Lavisha's POV
AKALA ko no'ng araw na humingi siya ng sorry sa akin ay magiging mabait na siya sa akin—teka tanda n'yo pa ba iyon? Kung hindi balik kayo sa kabanata 6 para maalala n'yo. Kayo na ang mag-adjust. Tinatamad akong mag-flashback.
Sa nagtatanong kung gold ako? Oo ang sagot.
Pero iyon na nga, akala ko matapos niya mag-sorry ay magkakasundo na kami—na magiging mabait na siya sa akin, pero parang hindi naman... at saksi kayo doon.
Sa mga nagdaang kabanata 'di ba hindi naman siya naging mabait sa akin? Lagi niya akong binu-bully 'di ba? Inuto lang pala ako ng kuto na iyon!
Pero ano pa bang magagawa ko di ba? Saka medyo tanga din ako, e. Kasi nakaabot na tayo ng kabanata 15 bago ko na-realize. Share ko lang naman kasi.
Ang paglalakbay ng isipan ko sa kawalan ay agad na nagbalik sa aking katawang tao ng biglang may magsalita.
"Nandito ka lang pala." Napabaling ako ng tingin sa nagsalita.
Si Cyrus.
"Himala ata, bakit hindi ka nagpunta sa VIS room?–Sa boyfriend mo?" tanong niya sabay upo sa tabi ko.
"A-ahm, mamaya na lang siguro. Sa ngayon gusto ko munang mapag-isa."
"Nag-away kayo ni Xaver?" tanong niys.
"Hindi, ah. Saan mo naman nakuha iyan?"
"Ang sabi mo kasi gusto mong mapag-isa."
"Porke ba ganoon ay ibig sabihin nag-away na kami? 'Di ba puwedeng gusto ko lang lumanghap ng sariwang hangin."
Napatango-tango siya. "Tamang-tama, gusto ko rin magpahangin, samahan na kita," aniya.
"'Ngayon na lang ulit tayo nagkausap ng ganito. 'Yong totoo, Cyrus. Iniiwasan mo ba ako?" Hindi ko na napigilang itanong.
"Of course not. Sadyang naging busy lang ako," sagot niya.
"Busy naman saan?" kyuryoso kong tanong. "Huwag kang magkakamaling idihilan ang mga gawaing pampaaralan dahil magkaklase lang tayo boy. At walang masiyadong pinapagawa sa atin ang mga guro nating mababait."
"Basta naging busy lang talaga ako," aniya.
"Naku, Cyrus tigilan mo ako. Ang tagal na nating magkaibigan, kilalang-kilala na kita. Alam ko kapag nagsasabi ka ng totoo at hindi. Pero kung ayaw mo talagang sabihin sa akin ang dahilan kung bakit mo ako iniiwasan, rerespituhin ko. Alangan naman kasi tortur-in kita para lang umamain 'di ba?"
"Lavi, hindi nga. Hindi kita iniiwasan."
"Talaga?"
"Hindi talaga."
"Edi good."
"Kumusta ang buhay may boyfriend?" tanong niya.
"Heto ang sakit sa ulo," bulong ko.
"Ano?"
"Wala, ang sabi ko lang ay ayos naman masaya."
"Hindi ka mukhang masaya," natatawa niyang sabi. "Mukha kang nalugi."
"Masaya talaga ako, hindi lang halata kasi magaling ako magdala."
Humagalpak siya ng tawa. "Magaling ka pa magdala sa lagay na iyan?"
"Hindi mo kasi gets, e. Ganito kasi iyan, kapag masaya ka hindi puwedeng palagi mong ipapakita sa mga tao. Hindi na lang personal na bagay ang prina-private kundi kasiyahan na rin."
"Ngayon ko lang narinig iyan. Seryoso ba iyan?"
"Kaniya-kaniya tayo ng trip sa buhay, Cy. Huwag mong pakialamanan 'yong sa akin."
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomantizmLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...