado pero I know sa loob-loob niya gusto niya nang pigain ang leeg ko.
Kilala kasi siya sa pagiging tahimik niyang tao. E, malay ko ba, baka mamaya nasa loob ang kulo niya.
Sinundan ko si Xaver hanggang makarating kami sa likod ng building.
"Xaver, I know hindi tayo close, pero please naman... huwag mo akong sasaktan..."
"Five hundred thousand. Iyan ang halaga ng cellphone kong sinira mo," aniya sabay hagis sa paahan ko ng cellphone niyang basag ang screen.
Teka, kanina hindi naman sobrang basag iyon, ah?
Ah siguro baka ngayon lang lumitaw ang basag. Parang aftershock gano'n.
Teka, magkano daw ulit 'yong price ng cellphone niya?–Five hundred thousand? For real? Ano bang klaseng cellphone iyon? Bakit napaka mahal?
Siguro 'yong camera no'n sobrang linaw, 'yong tipong sa sobrang linaw pati masamang ugali ng isang tao makikita.
'Yong cellphone ko nga nagkakahalaga lang ng two thousand five hundred. Nakakainis nga lang, kasi bukod sa ang bilis ma-full storage ay ang labo pa ng camera, hindi manlang ako makapag selfie. 'Yong feeling na ang ganda-ganda mo sa salamin tapos pagdating sa camera ng cellphone mukha kang alien na ewan, tapos ang bilis pa ma-low bat.
Napalunok ako. "A-ang mahal naman ng cellphone mo..." mahina kong sabi.
"Of course. Hindi naman kasi iyon ordinaryong cellphone lang na nabibili sa mga mall."
Ah, kaya naman pala. Sabagay bakit pa ako magtataka, e napaka yaman niya.
"But don't worry... hindi kita sisingilin."
Hooh! Nakahinga ako ng maluwag matapos marinig ang sinabi niya. Pero alam ko 'to. Panigurado may kapalit siyang hihingin sa akin.
"Pasensiya na, Xaver, pero hindi ako papayag--hindi ko ibibigay sayo ang katawan at puri ko bilang kabayaran. Babayaran kita kahit magkanda kuba pa ako sa pagtatarabaho, pero huwa—"
"Tsk. Tanga. Mukha bang intiresado ako sa katawan at puri mo? Kilabutan ka nga. You're not my type."
Wow! Ang sakit naman niyang magsalita 'plus' may tanga pang kasama. E, kung bigwasakan ko kaya siya? Pero grabe, pahiya ako one-fourth! Waahhh!
"Ano bang gusto mo? Anong kapalit? Kasi for sure hindi mo basta na lang kakalimutan ang cellphone mong nasira ko."
"Ang gusto ko? Simple lang... magpanggap kang girlfriend ko..." aniya na nagpanganga sa akin.
"Ano? Magpanggap na girlfriend mo?" Gulat na gulat ako. "Nahihibang ka na ba mister?" Napalakas ang boses ko.
Gusto niya akong magpanggap na girlfriend niya bilang kapalit ng pagkasira ko sa cellphone niyang ubod na mahal?
"No. Ayaw ko. Hindi ako papayag sa gusto mo!" agad kong tanggi.
"You have no choice but to consent," wika ni Xaver. "Pero kung hindi ka papayag... puwes bayaran mo na lang ako. Pero ang tanong, meron ka bang pambayad?"
"A-ano kasi... w-wala pa kasi akong... p-pera sa ngayon..." utal na sabi ko. "Pero magbabayad ako. Huhulug-hulugan ko nga lang."
"Then, ibigay mo na 'yong paunang hulog mo. Two hundred fifty thousand muna," aniya.
Napatanga ako. "Xaver... a-ano kasi... wala akong ganiyang kalaking pera. Pero may two hundred ako dito. Ito muna." Kinuha ko ang pera sa bulsa ko at inabot ito sa kaniya.
"Aanhin ko iyan?"
"X-xaver, k-kasi—"
"Sinira mo ang cellphone ko ng isang araw lang, kaya dapat lang na bayarin mo rin ako within a day. Kung tutuusin mabait pa mga ako kasi kalahati lang ang hinihingi ko."
"E, wala nga akong pera, kahit pa pigain mo ako dito!"
"Then, sa police station na lang tayo mag-usap."
"Uy, hindi naman kailangang umabot pa diyan!"
"Kung pumapayag ka lang kasi sa hinihingi ko sayo, talagang hindi tayo aabot pa sa puntong iyan."
Lavisha anong gagawin mo?
Papayag ka bang maging girlfriend 'kuno' niya? O makukulong ka?
"Hindi ka rin makakalusot dahil maraming nakakita sa ginawa mong pagtapak sa cellphone."
"P-pero aksidente lang ang nangyari... hindi ko sinasadya..."
"Sino sa tingin mo sino ang paniniwalaan sa ating dalawa?"
Ginigipit niya ako, iyon ang totoo!
Haist! Ano bang laban ko sa kaniya? Lalaki lang ang problema ko kung makikipag tagisan pa ako sa kaniya. Baka umabot pa ito kila mama at papa, mamroblema pa sila.
"Oo na, papayag na ako!" pikit matang sabi ko. Napasubo na ako. Wala na akong pagpipilian.
Hayyy... good luck na lang sa journey ko bilang fake girlfriend niya. Waahhh! Huhuhu!
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...