Kabanata 16

97 1 0
                                    

Xaver's POV

"GOOD news, dre!" Pagpasok pa lang ni Adam iyan na agad ang lumabas sa bibig nito.

"Hala! Ano iyon? I-chicka mo na dali!" ani ng madaldal na babae na itago na lang natin sa pangalang Lavisha.

"Lavisha, good news 'to para kay Xaver," ani ni Adam.

"Ay, akala ko pa naman kung anong good news na iyan. Kay kuto lang naman pala magbe-benefit."

Kuto?

Ako ba ang kuto na tinutukoy niya?

She called me kuto? 'Yong gumagapang sa ulo?

"Anong tinawag mo sa akin?" seryoso kong tanong kay Lavisha.

"H-huh?–Ano iyon?"

"Akala mo ba hindi ko narinig na tinawag mo akong kuto?"

"Naku, nabibingi ka lang. Wala akong sinasabing para kang kuto na ang sarap tirisin..." maang-maangan niya.

"Ano akala mo sa akin, bingi?" asik ko.
"Oo—este wala akong sinabing ganiyan, ikaw lang ang nagsasabi niyan sa sarili mo. Basta ako malinis ang kunsensiya ko."

"Ano 'yong tinutukoy mo, Dam?" tanong ko kay Adam. Dito na ako bumaling. Kung patuloy pa kasi akong makikipag-usap sa madaldal na babae ay baka tuluyan lang masira ang mood ko. Diyan naman kasi siya magaling, ang sirain ang araw ko at painitin ang ulo ko. Kapag bumuka na ang bibig niya ay hindi na ako mananalo sa kaldalan at sa pangangatwiran niya.

"Heto na nga Xave, nasabi kasi sa akin ni Adrianna na—"

"Hayyy... akala ko talaga 'yong good news na sinasabi mo Adam, ay kanselado na ang klase," salita ni Lavisha kaya naman napahinto si Adam sa pagsasalita.

Tsk tanga amp!

Bakit ano bang meron para makakansela ang pasok?

"Tuloy mo ang sinasabi mo. Huwag mong pansinin iyang babaeng iyan. Sadyang ganiyan na tlalaga iyan, madaldal. Kahit hindi siya ang kinakausap ay bukaka at bubuka ang bibig niyan," aniko kay Adam.

"Sabi ko nga mananahimik na ako," ani ni Lavisha.

"Iyan ang mas mainam mong gawin. Punuin mo na lang ng pagkain iyang bibig mo," ani ko sa kaniya.

"Oy, dre." Mahina akong siniko ni Adam sa tiyan. "Ang harsh mo naman kay Lavisha."

"Tsk. Kahit sabihin mo ng kung ano-ano ang babaeng iyan, hindi iyan maapektuhan," aniko.

"Iyon ang akala mo," bulong ni Lavisha. Hindi ko narinig ang sinabi niya dahil sa sobrang hina at saka wala rin naman akong pakialam kung ano iyon.

"Pero ito nga, dre. Nasabi sa akin ni Adrianna na... dito siya mag-aaral!"

"Woah! Totoo?" Hindi ko na naitago ang tuwa sa tinig ko.

"Yep, kaya ang ibig sabihin lang ay mukhang mag-ii-stay na siya dito sa bansa."

Damn!

"Tuwang-tuwa lang, dre?" ani pa ni Adam.

"Naman!"

"Halatang nga. Abo't tenga ang natin."

My Adrianna, mas magkakasama na tayo. Araw-araw na kitang makikita.

"Ano namang nakakatuwa kung dito na siya mag-aaral?" Salita ng matakaw na babae. At talagang hindi muna niya nilunok ang nasa bibig niya bago siya magsalita. Kapag siya nabulanan sa ginagawa niya—ewan ko na lang sa kaniya.

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon