Lavisha's POV
"I'M SORRY..." Napatitigal ako ng bigla na lang itong sabihin sa akin ni Xaver. "Sorry for being rude to you," aniya pa.
Mukha namang sinsero siya sa sinasabi niya. Sino ba ako para hindi siya patawarin? Saka may kasalanan din naman ako. Tama siya, naging maarte ako ng very light lang naman. Ang dami kong pabor na hinihingi. Nakakatakot lang naman kasi ako sa puwedeng mangyari sa akin, especially sa kamay ng mga fans 'kuno' ni Xaver. Oo, he assured me na hindi ako magagalaw ng mga baliw niyang tagahanga, pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng takot. Kasi saksi ako sa kung anong kayang gawin nila. Sa sobrang pagkahumaling nila kay Xaver ay nakakagawa na sila ng hindi maganda, especially sa mga taong napapalapit at nali-link dito.
"I'm sorry din..." aniko sa maliit na boses. Hindi na ako naging specific pa kung anong pinagso-sorry ko. For sure naman na-gets niya na iyon.
"Gusto mo daw mag-back out? Nasabi sa akin ni Adam," aniya.
Umiling ako. "Hindi. Nasabi ko lang iyon kasi nadala lang ako ng takot..."
"I'm sorry again, kung nasaktan kita..." aniya.
"Naiintindihan ko. I know nagawa mo lang iyon dahil may pinagdadaanan ka, tapos naging insensitive pa ako at ininis ka."
May nabasa kasi ako, hindi ko lang matandaan kung saan. Ang sabi sa nabasa ko ay may mga lalaki daw na hirap kontrolin ang emosiyon nila. Mabilis mag-init ang ulo nila at kapag nagalit naman sila, all out. Nagdidilim na 'yong paningin nila, mahirap na silang awatin or pigilan, especially 'yong mga lalaking nasa ilalim ng problema or may pinagdadaanan.
Ang mga lalaki din raw ay hindi magaling magdala ng problema unlike sa mga babae. Ang mga babae kasi, nailalabas nila ang sama ng loob nila sa pamamagitan ng pag-iyak or pagsasabi ng mga hinaing nila sa mga kaibigan at kapamilya. Habang ang mga lalaki naman, kinikimkim at sinasarili lang ito. Pero once na mapuno na sila, para silang bulkan na bigla na lang sasabog.
Ang dami kong alam 'no? Iyan ay base lang naman sa nabasa at sa pagkakaintindi ko. Huwag n'yo akong i-judge, ah? Kung hindi kayo sang-ayon, i-private massage n'yo na lang ako.
"Next week, uuwi na si Adrianna..." ni Xaver dahilan para mapatitig ako sa kaniya. "Lavisha, please... tulungan mo akong mabawi ang babaeng mahal ko..." pakiusap niya.
Hinawakan ko siya kamay. Napatitig siya sa akin.
Nginitian ko siya. "Oum. I will help you..."
"Thank you..." aniya.
Mahal na mahal niya talaga 'yong Adrianna. Bigla tuloy akong na-curious. Paano kaya maghal ang isang Xaver Alvuena?
...
Xaver's POV
GINAWA ko 'yong sinabi ni Caleb, na maghinayhinay lang ako kay Lavisha. At hindi naman pala masama, kasi sa totoo lang mas madali siyang kausap.
"Sabi ko naman kasi sayo, dre, mabait si Lavisha. Ikaw lang 'tong may sapak sa utak." -Adam
"Ewan ko ba diyan sa kaibigan natin. Akala niya siguro madali lang 'yong pinapagawa niya kay Lavisha." -Caleb
Itong dalawa na 'to parang tanga amputa! Kung pangaralan ako ay daig pa ang parents ko.
"Knock, knock!" May kumatok sa pinto at pagbukas na nito ang kasunod.
Hindi na kami nag-abala pang tignan kung sino ito, dahil malamang si Lavisha lang ito.
Bukod kasi sa aming tatlo ay si Lavisha lang ang nakakapasok dito. Siya lang ang binigyan namin ng pahintulot.
"Tamang-tama pala 'yong dating ko, e." Si Lavisha na dire-diretsong naupo sa sopa katabi namin. "Ang daming pagkain. Kaya gustong-gusto ka palaging pumupunta dito e, kasi panigurado busog na naman ako."
