Kabanata 57

90 1 0
                                    

Lavisha's POV

"Oh, magtubig ka ng mahimasmasan ka." Abot ko sa kaniya ng bottled water, tapos ay naupo ako sa tabi niya. Nandito kami sa labas ng bar, nakaupo sa isang tabi.

Tinanggap niya 'yong tubig at ininom ito. "Thanks," aniya.

"Dito muna tayo, maya-maya na tayo umuwi. Hindi ka puwedeng mag-drive dahil lasing ka."

"I'm not, okay? Nakainom ako pero hindi ako lasing."

"Oo na lang po ulit, mr. Alvuena." Huwag na makipagtalo sa lasing. At pagkatapos ng sinabi kong ito ay nabalot kami ng katahimikan.

Maya-maya pa hindi na ako nakatiis, hindi ko na kinaya ang katahimikan. "Bakit ka ba kasi naglasing?" tanong ko.

Natawa siya. "Hindi ko rin alam."

"Alam kong mayroon. Sige na spill it out. Ilabas mo iyan, nandito ako handang makinig sayo."

Napatitig siya sa akin.

Nginitian ko siya ng payak. "Mas magandang ilabas mo iyan para gumaan iyang nasa dibdib mo. Kung patuloy mo kasing kikimkimin iyan, sarili mo lang ang papahirapan mo," wika ko pa.

He sighed. "Pagod na ako, Lavisha..." bakas sa tinig niya ang lungkot at kawalan ng pag-asa.

"Xaver..."

"I really love her, Lavisha..."

Wala akong makapa na puwedeng sabihin sa kaniya, kasi sa totoo lang sobra akong apektado, doble 'yong sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kayang makita siyang ganito.

"Confident na akong makukuha ko siya, pero matapos ng masaksihan ko kanina... nilamon ako ng insecurities. Noon hanggang ngayon... hindi ko pa rin matanggap na iniwan ako ng babaeng mahal ko para sa ibang lalaki at ang pinaka masakit pa doon... sa kaibigan ko pa."

Napatakip ako sa bibig ko nang marinig ang sinabi niya.

Kaibigan niya Si Marcuz? Tama ang hinala ko. Magkaibigan sila, kaya naman pala ganoon na lang ang galit niya rito.

"Ang sakit Lavisha..." barag boses na wika niya.

Hindi ko na napigilan. Niyakap ko siya.

Sabi ko naman kasi sayo, e... ako na lang.

Ako hindi kita sasaktan... kahit pa ako palagi mong sinasaktan.

Kung ako ang minahal mo... I will treasure you. Hinding-hindi kita sasaktan.

"Ano bang nangyari?" tanong ko.

"I saw them kissing..."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko, tapos ay ilang beses na napalunok. "I-iyon lang naman pala, e." Sinusubukan ko na pagaanin ang loob niya.

"Kiss lang naman iyon. Anong big deal doon? Magpaka-sadboy ka kung kasal na sila, kasi kung ganoon talagang wala ka ng pag-asa, kaso hindi pa e, kaya may chance pa na magkabalikan kayo."

'Pinapaasa mo na naman siya," ani ng kabilang parte ng utak ko sa akin.

Hindi ko siya pinaasa, pinapagaan ko lang ang loob niya!

'Sa pamamagitan ng ano? Nang pagpapaniwala na may chance pa na magkabalikan sila ni Adrianna kahit ang totoo wala na talaga?'

Hindi natin masasabi ang mga bagay na mangyayari pa lamang. Isa pa napaka mapaglaro ng kapalaran. Walang imposible sa pag-ibig. Makapangyarihan ito, kaya nitong baliin ang lahat.

"Uy, saan ka pupunta?" Bigla na lang siyang tumayo at iniwanan ako. "Uy, Xaver?" Hinabol ko siya.

"Go home, may pupuntahan lang ako," aniya at pumasok sa sasakyan at pinaharurot na ito.

