Kabanata 23

101 1 0
                                    

Lavisha's POV

"HANGGANG kailan mo ba ako iiwasan?" Harang sa akin ni Xaver. "Hanggang kailan mo paiiralin iyang kaartehan mo?"

Inirapan ko siya. "Ano bang kailangan mo?"

"Kung hindi mo kayang gampanan ang napagkasunduan natin, hahanap na lang ako ng iba. Bayaran mo na lang 'yong cellphone na nasira mo."

"T-teka... wala naman akong sinabing ayaw ko na, ah?"

He chuckled. "Then do your duty as my girlfriend!"

"Kung ganoon gawin mo rin ang duty mo as my boyfriend!" wika ko.

Kumunot ang noo niyang napatitig sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Ang gusto ko lang sabihin ay huwag mo akong itrato na para bang alipin mo ako at ikaw naman ang hari ko na kung anong gusto mo at iutos mo ay kailangan kong sundin at gawin. Oo may utang ako, pero binabayaran ko naman ah? Heto nga't pumayag ako na maging pake mong girlfriend, pero hindi porke 'peke' lang relasiyon natin ganoon ay hindi mo na ako itatrato ng maayos. Kung singhalan, sigawan at insultuhin mo kasi ako ay parang nabili mo na ang buhay ko."

He sighed. "Okay fine. I will try."

"Huwag mo subukan, gawin mo."

Matalim niya akong pinagkatitigan. "Inuutusan mo ba ako?"

Oo para matauhan ka.

"Nakikiusap ako. Hindi mo ba nakikita ang pagiging sinsero ko?"

"Tsk."

"Oh, tignan mo umiinit na naman iyang ulo mo."

"Sino ang hindi iinit ang ulo sayo? Napaka galing mong mang-inis," sarkastiko niyang wika.

"Ang sabihin mo bugnutin ka lang talaga," bulong ko. Hindi ko na ipinarinig sa kaniya dahil baka kung saan pa umabot.

Napasulyap ako sa noo niya. Wala na itong bukol. Hayyy... siguro kailangan kong mag-sorry sa ginawa kong pag-headbutt sa kaniya. Masakit kasi talaga iyon, sagad to the bone ang sakit no'n, 'yong tipong aakalain mong nabasag ang bungo mo. Kaya siguro nagdilim din 'yong piningin niya at muntikan niya na akong madali.

"X-xaver?" mahina kong tawag sa kaniya.

"What?" masungit niyang tanong.

Napaka-attitude ng lalaking 'to, daig pa babae.

"I'm sorry..." ani ko sa maliit na tinig.

Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Sorry saan? Be specific."

I gulped. "Sa ginawa ko sa noo mo–sa panghe-headbutt ko sayo..." mahina kong sabi.

He chuckled. "Buti naman naisipan mong mag-sorry. Ilang araw ko na ring hinihintay iyan."

Wow! Parang ako lang ang may atraso, ha? E, siya ba walang balak mag-sorry sa akin?

"Kaso hindi ko matatanggap iyang sorry mo," aniya pa na may ngisi sa kaniyang labi.

Attitude talaga siya, e.

"Edi huwa—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil muli siyang nagsalita.

"Alam mo bang puwede kitang kasuhan ng Physical Assault dahil sa ginawa mo sa akin?"

Ginapangan ako ng kaba.
"H-huh?" Napalunok ako. "B-bakit naman kailangan umabot diyan?"

He shrugged. "Hindi naman talaga aabot diyan, kaso wala e, masiyado ka kasing matapang, feeling mo lahat kaya mo. Pero pasensiyahan lang tayo dahil mali ka ng kinalaban."

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon