Xaver's POV
NASAAN na ba ang babaeng iyon? Hindi ba siya marunong tumingin ng oras? Ang sabi ko in the exactly of five magkita na kami dito sa kantong pinagbabaan ko sa kaniya kanina, pero hanggang ngayon ni anino niya hindi ko namamatahan, mag te-twenty minutes na ako dito.
Ilang beses ko na rin siyang tinext at tinawagan, hindi siya nagre-reply, hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.
Humanda talaga siya sa akin!
Another ten minutes at sa wakas nandito na ang magaling na babae. Hindi na ako naghintay pa na pumasok siya sa sasakyan at bumaba na ako. Hindi na kasi ako makapaghintay na singhalan siya.
Pero ang balak kong singhalan siya ay hindi ko natuloy dahil...
Si Lavisha ba talaga 'tong nasa harapan ko? Maganda pala siya kapag naayusan.
"Xaver, huwag ka magalit. Kaya ako na-late ay dahil—"
"Tsk. Pumasok ka na lang sa sasakyan nang makaalis na tayo."
"T-teka, hindi ka galit kasi pinaghintay kita ng matagal?" mahinang tanong niya.
"Gusto mo ba?" sinagot ko siya ng tanong.
"Ay, hindi, hindi!" agad na sabi niya.
"Pasalamat ka may magandang nangyari sa paka-late mo... nagmukha ka namang tao," aniko.
"Maganda ba ako?" biglang tanong niya.
Bigla akong naubo. "Anong klaseng tanong iyan?" masungit na tanong ko rin.
"Parang nagtatanong lang, e." She murmured.
...
Lavisha's POV
MAPAHIGPIT ang hawak ko sa braso ni Xaver. Kinakabahan kasi talaga ako, first time ko lang sa ganitong uri ng selebrasiyon.
"Ano ba, Lavisha. Umayos ka nga! Parang kang ignorante," mariing bulong sa akin ni Xaver sabay kalas ng kamay kong nakahawak sa braso niya.
"E, hindi kasi ako sanay sa mga ganitong party-party, e," nakanguso kong wika.
"I don't care, umarte ka na lang ng natural. Huwag mong ipahalatang taga bundok ka."
"Grabe ka naman maka-tagabundok. We're in the city kaya, wala tayo sa probinsiya. Born and raised ako dito."
"Iyon nga, eh! Pero 'yong galawan mo para kang isang miyembro ng tribong naninirahan sa bundok... para kang walang alam."
"Dre?" Natigil kami sa pag-uusap ng bigla na lang sumulpot si Caleb at Adam.
"Guwapong-guwapo tayo dre, ah?" nakangising sabi ni Adam.
"Of course. Gusto kong ipamukha kay Adrianna kung anong sinayang niya," puno ng kumpiyansang sabi ni Xaver.
Nagkibit balikat lang ang dalawa.
"Woah, ikaw ba iyan, Lavisha?" Baling sa akin ni Adam. Nakatutok na din sa akin Caleb. "Wow! Ang ganda mo ngayon," manghang sabi niya.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. "S-salamat," padalagang filipinang sabi ko. Buti pa siya na-appreciate ang kagandahan ko, hindi tulad ni Xaver.
"Sang-ayon ako kay Adam. Napakaganda mo ngayon, Lavisha," dagdag naman ni Caleb.
"But don't get us wrong, Lavisha. Maganda ka naman talaga, pero mas maganda ka ngayon," ani pa ni Adam.
"Tsk. Maganda? Ang babaeng iyan? Malabo na ata 'yong mga mata n'yo," pag-epal ni Xaver.
"Bakit, dre, hindi ka ba nagagandahan kay Lavisha?" tanong ni Adam kay Xaver.
"Alam mo na ang sagot sa tanong na iyan," ani Xaver.
"Hindi ka pa nasanay diyan sa kaibigan natin. Alam mo namang patay na patay iyan kay Adrianna, kaya wala ng ibang maganda sa paningin niya kundi si Adrianna," wika ni Caleb.
