Xaver's POV
TULUYAN na ngang umiwas sa akin si Lavisha. Araw-araw nagkikita kami, nagkakasalubong pero ni minsan hindi niya ako pinansin o tinapunan manlang ng tingin. Para akong hindi nag-e-exist sa paningin niya.
Hindi na ako magtataka kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Matapos ba naman kasi ng mga masasakit na salitang sinabi ko sa kaniya. Kahit kanino ko sabihin iyon lalayo sa akin. Ako ang nagtulak sa kaniya para layuan ako.
"Nakakapanibago, ang tahimik dito. Hindi ako sanay," anang ni Adam. "Dati pagpasok ko pa lang dito sa VIS room, bunganga na agad ni Lavisha ang bubungad sa akin, pero ngayon nakakabinging katahimikan."
"Puwes masanay ka na, kasi kailaman hindi na tatapak ang babaeng iyon dito," wika ko.
"Kinalimutan niya na tayo. Kita n'yo naman, hindi niya na tayo pinapansin," dagdag ko pa at tinungo ang pinto.
"Saan ka pupunta, dre? Akala ko ba iinom tayo?"
"Nawalan na ako ng gana, uuwi na lang ako. Mas gusto kong matulog na lang," anang ko at iniwan na sila.
Palabas na ako ng gate nang matigilan ako dahil may umagaw sa atensyon ko.
Si Lavisha, nakikipagtawanan siya sa kaibigan niyang lalaki.
Nagtagis ang bagang ko. Sinungaling. Ang sabi niya gusto niya ako, pero heto siya ngayon masaya at para bang walang nangyari.
Don't tell me naka move-on na agad siya? Ganoon kabilis?
Tsk, napaka sinungaling niya!
Akala niya ba kawalan siya sa akin? She's not.
Tumalikod ako. Mamaya na lang ako uuwi. Nakaharang sila sa daan, e. Baka masira ko ang 'moment' nila. Psh!
"OH, AKALA ko ba uuwi ka na?" tanong sa akin ni Caleb.
Pasalampak akong napaupo sa sopa na para bang pagod na pagod ako. "Mamaya na lang. Hihintayin kong mag-uwian sila ni Adrianna. Susubukan ko kung magpapahatid siya sa akin."
"Hindi ka pa rin sumusuko? Akala ko ba tanggap mo na sila ni Marcuz?"
"Ewan ko..." tanging nasabi ko.
"Xaver, payong kaibigan lang. Pakinggan mong mabuti iyang puso mo," ani ni Caleb while patting my shoulder, then he umalis na siya.
Napahawak ako kaliwang bahagi ng dibdib ko kung nasaan ang lokasyon ng puso ko. Wala naman akong naririnig, kundi normal pagtibok nito.
Paanong pakinggan ba? Pero teka nagsasalitan ba ang puso?
Parehong-pareho sila ng sinasabi ni Adrianna. 'Di kaya nababaliw na sila? Mukha nga.
Napahiga ako sa sopa ngunit napabangon ako ng may kung anong matigas akong nahigaan kaya naman kinapa ko ito. Cellphone. Kay Caleb siguro ito. Sa sobrang board ko, binutingting ko ito. Buti na lang walang lock.
Ang boring naman ng cellphone ni Caleb, wala manlang games.
Lahat yata ng apps ng cellphone binuksan ko, hanggang sa mapapadpad ako sa message nito kung saan tumambad sa akin ang kaisa-isang message na laman nito.
Nakaramdam ako ng inis nang mabasa ko ang pangalan ng ka-text niya.
So, they are texting?
Ano textmate sila?
Since when?
How did they get each other number?
Bakit pakiramdam ko napagtaksilan ako?
Binuksan ko ang message.
-
Caleb:
How are you? Hope you are fine now. Ako na ang humingi ng paumanhin sa nagawa ni Xaver sayo. If you need someone to talk. I'm just here.
-Lalong kumulo ang dugo ko nang mabasa ang message ni Caleb.
Wow! Acting like a knight. Tsk!
Walang reply si Lavisha. Ewan ko ba pero natagpuan ko na lang ang mga daliri kong nagtitipa ng mensahe para sa kaniya..
-
Caleb = Ako:
Huwag mo na akong ite-text kahit kailan. Wala na kayo ni Xaver kaya wala na ring dahilan para kausapin kita. Kahit si Adam, kapag nag-text siya sayo huwag mo ng replyan.
-Napangsi ako matapos pindutin ang send botton.
Lumayo ka sa akin 'di ba? Bakit hindi mo pa lubus-lubusin?
Ibabalik ko na sana 'yong cellphone ni Caleb sa sopa ng mag-vibrate ito.
Nag-reply si Lavisha. Dali-dali kong binuksan ang cellphone para mabasa ito.
-
Lavisha:
Pinagsasabi mo diyan? Hindi kita tini-text! Ikaw itong nagte-text sa akin. Naa-abno ka na ba, ha Caleb?
-Magre-reply na sana ako kaso...
"Dre, nakita mo ba 'yong phone ko?" Si Caleb na kakapasok lang sa pinto.
"Ha? Anong cellphone?" Mabilis kong tiinago ang cellphone niya likod ko.
"My phone. Hindi ka ba naiwan diyan sa sopa?"
"Wala ah! Wala dito." ani ko sa sorbrang defensive na tinig.
Naningkit ang mga mata niya. "Are you sure?"
"Pinagbibintangan mo ba ako na kinuha ko, ha?"
"Dre, nagtatanong lang ako."
"Wala nga sa akin. Ano namang gagawin ko doon? I have my own phone, mas maganda pa sa cellphone mo, kung gusto mo sayo na ito." Ani ko at dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko sabay bato sa kaniya na agad naman niyang sinalo. "Sayo na iyan, mganda iyan," ani ko pa.
"Ano namang gagawin ko dito?" tanong niya.
"Huwag mo ng hanapin 'yong cellphone mo, bulok na iyon, ang pangit na. Kung ayaw mo niyan bibilhan na lang kita ng bago. Ano bang gusto mo? Ilan?"
"Ang gusto ko 'yong cellphone ko," aniya.
"Ikaw. Kung gusto mo hanapin mo. Huwag mo ako idamay," anang ko at pasimple kong isinilid ang cellphone niya sa bag ko. "Uuwi na ako."
"Kala ko ba hihintayin mo si Adrianna?"
"Inaantok na ako. Kung gusto mo ikaw na lang ang maghintay sa kaniya.."
"Ang wierd mo ngayon."
"I'm not. I'm just happy."
"Nang iwan kita dito kanina, problemado ka. Ngayon masaya ka na?"
"Ang dami mong napapansin, Caleb. Ang problemahin mo 'yong paghahanap mo sa cellphone mo."
Iyon ay kung makikita mo pa. Pasensiya na bestfriend, pero sa akin na muna ang cellphone mo, pahiram muna ako.
"Mukhang may nakapulot na ng cellphone ko, e," aniya.
"Wala akong alam diyan, ah. Makauwi na nga, mahirap na baka mapgbintangan mo pa ako. Malinis ang kunsensiya ko, kahit pa kapkapan mo ako."
Nginisian niya ako. "Talaga ba? Sige nga?"
"Nagmamadali ako, e." Aniko at nilagpasan na siya.
"Sandali! 'Yong cellphone mo!" Habol niya sa akin.
"Sayo na iyan!"
"Sure ka?" tanong niya.
"Oo."
"Ano gagamitin mo?"
"May extra ako."
"Salamat dito, dre. Ibabalik ko sayo ito kapag nakita ko na 'yong sa akin."
Salamat din sa cellphone mo.
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...