Xaver's POV
INIIWASAN niya ba ako?
Ano siya pa ang may ganang magalit sa akin?
Dapat nga ako ang magalit sa kaniya! Dahil sa ginawa niya naudlot ang sanang date namin ni Adrianna.
"Xaver?"
Ang boses na iyon.
Agad kong nilingon si Adrianna.
"Hey?" wika ko. Kailangan kong umarteng normal–na kunwari naka-move on na ako–na wala lang siya sa akin–na hindi na ako apektdo
Lumapit siya sa akin at ang noo ko agad ang napansin niya. "What happened to your forehead?" Sabay haplos niya sa noo ko.
Xaver pigilan mo ang sarili mo!
Bahagya akong lumayo sa kaniya. Kailangan kong dumistansiya kung hindi baka makalimutan kong nasa loob ako ng pagpapanggap–na may fake girlfriend ako. "Wala 'to, bumangga lang sa pader," sagot ko.
"Sa susunod kasi mag-ingat. Anyway, si Lavisha hindi mo ba kasama?"
"Anong pakialam ko sa babaeng iyon? E, siya nga walang pakialam sa akin. Ang lakas pa ng loob niyang iwasan ako!" I murmured.
"Huh?" tanong niya.
"Nothing. I'm just saying, wala na siya. Umalis na. Umuwi na."
"Ganoon, ba."
"Bakit mo ba siya hinahanap?"
"Wala naman. May sasabihin lang ako."
"Ano naman?" kyuryso kong tanong.
"Some girl stuff lang."
"Uuwi ka na ba?" tanong ko.
"Oum."
"Ihahatid na kita?" Ito na ang chance ko para makasama siya.
"Hindi na, sasabay na lang siguro ako kay Caleb or kay Adam."
Bakit sila pa, nandito naman ako?
"I insist, Adi. Isa pa baka nakauwi na rin sila Adam at Caleb."
"Xaver, hindi na. Mamaya baka kung ano pang isipin ni Lavisha."
Pakialam ko naman sa iisipin niya. E, siya nga hindi niya iniisip ang mararamdaman ko sa pag-iwas niya.
"Don't worry kasi, hindi ganiyang tao si Lavisha. Hindi siya over thinker at selosang tipo ng babae. Saka nagmamalasakit lang naman ako sayo, kasi kahit papaano naman may pinagsamahan tayo. Anuman ang nangyari sa atin noon, nakaraan na iyon. Ang mahalaga okay tayo ngayon--magkaibigan. At isa pa, pauwi na rin ako. Ano ba naman kung isabay na kita 'di ba?"
Tipid siyang ngumiti. "Sige."
Nang nasa sasakayan na kami ay pereho lang kaming tahimik.
"Nagugutom ka ba? Kung gusto mo puwede tayong dumaan sa drive-thru," wika ko.
"Hindi na. Hindi pa naman ako nagugutom," aniya. Ramdam kong ilag siya sa akin.
"How about coffee?" tanong ko pa.
"Nakalimutan mo na ba? Hindi ako makapeng tao."
Oo nga pala.
Abala ako sa pagmamaneho nang nag-vibrate ang phone ko. May nag-text.
—
Caleb:
Dre, kasama ko ngayon si Lavisha. Ako na ang maghahatid sa kaniya.
—Si Caleb at Lavisha magkasama? Kailan pa sila naging close?
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
Storie d'amoreLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...