"Parang narinig ko yata ang pangalan ko." Out of nowhere bigla na lang may sumulpot na isang diwata.
Siya na ba si Adrianna?
Grabe, ang ganda niya!
Hindi lang ako 'yong natulala, dahil si Xaver din. So, ganiyan pala ang epekto ni Adrianna sa kaniya... mukha siyang tanga. Napaghahalataan siyang inlababo pa rin dito.
"Ah, oo, Adrianna. Pinag-uusapan kasi namin itong welcome party mo, ikaw ba ang nag-arrange nito?" -Adam
Umiling si Adrianna at bahagyang natawa. "Pasaway talaga kayo. Kakauwi ko lang kanina 'di ba? Sa tingin n'yo ba may time pa akong mag-prepare ng ganito? E, hanggang ngayon may jet lag pa nga ako, e."
"Kung ganoon, dapat siguro magpaghinga ka na..." Si Xaver.
Masiyado siyang halata.
"Nakakahiya naman kung hindi ko kayo harapin—ang mga bisita ko. Isa pa, nakapagpahinga na rin naman ako kanina," nakangiting sabi ni Adrianna.
"Anyway, sino siya?" Baling sa akin ni Adrianna.
Buti naman napansin din, akala ko kasi naging invisible na ako dito—akala ko nakalimutan na nila ako.
Bigla akong inakbayan ni Xaver. Tse! Pakitang tao. Malamang kung hindi ako napansin ni Adrianna ay tuluyan niya na akong nakalimutan.
"Adrianna, this is Lavisha... my girlfriend," pakilala sa akin ni Xaver.
Inabangan ko ang magiging reaksiyon ni Adrianna, pero wala naman akong nakitaang kahit na anong emosiyon dito.
"Girlfriend? I'm glad you have one now. I'm happy for you, Xaver..." she said the smile sweetly.
Napaismid si Xaver, buti na lang hindi siya nakita ni Adrianna, kung hindi mapaghahalataang bitter siya.
"Hi, I'm Adrianna," pakilala niya sa akin sabay lahad ng kamay. Shake hands daw kami.
Tinanggap ko ito. "Ako naman po si Lavisha," pakilala ko rin.
"Ang pretty mo, hope na maging magkaibigan tayo," anito.
"Naku, maliit na bagay," nahiyang aniko. "Ikaw din, ang ganda-ganda mo sobra," balik-puri ko rito. "Saka oo naman, puwede tayong maging magkaibigan."
"Umayos ka nga, huwag mong dalhin dito ang pagiging asal bano mo," masungit na bulong sa akin ni Xaver."
Huh? Bakit ano na namang ginawa kong mali?
"Good to hear, I'm looking forward na mas magkausap at magkilala pa tayo, Lavisha," ani Adrianna sa akin.
"A-ako din," tanging nasabi ko. Grabe ang bait niya. Ramdam ko ang sincerity niya at hindi siya nakikipagplastikan lang.
"Anyway, maiwan ko na muna kayo. Aasikasuhin ko lang 'yong ibang bisita," ani ni Adrianna at iniwan na kami. Wala na rin pala sila Caleb at Adam, iniwan na kami.
"Ano iyon? Bakit ganoon ang inasal mo sa harapan ni Adrianna?"
Ayan na naman si Mr. Sungit. Ano naman kaya ang pinuputik ng butsi niya?
"Oh, bakit?–Anong problema? Naging friendly naman ako sa kaniya, ah?" wika ko.
"Tsk. Tanong mo sa pabebeng mong attitude," aniya at tinalikuran ako.
Lahat na lang talaga napapansin at ginagawa niyang issue.
Ah, siguro kaya siya nagkakaganiyan, dahil we-effect kay Adrianna 'yong plano niya. Wala itong pakialam kahit na may girlfriend na siya at mukha pa itong masaya para sa kaniya. In short lagapak ang plano niya.
E, paano ba naman kasi... ang pangit niyang gumanap.
Dapat siguro mag-workshop muna siya para gumaling siya sa pag-arte.
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...