Kabanata 32

94 2 1
                                    

Lavisha's POV

"XAVER, anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako nang makita siya labas ng room ko.

"Ihahatid na kita sa inyo," aniya.

"Huh?–E, si Adrianna?"

Kumunot ang noo niya. "Anong mayroon kay Adrianna?"

"Hindi mo ba siya ihahatid?" tanong ko sa maliit na tinig.

"Hindi," tipid niyang sagot.

"Bakit hindi?" tanong ko pa.

"Susunduin siya ng driver niya," blangkong sagot niya.

"Bakit hindi ka nagpresinta na ikaw na lang?" Ang dami kong tanong, ang tipid niya naman kasing sumagot, e.

"Ang dami mong tanong, pasalamat ka pa nga at naisipan kitang puntahan dito."

"Sino ba kasing nagsabi sayo na puntahan mo ako dito?"

"Huwag kang mag-isip ng kung ano, walang ibig sabihin 'to. Madadaan ko ang bahay n'yo kaya isasabay na kita," maagap na aniya.

Hindi ako malisyoso katulad mo.

Ayos makakatipid ako sa pamasahe, may pang fishball ako sa kanto.

"Sig—" papayag na sana ako kaso hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya ang sinasabi ko.

"Pero kung ayaw mo edi huwag," iritadong aniya at iniwan ako.

"Oy teka!" Habol ko sa kaniya. "Oo na nga, e!"

"Mukhang ayaw mo naman, e."

"Wala naman akong sinabi, ah?" Papayag na nga ako, e.

"Tsk." He just tsked me.

"Sige ihatid mo ako," anang ko.

"Nagbago na isip ko, ayaw ko na."

"Ang bilis mo naman mag-changed of mind, hindi mo manlang ako binigyan ng pagkakataon na magpasya."

"Paano mas inuuna mo iyang kaartehan mo."

"Anong kaartehan ka diyan? FYI lang, sa ating dalawa alam naman natin na ikaw ang maarte."

Wala ng tatalo sa kaartehan mo, daig mo pang ang babae.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Hehehe!" alanganin akong napatawa sabay peace sign. "Joke lang, masiyado ka namang mainit."

Napautol ang pag-uusap namin ni Xaver nang may tumawag sa akin mula likuran.

"Lavisha?" Si Cyrus ito na agad na nakalapit sa amin.

"Akala ko sabay tayo?" tanong nito.

"Sige magsabay na tayo," anang ko, e mukha namang hindi na ako isasabay ni kuto dahil sinumpong na siya ng topak niya.

"Sa akin sasabay si Lavisha," biglang ani ni Xaver.

"Akala ko ba ayaw mo na akong isabay?" tanong ko. Napaka gulo niya talaga. Ang hirap niya espelengin.

"Kailan ko sinabi iyan?" tanong niya.

"Kanina la—"

"Wala akong sinabing ganiyan," aniya sabay hila sa akin paalis---palayo kay Cyrus.

"Next time na lang tayo magsabay, Cy," pasigaw kong sabi kay Cyrus para marinig niya ako dahil medyo malayo na kami sa kaniya.

.

.

.

SA kotse.

"Himala ata parang bumabait ka na sa akin, ah?" pagbubukas ko ng topic. "Ikaw ah, baka nagkakagusto ka na sa akin, ah?" biro ko.

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon