Xaver's POV
BABY?
Napabalikawas ako ng bangon.
Damn!
Bakit hindi ko malimutan ang pagtawag sa akin ni Lavisha ng baby?
Fvck! Binabangungot na ako. Hindi na maganda 'to!
Ang babaeng iyon, pati sa pagtulog ko ginugulo niya ako!
Umagang-umaga pero sira na ang araw ko. Sana lang makita ko si Adrianna para kahit papaano gumanda ang mood ko.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. May nag-text. Dinampot ko ito para malaman kung kanino galing at mabasa ito.
—
Adam:
Dre, gising ka na ba?
—
Adam:
Si Adrianna kasi nagpapasundo siya sa akin. Ano ikaw na lang?
—Buwiset! Bakit kay Adam pa siya nagpapahatid? E, nandito na naman ako?
Mabilis akong nagtipa ng ire-reply ko kay Adam.
—
Ako:
Ako na, dre.
—
Adam:
Buti na nag-reply ka agad. Akala ko tulog ka pa. Otw na sana ako kila Adrianna.
—
Ako:
Ako na ang maghahatid sa kaniya, dre. Salamat.
—Nagmadali akong maligo, ni hindi ko nagawa pang mag-breakfast. Agad na rin akong umalis.
Sa gitna ng aking pagda-drive ay tumunog ang cellphone ko. Sa pag-aakalang si Adam ang nag-text ay dali-dali kong binuksan ang cellphone ko.
Nagkamali ako, hindi si Adam ang nag-text kundi ang pasaway na babae.
—
Baliw na babae:
Uy Xaver nasa school ka na ba?
—Hindi na ako nag-abalang reply-an siya. Bahala siya sa buhay niya.
Nag-focus na lang ako sa pagmamaneho ko, pero hindi nagtagal ay muling tumunog ang cellphone ko.
Ang weird, naiinis ako sa kaniya pero hindi naman ako makatiis na hindi buksan ang message niya.
—
Baliw na babae:
Kung wala pa, puwede ba na daanan mo ako? Pasabay naman, oh?
—Bakit kaya bigla na lang niyang naisipan na sumabay sa akin?
Ni-reply-an ko siya.
—
Ako:
Busy ako.
—
Baliw na babae:
Saan naman?
—
Baliw na babae:
Uy, baka isipin mo na chismosa ako. Hindi ako ganiyan. Sadyang nagtatanong lang ako. Nasasayo pa rin naman iyon kung sasagutin mo.
—Tsk. Kahit sa text ang ingay at ang daldal niya.
Hindi ko na siya nireplyan. Pero takte! Nag-text naman siya.
—
Baliw na babae:
Uy? Sige na pasabay ako!
—Ang kulit!
Damn! Natagpuan ko na lang sarili ko na nagre-reply.
—
Ako:
Bakit ba ako ang ginugulo mo?
—
Baliw na babae:
E, kasi wala akong kasabay.
—
Ako:
Hindi ko na problema iyan.
—
Baliw na babae:
Problema mo rin iyon! Duty ng isang boyfriend na ihatid at sunduin ang girlfriend niya!
—Ang dami namang alam ng babaeng 'to!
Ako boyfriend niya?
Masiyado na siyang nangangarap.
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...