Sa takot ko na baka kung anong gawin niya o baka mapahamak siya, agad akong pumara ng taxi.

"Manong, sundan n'yo po ang sasakyang iyon!" Turo ko sa sasakyani ni Xaver.

Habang nasa biyahe ay napagtanto kong ang daang tinatahak namin ay patungo sa bahay ni Adrianna.

Xaver anong binabalak mong gawin?

...

Xaver's POV

HINDI pa sila kasal. May pag-asa pa ako. Nabuksan ang isip ko dahil sa sinabi ni Lavisha.

Kailangan kong makausap si Adrianna. This time sasabihin ko na talaga sa kaniya ang tunay kong nararamdaman---na mahal ko pa rin siya.

Magdo-doorbell na sana ako ngunit hindi ko na ito natuloy dahil bumukas ang gate at laking tuwa ko ng si Adrianna lumabas dito.

"Xaver..." Nanlaki ang mga mata ni Adrianna sa gulat nang makita ako.

"Gabi na. Aalis ka?" tanong ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya rin halip na sagutin ako.

"Can we talk?" tanong ko.

"About what?" tanong niya.

"Adrianna, I still love you..." Wala ng patumpik-tumik pa na sabi ko.

Her eyes widened. "X-xaver... a-ano ba iyang sinasabi mo?" kanda utal-utal na tanong niya.

"Hindi mo ba narinig? I said mahal pa rin kita, Adrianna!"

"N-no, Xaver..."

"Yes, Adrianna! I still fvcking love you!"

"Naririnig mo ba iyang sarili mo, Xaver?"

"Ikaw, Adrianna, narinig mo ba ang sinabi ko?"

"Xaver, lasing ka ba?"

"Huwag mong ibahin ang usapan, Adrianna!"

"Hindi, Xaver! Lasing ka at iyang mga sinasabi mo---baka dala lang iyang ng tama ng alak!"

Mapakla akong natawa. "Oo lasing ako pero nasa tamang huwisyo pa ako! At ngayon sinasabi ko sayo ang tunay kong nararamdaman! Pagod na akong magtago---itago ang tunay kong nararamdaman! Pagod na akong magpanggap---magpanggap na wala na akong pakialam sayo---na hindi na kita mahal! Kasi ang totoo... it's still you. I still love you! Mula noon hanggang ngayon nanatiling ikaw, Adrianna!"

"No, Xaver! Si Lavisha, masaksaktan siya..."

"Don't mind her, hindi siya masasaktan."

"What do you mean?" Nabakas ang pagkalito sa maganda niyang mukha.

"Nagpapanggap lang kaming may relasyon," pag-amin ko.

"A-ano?..." Nagulantang siya. "B-but why, Xaver?"

"Because I want you back!" hindi ko napigilang sigaw. "Kaya nagpatulong ako kay Lavisha na magpanggap siya bilang girlfriend ko. Baka kasi kapag nagselos ka at makita mong may iba na ako---na kunwari naka-move on na ako sayo at wala ka ng halaga sa akin baka ma-realize mo na mahal mo pa rin ako!

"Tama na, Xaver!" sigaw niya rin. "Si Marcuz na ang mahal ko!"

"Hindi mo siya mahal! Ako ang mahal mo!"

Sunod-sunod siyang umiling. "Siya, Xaver..."

Mapakla akong natawa. "Bakit, Adrianna? Ano bang mayroon siya na wala ako? At bakit nagawa mo akong ipagpalit sa kaniya?—Sa kaibigan ko?"

"Ito, Xaver..." Tinuro niya ang puso niya. "Sa kaniya lang ito tumitibok..."

"At ako... nasaan ako sa puso mo?"

"Xaver, kaibigan kita."

"Adrianna, ayaw ko niyan! Hindi ko matatangap iyan!"

"Iyon lang ang kaya kong i-offer sayo, Xaver."

"Mahal kita, Adrianna..."

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon