Lavisha's POV
NAKAKTUWA naman sina Caleb at Adam, ang bait nila, unlike sa kaibigan nilang si Xaver 'slash' fake boyfriend 'kuno' ko. Wala siyang ibang ginawa kundi pagalitan at punahin ako. Haist! Ayaw ko na lang mag-talk.
"Lavi, kaya naman pala hindi ka na sumasabay sa aming kumain, ah. Iyon pala sila Xaver na ang kasabay mo," kumpronta sa akin ni Mayet.
Napalunok ako. "P-paano n'yo nalaman?" tanong ko.
"Na-curious kasi kami kung saan ka nagpupunta tuwing break time at lunch time. Kaya we decided na sinundan ka para malaman namin. Then we found out na sa VIS room ka pala pumupunta," sagot ni Mayet.
Napalunok ulit ako. "A-ano kasi..." Anong isasagot? Hindi ako prepared! Ano sasabihin ko na ba sa kanila na boyfriend ko si Xaver?
"Ano?" -Mayet
"N-nandoon ako kasi... m-may pinag-uusapan kami ni Xaver about sa phone niyang nasira ko..." pagpapalusot ko.
"Akala ko ba solve na ang problema mo diyan?" -Cyrus
"Ang totoo... h-hindi pa talaga..." mahinang sabi ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin ang totoo?" tanong pa ni Cyrus.
"A-ayaw ko na kasing abalahin pa kayo..." ani ko."
"Hina-harass ka ba nila?" -Cyrus
Mabilis akong umiling. "Hindi-hindi..."
"Kung ganoon bakit ka pa pupumunta doon sa VIS room? Anong ginagawa mo do'n?" -Cyrus
"Huwag n'yo akong tignan ng ganiyan." Kung tignan kasi nila ako ay para bang may ginagawa akong kababalaghan kasama sila Xaver. "Alam ko 'yang mga tingin n'yo na ganiyan. Uunahan ko na kayo. Wala kaming ginagawang masama. Nagpupunta ako doon dahil—"
"Girlfriend ko siya..."
Ang boses na iyon...
Kay Xaver.
Patay!
Bakit niya sinabi?
Hanggang maramdam ko na lang kamay ni Xaver sa bewang ko.
"Kaya siya palaging nasa VIS room ay dahil girlfriend ko na siya," ulit pa niya.
Pinadilatan ko siya ng mata at binigyan ng tingin na 'Bakit mo sinabi sa kanila?'
'Yong mga kaibigan ko... natulala sila dahil sa gulat... at pati na rin 'yong ibang estudiyante nasa palagid. Malamang sa malamang ay narinig din nila ang sinabi nitong si Xaver.
Ito naman kasing si Xaver, napaka ano, e!—Napaka padalos-dalos!
"A-ahm, guys. Mamaya na ako magpapaliwanag sa inyo," ani ko sa mga kaibigan bago hinatak si Xaver palayo.
Nakapag-usap na kami, e! Akala ko dadahan-dahanin lang namin? Pero sa ginawa niya... binigla niya ang mga tao dito sa CLU!
Nakakinis siya!
Wala siyang isang salita!
"Ano iyon, Xaver? Bakit mo sinabi sa kanila na girlfriend mo ako?" We're now in VIS room
Umarko ang makakapal niyang kilay. "Bakit may mali ba sa sinabi ko?"
"Humahanap pa nga ako ng tiyempo para sabihin sa kanila tapos bigla kang dadating, makikisali sa usapan namin at sasabihin girlfriend mo ako?"
"Ayaw mo no'n? At least hindi ka na mahihirapan na magsabi sa kanila."
"Haist! Ano pa bang magagawa ko? E, nasabi mo na... Pero ano ba kasing pumasok sa isip mo at sinabi mo iyon sa kanila?"
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...