Kabanata 21

90 3 0
                                    

Xaver's POV

MY HEAD hurts so fucking damn much! And I think my skull is broken.

Buwiset na babae iyon!

Kung hindi lang talaga siya babae ay pinalipit ko na ang leeg niya.

Gawa ata sa bakal ang ulo niya. Napaka tigas. At paanong hindi manlang siya masaktan?

"Dre, anong nangyari diyan sa noo mo? Bakit may bukol ka?" tanong ni Adam.

Oo, nagkaroon ako ng bukol at sa gitna pa nakapuwesto, nagmukha tuloy akong unicorn. Buwiset, sira na ang kagwapuhan ko! Paano na lang kapag nakita ako ni Adrianna?

"Nauntog ako," blangkong sagot ko.

Natawa siya. "Really, dre? Saan naman?"

"Sa ulo ng baliw na babae."

"Si Lavisha?" naguguluhan niyang tanong.

Damn! Marinig ko lang ang pangalan niya kumukulo na ang dugo ko.

"Ano bang nangyari, dre? Don't tell me nagkauntagan kayo ni Lavisha?

"Hindi kami nakauntugan, she headbutted me."

"Woah!" He's jaw dropped. "Ginawa niya iyon? Wow! Ang angas!" humangang bulalas niya.

"Tsk. Anong maangas doon? Ang abnormal niya kamo. Imagine hindi manlang siya nasaktan? Tanging ako lang!"

"Ang astig niya talaga!" he murmured. "Pero how is she? May bukol din ba siya?"

Amputa! Kasasabi ko lang na ako lang ang tanging nasaktan.

Nagiging lutang na siya kakasama kay baliw na babae.

Ang baliw na babaeng iyon, hindi siya nakakabuti sa amin.

"Hindi siya nasaktan, yari ata sa bakal ang ulo ng babaeng iyon," anang ko.

"Ano namang ginawa mo sa kaniya? Sinaktan mo ba siya? Kasi knowing you, Xaver... ang bilis mo magdilim ng paningin mo."

Biglang nag-flashback sa isipan ko ang ginawa kong pag-akma sa kaniya kanina. I know dapat hindi ko ginawa iyon, kaso hindi ko napigilan ang sarili ko. Agad na nagdilim ang paningin ko.

"Of course, not. Kahit gustong-gusto ko na, pinigilan ko ang sarili ko. She's still a girl no matter what."

Babae na kung umasta ay lalaki. Napaka tapang, kung hindi ba naman pandak at payatot.

"Buti naman, dre. Last time kasi you gripped her arm."

"Don't worry, hindi ko siya sinaktan, kung iyan ang inaalala mo," wika ko.

"Dapat lang, dre."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Ikaw nga, tapatin mo nga ako, Adam. May gusto ka ba kay Lavisha?"

He chuckled. "Anong klaseng tanong iyan, dre? May gusto agad? Di ba puwedeng concern lang ako sa kaniya kasi kilala kita, dre. Kapag nagalit ka nagiging magulo iyang daloy ng pag-iisip mo at kung ano nang nagagawa mo, to the point na nakakasakit ka na."

Hindi rin. Nagawa ko ngang kontrolin ang sarili ko kanina.

"Anyway si Lavisha ba nakita mo?" tanong pa niya. "Nangako kasi siya sa akin na ililibre niya ako after ng klase."

"Sa tingin mo ba may pakialam pa ako sa kaniya pagkatapos ng ginawa niya sa akin?"

Natawa siya. "Ikaw naman kasi, dre. Huwag mo na masiyadong asarin, alam mo naman iyon, may pagka amasona, palaban na babae."

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon