Kabanata 8

96 2 1
                                    

Lavisha's POV

KALAT na kalat na dito sa buong university na ang relasiyon namin ni Xaver, kaya naman pagpasok ko pa lang sa gate ng school ay samo't saring bulungan na ang sumalubong sa akin.

Haist! Wala na talaga 'yong tahimik kong mundo... tuluyan ng nabulabog.

"Siya ba 'yong girlfriend ni Xaver?"

"Oo, siya nga! Her name is Lavisha Magno, grade twelve student..."

Kilala na nila agad ako?

So, famous na ako ganoon?

"Ito pa ang balita, one year na pala sila!"

Ang galing naman nila kumalap ng balita, kila Mayet ko lang kaya iyon sinabi.

"Grabe! Ang tagal na nila tayong niloloko!"

Huh? Anong pinagsasabi nila diyan? Anong niloko? Paano at saan banda?

"I can't believe na pinatulan ni Xaver ang katulad niya! Look, ang pangit-pangit niya! Hindi siya 'yong tipo ng babae na papatulan ni Xaver!"

Wow naman! Makapangit naman kayo! FYI lang, 'di hamak naman na mas maganda ako kaysa sa inyo. Saka kaya lang naman kayo naging maganda ay dahil saksakan ng kapal 'yang mga make-up n'yo!

Buti naman at hanggang pagkuda lang sila, hindi naman nila ako kinanti or sinaktan. At pagdating naman sa mga sinasabi nila, hindi ako apektado kasi mga mema lang naman sila, mema-sabi.

Nasa gitna ako ng paglalakad nang maramdaman kong may sumabay sa akin, nang tignan ko ito...

Si Xaver.

At nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bigla niya akong hinawakan sa kamay.

Binigyan ko siya ng natatakang tingin pero he just ignored it.

Lavi, wake up... huwag ka nga umasta na para bang hindi ka aware sa kung anong meron sa inyo!—Na para bang hindi mo expected ang mga mangyayari! Baka nakakalimutan mo, nagpapanggap lang kayo. At itong ginagawa niya sayo ngayon... wala lang ito. Parte lang ito ng pagpapanggap n'yo!

Ang sunod na ginawa ni Xaver ay hinila niya ako papunta sa mga estudiyanteng nagkukumpulan.

"Attention everyone," ani Xaver.

Naks! Maka-attention everyone siya akala mo na sa isang event siya.

Natigilan ang mga estudiyante at nagsilapitan sila kay Xaver

"Xaver, anong gagawin mo? bulong kong tanong sa kaniya.

"Babalaan ko na ang mga 'to para hindi na umabot sa puntong sasaktan ka nila. Sabi ko naman sayo... ako ang bahala sayo, hindi ko hahayaang masaktan ka nila."

"O-oo... s-sige," lutang na sabi ko.

"Makinig kayo sa akin. Itong babaeng katabi ko, her name is Lavisha Magno... my girlfriend..."

Hindi na nagulat pa ang mga estudiyante sa sinabi ni Xaver, dahil sa malamang pinakalat na ito ng ilang estudiyanteng nakarinig sa pag-uusap namin.

"I know marami sa inyo ang hindi tanggap ang relasiyon namin ni Lavisha... pero huwag kayong magkakamali na galawin ni dulo ng daliri niya... cause I swear hindi n'yo magugustuhan ang gagawin ko sa inyo," ubod ng seryoso at may halong pagbabantang sabi ni Xaver.

.

.

.

"OH, FRIEND. Kanina ka pa tulala diyan?" puna sa akin ni Mayet.

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon