Kabanata 29

90 2 1
                                    

Xaver's POV

BAKIT wala pa siya? Matatapos na lunch ang break but yet ni anino niya hindi ko nakita. Tinext ko na rin siya pero hindi naman siya nagre-reply. Ano kayang nangyari baliw na babaeng iyon?

"Mukhang hindi ata sasabay sa atin si Lavisha, ah?" tanong ni Adam.

"Edi huwag siyang sumabay, hindi siya kawalan," iritadong wika ko.

"Mukhang bad mood tayo dre, ah?" tudyo pa ni Adam sa akin.

Masiyadong pa-espisiyal ang baliw na babaeng iyon!

"Dre, alam ko na kung anong magpaganda sa mood mo," pagsali ni Caleb. "Si Adrianna, niyaya ko siya na pumunta dito sa VIS room para sumabay sa ating kumain at pumayag siya."

Automatic na umukit ang ngiti sa labi ko. Kapag si Adrianna ang pangit na mood ko gumaganda, kapag si Lavisha naman kabalaliktaran, sinisira niya ang araw ko at pinapainit ang ulo ko.

"Pupunta dito si Adrianna? 'Di ba matatapos na ang lunch break?" tanong ni Adam.

"Bobo! Ngayon pala lang sila magte-take ng lunch, nauna tayo sa kanila." Si Caleb kay Adam.

"Makakabobo ka naman! Bakit alam ko ba?" ungos ni Adam.

"Kaysa nagtatalo kayo diyan ibili n'yo na lang si Adrianna ng pagkain sa canteen para naman magkaroon kayo ng silbi," anang ko sa kanila.

"Huwag ako, busy ako, nagbabasa ako," ani ni Adam at ibinalik ang atensiyon sa librong binabasa.

"Hindi rin ako puwede, may dadaanan pa ako," wika naman ni Adam at agad na sumibat.

Mga dahilan ng mga lokong 'to–lalo na si Adam, halatang umiiwas lang. Mga tamad amputa! Magaling lang kapag magpapalibre. I have no choice kundi ako na ang lumakad.

Pagkarating ko sa canteen kaunti na lang ang mga estudiyante, marahil ay nagsibalik na sa room dahil nga malapit ng mag-umpisa ang klase.

"Lavisha, bilisan mong kumain, malapit ng mag-time!"

"Ngayon minamadali n'yo ko. Sino ba kasing bumili ng napakaraming pagkain na 'to? Oo PG ako–patay gutom, pero may hangganan naman ang espasiyo ng tiyan ko! Itong mga binili n'yo sa aking pagkain ay pang SPG na e, pang super patay gutom. 'Yong tipong parang bukas bibitayin na ako."

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ng baliw na babae. Agad na hinanap ng mga mata ko ang pinanggaling nito kung saan nakita ko si Lavisha kasama ang mga kaibigan nito sa isang table, 'yong nasa dulo na bahagi, medyo malayo sa akin.

"Na-miss ka kasi namin kaya naparami ang libre namin sayo."

"Hay! Buti na lang hindi ako tumatanggi sa grasiya, kundi masasayang lang ang mga pagkain na ito, walang kakain nito."

So ito pala ang dahilan kung bakit hindi siya sumabay sa amin.

Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Nag-ring, pero hindi niya naman ito sinagot. Nakatingin lang siya sa cellphone niya. Bakit ayaw niyang sagutin?

"Uy Lavi, si Xaver tumatawag," ani ng isang kaibigan niya.

"Hmp! Hayaan mo siya. Bahala siya sa life niya," aning ni Lavisha.

Ah, ganoon? Humanda ka talaga sa akin! Pasalamat ka at kasama mo ang mga kaibigan mo.

"LQ ba kayo ni Xaver?" Isa pang kaibigan ni Lavisha ang nagtanong.

"Hindi, ah!" dipensa ni Lavisha.

"E, ano lang?"

"Ang dami n'yong tanong, puwede patapusin n'yo muna akong kumain? Sabi n'yo nga mag-uumpisa na ang klase, gusto n'yo ba pare-pareho tayong ma-late?"

Tsk. Napaka takaw niya talaga.

