Kabanata 63

93 3 0
                                    

Lavisha's POV

"ANONG problema ng Caleb na ito?"

Akala ko pa naman mabait siya, e may pagka Xaver din pala ang ugali niya, magaspang.


Caleb:
Anong ginagawa mo?

Nag-messege ulit ang kampon ni kuto.

Hindi ko siya nireplyan. Kasi 'di ba nga sabi niya huwag ko na siyang iti-text kahit kailan?


Caleb:
Hey?

Hey mo mukha mo!


Caleb:
Busy?

Pinatay ko ang cellphone ko. Bahala siya, hindi ko siya re-replyan.

"Walang pasok ngayon. Hays, ano kayang puwedeng gawin?"

Ang sarap maglakad-lakad ngayon lalo pa't mahangin ang panahon. Kailangan ko ng fresh air para naman medyo gumaan ang pamiramdam ko.

"Saan ka pupunta?" Nagpapaalam ako ngayon kay Mama na lalabas lang ako.

"Maglalakad-lakad lang po diyan sa labas."

"Talaga bang diyan ka lang? Baka mamaya kung saan ka na naman magsuot at abutin ka na naman ng anong oras."

"Hindi po, Ma. Diyan lang po talaga ako."

"Oh sya, sige na."

"Sasama ako." Pareho kaming nabaling sa nagsalitang si Lancel na kabababa lang sa hagdan.

Hindi na ako kumontra at hinayaan na lang si Lancel.

"Nag-aalala ka ba na makikipagkita ako kay Xaver kaya ka sumama?"

"Xaver? So, Xaver pala ang pangalan ng gag*ng lalaking iyon."

Patay, nadulas ako!

"Lancel, please lang, ayaw ko ng gulo. Hayaan na lang natin siya."

He chuckled. "Wala akong gagawin sa kaniya kung iyan ang kinakatakot mo. Pero huwag lang ulit siyang lalapit sayo, kasi sinasabi ko sayo ate..." Binitin niya ang sasabihin niya at hindi niya na rin ito dinugtungan pa.

"Tara. Dahil naging good girl ka nitong mga nakaraang araw, ililibre kita ng ice cream," aniya.

"Wow naman, first time 'to, ah?"

"Basta ba magiging masunurin ka, lagi kang may ice cream sa akin."

"Ako 'yong ate pero ako ang susunod sayo? Di ba dapat ikaw ang sumunod sa akin?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Bakit sino ba ang matigas ang ulo sa ating dalawa? 'Di ba ikaw?"

Napanguso ako. "Oo na, ako na."

...

Xaver's POV

"BAKIT hindi siya nagre-reply?"

'Gago! 'Di ba nga sinabi mo sa kaniya na huwag na siyang magte-text kahit kailan?' My thought said.

Damn, oo nga pala!


Ako:
Hey, binabawi ko na ang sinabi ko. Puwede mo na ulit ako i-message.

Naghintay ako ng reply, ngunit lumipas ang bente minuto, wala akong natanggap.

Sa inis ko ay nabato ko ang cellphone at huli na ng marealize ko kung anong nagawa ko.

Dali-dali kong pinulot 'yong cellphone. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ito nasira. At laking gulat ko ng mag-vibrate ito. Sign na may nag-messege.


Lavisha:
Lakas ng trip mo 'no?

Lavisha:
Wala ka bang makagawa kaya pinagti-tripan mo ako?

Lavisha:
Hindi n'yo ba talaga ako titigilan? Lumalayo na nga ako 'di ba?

Lavisha:
Pagkatapos ni Xaver ikaw naman? Bakit nasabi ba sayo ni Xaver kung gaano kasayang paglaruan ang damdamin ko? Kaya heto ka ngayon gusto mo rin sububukan?

Lavisha:
Please naman huwag ka ng dumagdag pa, Caleb!

Lavisha
Akala ko pa naman iba, na mabait ka. Hindi pala. Nagkamali ako ng pagkakilala sayo. Pareho lang kayo ng kaibigan mo.

Woah, tinadtad niya ako.

Galit siya sa akin.

Well, I deserve it.


Ako:
I'm sorry

Iyan na lang ang tanging nasabi ko.


Lavisha:
Okay lang.

Ako:
Galit ka ba sa akin?

Lavisha:
Hindi naman.

Hindi naman pala siya galit sa akin.

'Gag*, ang akala niya si Caleb ka. Kay Caleb siya hindi galit, hindi sayo.' My thought said.


Lavisha:
Pero naiinis ako sayo.

Ako:
Bakit?

Lavisha:
Nagtatanong ka pa talaga 'no?

Lavisha:
Ayos ka lang ba, ha Caleb?

Ako:
I'm not.

Lavisha:
Bakit may nangyari ba?

Ako:
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Lavisha:
Bakit anong problema?

Ako:
Gago ako.

Lavisha:
Hindi naman. Mas gago pa rin 'yong kaibigan mo.

Ako:
Sino?

Lavisha:
Kilala mo na iyon.

Alam kong ako ang tinutukoy niya. Kasi sino pang bang iba 'di ba?


Ako:
Galit ka ba kay Xaver?

Lavisha:
Hindi.

Ako:
Hindi? How about 'yong ginawa niya sayo?

Hindi na siya nagreply pa.

Pero ang isipin na hindi siya galit sa akin, naglagay ng ngiti sa labi ko.

"Ngiting-ngiti tayo ah?" Si Adam na kadadating lang dito sa VIS room. "Sinong ka-text mo? At teka, cellphone ba ni Caleb iyang gamit mo?"

Agad kong tinago 'yong cellphone. "Hindi ah!" buwelta ko. "Naa-abno ka na ba? Bakit naman mapupunta sa akin 'yong cellphone ni Caleb? Anong gagawin ko doon?"

"Para kasing kay Caleb."

"So, anong gusto mong palabasin? Nangunguha ako ng hindi sa akin? Magkaibigan nga kayo ni Caleb, pareho kayong mapagbintang."

"Dre, magkakaibigan tayo."

"Oo nga, pero 'di hamak naman na mas matino ako kaysa sa inyo."

"Oh, talaga? Saan banda ka matino? Gusto mo ba ipaalala ko sayo ang mga kagaguhan mong ginawa?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mong lumunok ng kamao?"

"Easy lang, dre. Hindi mabiro?"

"Ang pangit ng biro mo," asik ko.

"Himala yata, ang ganda ng mood mo, ah? Parang noong isang araw lang parang pasan mo ang daigdig."

"Ang dami mong napapansin."

"Naiintriga tuloy ako kung sino ang katext mo. Mukha kasing siya ang dahilan ng maganda mong mood. Sino ba iyon? Si Adrianna ba?"

"Tsk! Ang chismoso mo. Diyan ka na nga." At iniwan ko na siya.

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon