Lavisha's POV
PAGKAGISING ko ay sa kitchen na agad ko dumiretso, pero siyempre bago iyon inayos ko muna ako sa sarili ko. Buti nga na-realize ko na wala ako sa bahay, e, kundi baka... baka hilingin ko na lang na lamunin ako ng lupa dahil sa hiya kung saka-sakaling makita nila ang itsura ko na parang ginahasa ng kama. Hayyy... pasadong alas-nueve na pala, tanghali na ako nagising. Kung nasa bahay ako baka binagsakan na ako ng kaldero ng magaling at ubod ng tino kong kapatid na si Lancel.
Pagpasok ko sa kitchen ay laking gulat ko nang makitang si Adrianna. Nandito na pala siya. Masayang silang kumakain habang nagkukuwentuhan. Ang galing 'di manlang talaga nila ako hinintay o kinatok manlang para sabihing mag-aalmusal na.
"Lavisha," nakangiting bati sa akin ni Adrianna. "Tara sabayan mo na kami mag-breakfast."
Bakit hindi n'yo iyan naisip kanina?
"Hindi na. Mamaya na lang ako kakain. Enjoy eating na lang. Don't mind me, kunwari na lang wala kayong 'ako' na kasama," I said bitterly.
"Anyway, kararating mo lang ba?" tanong ko kay Adrianna.
"Hindi, kanina pang ala-cinco."
"Ahhh..." Napatango na lang ako.
"Sige, ituloy n'yo lang iyang pagkain n'yo. Balik na ako sa kuwarto ko." At tinalikuran na sila.
"Kumain ka na dito. Sabayan mo kami," biglang wika ni Xaver sa ubod ng ma-autoridad na tinig.
Pilitin mo muna ako.
"Hindi pa naman ako guto—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa biglang pag-alburoto ng tiyan ko. Pahamak na tiyan.
"Hindi pala, huh?" Nginisian ako ni Xaver.
I pouted. Wala na akong nagawa kundi sabayan sila. Huli na ako e, wala na akong lusot. Isa pa, g na g na rin naman talaga ako.
Pagkatapos naming mag-almusal ay sa wakas mamasiyal na kami at maliligo sa dagat!
Pagkalabas namin ay para akong asong nakawala sa hawla na nagtatakabo sa puting buhangin.
Hindi tirik ang araw kaya naman sobrang na-enjoy ko ang dalamapasigan.
Pero 'yong sayang nararamdaman ko agad ding naglaho nang makitang... grabe ang pagdikit ni Xaver kay Adrianna. Hindi na siya umalis sa tabi nito. Nag-uusap sila na para bang silang dalawa lang ang taong narito.
Kahit na alam kong may mahal ng iba si Adrianna hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng takot at... selos.
Bigla akong nanlata at napagdesisyonang maupo na lang. Naupo ako sa buhangin.
Napabaling ako sa kanan ko nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Si Caleb.
"Kung alam mong nasasaktan ka na... huwag mo nang tignan pa---huwag mo na silang tignan."
"Ano bang sinasabi mo diyan?" Kunwari ay hindi ko alam ang tinutukoy niya.
"I know gusto mo si Xaver."
Pero hindi naman niya ako gusto, e.
"Saan mo naman nakuha iyan? Imbento ka rin 'no?"
"Huwag mo ng ikaila pa, halata naman. The way na tignan mo siya... kumikislap iyang mga mata mo. At kapag nakikita mo naman silang magkasama ni Adrianna... iyan, ganiyan ang mukha mo, hindi maipinta.
"Hmp. Hindi kaya! Masiyado ka lang nag-o-overthink, Caleb!" kaila ko. "Hindi ba puwedeng ano lang—ahmmm... hindi lang ako fan ng kakesohan? Naaasiwa lang ako kapag may nakikita akong lovers.
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomansaLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...