"Alam na alam ko na kasing malakas kang kumain kaya marami ang pinapabili ko kila Adam," aniko.
"S-salamat," nahihiyang sabi niya.
Tsk. Nahiya pa siya samatanlang halos araw-araw na nga siyang nakikikain dito.
"Kumakain ka lang nang kumain dito, Lavisha. Huwag kang mag-alala, kasi kahit pa ubusin mo ang pagkain sa canteen hindi mamumulubi si Xaver sayo." -Adam
"Anong grade ka na nga ulit, Lavisha?" -Caleb
"A-ahm t-tek-a..." Hindi na siya makapagsalita ng maayos dahil punong-puno ng pagkain ang bibig niya.
Ang takaw. Manong lunukin muna ang nasa bibig bago sumubo ulit.
Uminom siya ng tubig at nang mawala na ang pagkain sa bibig niya ay saka siya ulit nagsalita. "Grade twelve na ako," sagot niya. "Kayo collage na 'di ba?"
"Yea," sagot ng dalawa.
Grade twelve pa lang siya? Well hindi halata sa kaniya.
Mukha siyang kinder.
"Ilang taon ka na ba?" tanong pa ni Adam kay Lavisha.
Itong Si Adam, napaka daming tanong, napaghahalataan siyang chismoso.
"Eighteen," sagot ni Lavisha
"Iyon naman pala legal age ka na. At least hindi makakasuhan si Xaver ng 'Child Abuse'." -Adam
Gago talaga 'tong lokong Adam na 'to! Para kasing ang pinapalabas niya ay mukha akong mapang-abuso. Sa inis ko ay binato ko siya ng plastic bottle na may lamang tubig. Tumama ito sa dibdib niya.
"Dre, ano ba? Bakit ka ba nambabato?" asik niya.
"Saksakan ng daldal mo. Manahimik ka na lang at kumain," iritadong kong sabi rito.
Napabaling ako ng tingin kay Lavisha, at nabutan ko siyang tumatawa.
"Anong tinatawa mo diyan? May nakakatawa ba?" tanong ko kay Lavisha na bumubungisngis.
"Oh, bakit galit ka na naman sa akin?" tanong niya.
"Inaasar na nga ako ng dalawang iyan, sumasabay ka pa," aniko.
"Hindi na po namin kasalanan kung asar talo ko," aniya.
Aba't!—Talaga bang hindi siya natatakot sa akin?
Nag-apiran naman ang dalawang loko. Nakahanap sila na bagong kakampi. Pinagkakaisahan nila ako.
"Ah, ganoon, makikisali ka pa sa dalawang iyan? Puwes sa kanila ka na lang magpalibre ng lunch at snacks mo."
"Ah, Lavisha, uunahan na kita, wala akong pera. Hinold ni dad ang allowance ko. Diyan kay Adam ka na lang magpalibre." -Caleb
"Naku, nasa gitna rin ako ng kagipitan. Dad confiscate my credit cards." -Adam
Tignan n'yo 'tong mga kumag na ito. Kaya naman pala sunod agad sila kapag inutusan kong bumili ng pagkain. Dahil sa malamang ay isinasabay na rin nila ang pagkain nila sa perang ibinigay ko.
Mga buraot amputa!
"A-ahm... Xaver... peace tayo 'di ba?"
"Hindi," tipid kong sabi. Pinaseryoso ko ang boses ko para malaman niyang seryoso ako at hindi ako nakikipagbiuran sa kaniya.
Ngayon para siyang kuting na nilalambing ang amo.
"Nagbibiro lang naman ako. Ikaw talaga ang manok ko..."
Tsk. Ngayon ginawa niya pa akong manok? Ibang klaseng babae!
"Kita mo na. Ako lang ang may kayang sumustento diya sa katakawan mo tapos iniinis mo pa ako. Iyang dalawang iyan, wala kang mapapala sa mga iyan," aniko.
"Sorry na," aniya.
"Walang ituturo na maganda sayo iyang sina Caleb at Adam," aniko pa.
"Bakit ikaw, dre. Meron?" -Adam
"Puwede ba Adam, huwag ka na munang sumabat? Kita mo namang pinagsasabihan ko 'tong babaeng ito 'di ba?"
"Sabi ko nga dre, tatahimik na ako." -Adam
"Oo na po. Sayo lang po ang loyalty ko," ani ni Lavisha.
"Mabuti," aniko.
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...