Lavisha's POV
NAKALABAS na si papa sa hospital at maayos na rin ang lagay nito. At alam na rin pala nito ang dahilan ng biglaan kong pagkawala, si mama na ang nagkuwento rito. Nagalit ito siyempre. Pareho sila ng naging reaksyon ni Lancel, galit na galit kay Xaver. Buti na nga lang at hindi tumaas ang dugo nito.
And speaking of Xaver... Hindi ko na siya nakita pa. Ang huling pagkikita namin ay no'ng hinatid niya ako sa hospital. Pagkatapos nilang mag-usap ni mama, hindi na siya nagpakita pa sa akin.
"Ang lalim naman yata ng iniisip mo?"
"Papa, kayo po pala."
"Ano ba ang gumugulo sa isapan ng maganda kong anak?" Tumabi siya sa akin.
"Wala po, papa. Medyo nahihirapan lang po akong maghabol sa mga lessons na na-miss ko."
"Dati naman nag-o-open up ka sa amin ng mama mo. Anong nangyari?"
"Papa..."
"Anak, nandito kami para gabayan ka. Pero paano namin magagawa iyon kung naglilihim ka sa amin?"
"Hindi naman po sa ganoon, ayaw ko lang pong bigyan kayo ng intindihan."
"At sa tingin mo ba hindi mo kami binibigyan ng intindihin sa mga paglilihim mo na iyan?"
"Pasensiya na po..." Iyan na lang ang tangi kong nasabi.
"Dalaga ka na anak. Hindi ka namin puwedeng pigilan kung sakaling tumibok iyan." Turo niya sa lokasyon kung nasaan ang puso ko.
"Pero po---ang sabi n'yo po kasi bawal pa mag-boyfriend hangga't hindi pa nakaka-graduate."
"Kung maaari ayaw namin ng mama mo, pero tulad nga ng sanabi ko, hindi naman namin mapipigilan na tumibok iyang puso mo."
"Tama po kayo, mahirap po talaga pigilan."
"Mahal mo ba siya?" biglang tanong niya.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko bago dahan-dahang tumago.
"At mahal ka rin niya?"
Napayuko ako. "Hindi ko po alam, e."
"Mahal ka niya."
"Po?"
"Naikuwento kasi akin ng mama mo ang naging pag-uusap nila ng boyfriend mo."
E? Si Lancel past, ex ko na daw. Sila naman present, boyfriend ko naman. Wala naman diyan ang relasyon namin e, kasi wala namang namagitan sa amin kundi pagpapanggap lang...
"Sinabi niya lang naman sa mama mo kung gaano ka niya kamahal."
Seryoso ba?
Sinabi niya talaga?
"Bihira ang ganoong lalaki," ani pa ni papa.
"Botong-boto lang, papa?"
"Aba'y hindi ah. Siyempre kikilatisin ko muna siya."
"Para kasing botong-boto po kayo, e."
"Hindi naman. Nagbibigay lang ako ng opinyon ko.
"Hindi na po ba kayo galit sa kaniya?" tanong ko.
"Kailangan muna naming mag-usap ng masinsinan. Handang-handa na nga ang itak ko. Siya na lang hinihintay."
"Si papa talaga!"
Natawa siya. "Aba paraan ko iyon para sabihin sa kaniya na huwag siyang magloko-loko sayo."
Natahimik ako. Hindi ko kasi masabi na hindi niya gagawin iyon sa akin. Nag-aalinlangan pa rin ako.
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...