Kabanata 41

91 1 0
                                    

Lavisha's POV

PAGMULAT ko ng aking mga mata ay puting kisame ang bumungad sa akin. Alam ko na agad kung nasaan ako. Sa clinic.

Nahimatay nga pala ako dahil sa sama ng pakiramdam ko at mas sumama pa ito dahil kay xaver.

"Thank God, gising ka na." Si Caleb na nakaupo sa silya pero agad na napatayo nang makitang gising na ako.

"Ang sabi ng doktor you have a fever, dahilan kung bakit ka nahimatay," ani pa ni Caleb.

"Akala namin kung ano namang ginawa sayo ni Xaver," anang naman ni Adam.

"Wala siyang ginawa sa akin, nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaintindihan, nagkasagutan lang ng kaunti," wika ko na kahit papaano pinagtatakpan si Xaver.

"Hindi pa rin tama na pagbintangan ka niya, Lavisha," giit ni Adam sa matabang na tinig.

"Siguro sadyang importante lang talaga sa kaniya itong necklace na binigay niya kay Adrianna, tapos makikita niya sa akin."

"Paano ba kasi napunta sayo iyan, Lavisha?" tanong ni Caleb.

"Binigay sa akin ni Adrianna," mahinang kong sagot.

"Si Adrianna mismo ang nagbigay sayo? Weird. Bakit niya ibibigay sayo iyan, e regalo sa kaniya iyan ni Xaver." Ani Adam.

"Binigay niya sa akin, kasi ang sabi niya mas deserve ko daw ito, at hindi niya rin daw ito masusuot dahil meron na daw siyang kuwintas na binigay sa kaniya ni Marcuz," paliwanag ko.

"Still, dapat hindi niya pa rin binigay dahil sa kaniya iyan ni Xaver, dapat pahalagahan niya," ani pa ni Adam.

"Adam, wala naman siyang alam sa isyu namin Xaver, kaya siguro naisip niya na ayos lang na ibigay niya sa akin ito dahil 'girlfriend' naman ako ni Xaver, e."

"Adam, she need to rest," pagsingit ni Caleb.

"Yea, oo nga pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Adam sa akin.

"Ayos na ako," sagot.

"Mabuti naman," ani Adam.

Napatingin kami sa pinto nang marinig naming bumukas ito at iniluwa si Xaver.

Unang umagaw sa atensiyon ang duguan niyang kamao.

Anong nangyari sa kamay niya? Nakipag away ba siya?

Sinuri ko ng tingin ang buong katawan niya para alamin kung may iba pa siyang sugat pero wala na naman akong nakita.

"Dre, anong nangyari sa kamay mo?" tanong ni Caleb kay Xaver.

"Wala 'to," tipid na sagot ni Xaver habang ang mga mata ay nakatutok sa akin. Naglakad siya papalapit sa akin. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya.

"A-ayos na ako," mahinang sagot ko.

"Tara, Adam. Bili tayo ng pagkain baka nagugutom na si Lavisha," anang ni Caleb.

"Ikaw na lang, dre. Dito lang ako, babantayan ko si Lavisha. Mahirap na baka pag-initan siya ng isa diyan," mapait na wika ni Adam.

"Dre, samahan mo 'ko." Pinandilatan ni Caleb si Adam na para bang may pinapahiwatig ito kay Adam.

"Hindi mo ba kaya mag-isa?" iritadong tanong ni Adam kay Caleb.

"Hindi. Kaya samahan mo ako. Alam natin na malakas kumain si Lavisha, kaya maraming tayong bibilhin," sagot ni Caleb.

"K, fine." Wala ng nagawa si Adam. "May gusto ka bang kainin, Lavisha?" tanong niya sa akin.

"Kayo na ang bahala," sagot ko.

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon