Lavisha's POV
"LQ na naman kayo?" Si Lancel. Naupo siya katapat kong upuan.
"Ha?" Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain.
"Si kuya Xaver talaga, ang sabi niya hindi ka na niya paiiyakin," bulong niya.
"Ano?" hindi ko narinig ang sinabi niya dahil sa sobrang hina.
"Wala. Ang sabi ko. Magkausap kayo ng maayos."
"Ayos ka lang Lancel? Akala ko ba ayaw mo kay Xaver? Bakit out of the blue okay ka na sa kaniya?"
"Basta ate, kung saan ka masaya doon ako."
"Ang weird mo, Lancel."
Pero at least okay na siya kay Xaver. Si mama at papa na lang ang iisipin ko.
"Ano breakfast natin?" tanong niya.
"Ano ba nakikita mo?"
"Tuyo at itlog."
"Edi ayan."
"Ayaw ko niyan."
"Bakit mayaman ka?"
"Magkakape na lang ako. Itimpla mo ako."
"Ano ka boss?"
"Ate naman! Bunso ako, dapat lahat ng gusto ko ibibigay at susundin mo."
"Neknek mo!"
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko iniwan na siya.
"Ate 'yong kape ko!" sigaw niya.
"May kamay at paa ka, ikaw ang gumawa!" sigaw ko rin.
"Hindi na ikaw ang favorite ate ko!"
"Sira, ako lang ang ate mo!"
*
MALAYO pa lang ako ay natatanaw ko na si Xaver. Ayaw ko muna siyang makausap. Sira ulo siya. Hmp!
Lumapit ako sa paradahan ng trysicle. "Kuya, sa CLU nga po." Napasubo na ako. Mahal pa naman pamasahe sa trysicle. Minsan na nanaga pa sila.
"Lavisha?"
Patay, nakita ako!
Nagkunwari akong hindi siya narinig. "Manong, tara na ho."
"Tinatawag ka yata ng nobyo mo, ineng."
"Ay, hayaan n'yo na po, tara na po." Pinaandar na ni manong ang trysicle.
"Lavi?!" Habol ni Xaver sa amin.
Sorry Xaver. Naiinis ako sayo, e.
...
"NANDITO ka lang pala. Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ni Xaver? Kulang na lang magtalaga siya ng search and rescue."
"Paano mo nalamang nandito ako?"
Mahina siyang natawa. "Nakalimutan mo yata, this is my place."
Oo nga pala, siya nga pala si 'Caleb the bookworm'.
"Hindi ko nga inasahang makikita kita dito," aniya pa.
"Nagbabasa ako," dahilan ko.
"Really? Nababasa mo 'yong libro sa ganiyang lagay?"
Napatingin ako sa librong hawak ko. Takte, baliktad!
"Oo, hidden talent ko iyon."
"Gusto kong matutunan iyan." Sabay upo sa katabing upuan ko.
"Huwag kang lumapit!" pigil ko sa kaniya.
"Why?"
"Baka... baka biglang dumating si Xaver, kung ano na naman ang isipin niya."
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...