Pagbalik ko sa VIS ay si Adrianna na lang ang nadatnan ko.

"Si Caleb?" tanong ko kay Adrianna habang binababa ko sa lamesa ang mga pagkaing binili ko.

"Umalis na, mag-ii-start na daw 'yong klase niya–n'yo. Ikaw ba hindi ka pa babalik sa room mo?"

"Puwede ba namang iwanan kita dito?"

"But your class?"

"Don't mind it. Hindi naman siguro ako malalagot kung ma-late ako ng ilang minuto." Saka wala akong pakialam sa sasabihin o kung masita ako ng professor ko.

"Si Lavisha ba, hindi n'yo kasabay? Nakita ko kasi siya sa canteen kasama 'yong mga kaibigan niya ata iyon."

"Hindi. Nagpaalam siya sa akin na sa mga kaibigan niya sasabay," sagot ko.

"Here. Kumain ka na. Binili ko talaga iyan para sayo," aniko pa.

"Pero bumili na ako ng pagkain ko?" aniya.

Napatingin ako sa pagkain na tinutukoy niya na binili niya, isang battled water at dalawang pirasong sandwich na magkataklob.

"Ganiyan lang ang kakainin mo? Mabubusog ka ba niyan?" hindi ko na naitago ang inis sa tinig ko.

"Wala kasi akong ganang kumain," mahinang aniya.

"Hindi puwede sa akin ang ganiyan. Itong mga pagkain na binili ko uubusin mo kung hindi... hindi kita papaalisin dito."

"Pero napakadami niyan. Hindi naman ako si Lavisha na malakas kumain," aniya sa maliit na tinig.

Pati siya napapansin rin pala ang katakawan ng baliw na babaeng iyon.

Saka bakit niya ba kailangan na palaging isali sa usapan si Lavisha? Nagseselos kaya siya? Damn, heto na ang hinihintay ko, malapit na siyang maging akin ulit.

...

Lavisha's POV

EXAM, exam! May exam kami tomorrow kaya need ko mag-review ng malala. Hindi naman kasi ako matalino, sadyang binibigyan ko lang pansin at halaga ang pag-aaral. Hindi ako puwedeng magpabaya kundi bye-bye CLU ang sasapitin ko, mawawalan ako ng scholarship.

Pagkatapos ng klase ay agad akong nagpalaam sa mga kaibigan ko dahil gusto ko na agad umuwi para magkapag review.

Sa kalagitnaan ng aking paglalakad sa hallway ay...

"Lavisha?"

Lintik naman, oh! Ano na namang kailangan niya?

Binilisan ko ang lakad ko at nagkunwaring hindi narinig si kuto.

"I know you heard me." Bigla niya na lang akong hinaglit sa braso dahilan para mapaharap ako sa sa kaniya.

"Ano ba kasing kailangan mo? Hindi mo ba nakikitang nagmamadali ako?"

"Saan? Sa pag-iwas sa akin?"

Isa na iyan sa dahilan.

"Hindi. May exam kami bukas. Kailangan kong mag-aral."

"Mamaya na iyan, samahan mo muna ako."

"Xaver, hindi puwede. Need kong mag-review!"

"I don't care, basta samahan mo ako."

"Xaver naman! Mahirap bang intindihin na may exam kami bukas?–Na kailangan kong mag-aral at mag-review? Palibhasa kasi ikaw kahit anong makuha mong score ayos lang–kahit pa maka-zero ka pa! Pero kasi sa akin Xaver hindi puwede iyon! Kasi ako, sa oras na hindi ko ma-maintain ang grade ko mawawala sa akin ang scholarship ko–papatalsikin ako dito sa CLU! Pero hindi lang naman iyon ang dahilan, e! Kasi higit sa lahat ayaw kong ma-disappoint sa akin ang parent's ko! Ikaw kasi walang ibang mahalaga sayo kundi ang sarili mo at si Adrianna!" mahabang lintaya ko at hindi ko rin napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Nagpapasama lang ako sayo ang dami mo nang sinabi–nagdrama ka na. Kung ayaw 'di huwag. Akala mo ba pipilitin kita? Tsk. Hindi ka kawalan," aniya at tinalikuran na ako.

Nakakainis talaga siya!

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon