Xaver's POV
"DRE, huwag ka na magkaila. Si Lavisha, nasaan siya? Saan mo siya dinala?"
"Bakit sa akin mo siya hinahanap?" Umarte akong natural.
"Dre, huwag na tayong maglokohan. Alam kong ikaw ang kumuha sa kaniya. Ipapaputol ko ang daliri ko kung wala siya sayo."
"Ngayon pa lang putulin mo na dahil wala siya sa akin."
"I don't believe you. Ikaw lang ang may motibo para gumawa noon."
"Just mind your own business, Caleb. Huwag mo akong pakialamanan! I know what I'm doing, okay?!" Mariin kong sabi.
"Dre, maawa ka naman sa pamilya ng tao! Sobra na silang nag-aalala kay Lavisha!"
"I know! Naiisip ko na iyan! Magpapaliwanag na lang ako sa kanila at hihingi ng paumanhin. Sa ngayon hindi ko pa puwedeng iuuwi si Lavisha sa kanila, okay?"
"Tama nga ako."
"Alam ko naman kasing hindi mo ako tatantanan."
Natawa siya. "Baliw ka na, dre."
"Ngayon lang ako naging ganito. At lalo akong mababaliw kapag tuluyang lumayo at mawala sa akin si Lavisha."
"Dre, kaibigan mo kami. Hindi mo kailangang maglihim sa amin ni Adam. Suportado ka namin sa mga kaabnuan mo. Hindi ka namin ilalaglag."
"Tsk! Kaya pala parang ang gusto mong mangyari iuwi ko si Lavisha."
"Dre, hinuhuli lang kita. Sure na ako na nasa iyo siya pero gusto ko pa rin makasigurado."
"Oo na. Nasa akin siya. Happy?"
"Ibang klase. Malala ka na, dre. Umabot ka na sa pangingidnap."
"Iyon na lang ang nakikita kong paraan."
"Don't worry, dre. Tulad nga ng sinabi ko, hindi kita ilalaglag. But please, ibalik mo rin kaagad siya dahil kawawa 'yong family niya."
"Yea, I will. Ayaw kong magalit sila sa akin. After kong suyuin si Lavisha, sila naman. Magpapa-good shot ako sa kanila."
"Well, good luck sayo. Sa ginawa mo mukhang mahihirapan ka."
"I know. Handa akong harapin at tanggapin ang galit nila sa akin."
He patted my shoulder. "Good luck na lang ang tanging masasabi ko sayo."
"Thank you, dre. Anyway, paano mo nalamang nandito ako?"
"Actually, hindi ko inaasahan makikita kita dito. I'm just really came here para mag-grocery."
"At oo nga pala, dre. Nakalimutan kong sabihin sayo. 'Yong Cyrus---'yong kaibigan ni Lavisha. Iginigiit niya na may kinalaman ka sa pagkawala ni Lavisha na totoo naman talaga, pero iyon nga talagang idinidiin ka niya."
"Ang gagong iyon! Gusto niya ba talaga akong kalabanin?!"
"Mag-ingat ka na lang dre, kung ayaw mong mahuli ng maaga. Huwag ka na rin munang maglalabas. Pinagtakpan ka na namin ni Adam. Sinabi namin na lumabas ka ng bansa kasama ang daddy mo."
Damn! Buti na lang pala may out of the country business conference si dad kundi malalaman niya ang mga pinaggagawa ko.
"Ang laking gulo ng pinasok mo, dre. Kapag nalaman ito tito Raver, ng daddy mo panigurado---"
"Alam ko ang consequences nitong pinasok ko at handa akong harapin ito."
After naming mag-usap ni Caleb ay agad na kaming naghiwalay. Tinatanong niya pa nga kung saan ko dinala si Lavisha pero hindi ko na ito sinagot pa. Tama ng alam niya na nasa akin si Lavisha.
"Saan ka ba nanggaling?" bungad na tanong sa akin ni Lavisha pagpasok na pagpasok ko sa silid.
Napangiti ako. "Bakit na-miss mo ako?"
"Asa!" buwelta niya.
Ako nagtitimpi lang. Kapag ako hindi nakapagpigil hahalikan ko na talaga ang babaeng ito. Baka kasi sakaling mawala ang pait sa dila niya. Puro na lang pagsusungit at pagsusuplada ang ginawa niya sa akin. Hindi porke lalo siyang gumaganda sa pagsusungit at pagsusuplada ay aaraw-arawin niya na ito---actually inoras-oras niya na pala.
"Inubos mo ba 'yong pagkaing hinanda ko sayo?" tanong ko.
"Oo, kahit pa hindi masarap."
"Hindi daw masarap pero naubos."
"Ganoon kasi ang turo sa akin ng parents ko. Kainin kung anuman ang nasa hapag at ubusin ang nasa plato. Sa madaling salita huwag magsayang."
Napatango-tango ako habang hindi mapigil ang ngiti sa labi.
...
Lavisha's POV
NAKAKAIRITA! Bakit ba panay ang ngiti niya? Abnormal talaga. Sinusungitan na nga siya lahat-lahat tapos pangiti-ngiti pa siya diyan. Siguro enjoy-enjoy siya na makitang naiinis ako.
"Confident pa naman ako sa cooking skills ko. Akala ko naman masarapan ka at maiisip mong tumira na lang dito kasama ko," wika niya.
Napangiwi ako. "Asa ka! Wala ng sasarap pa sa luto ng mama ko. At sa bahay pa rin namin ko gugustuhing umuwi!"
"Kailan mo naman ako balak ipakilala sa kanila?" ngising tanong niya.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Bakit naman kita ipapakilala sa kanila? Bakit sino ka ba? Ano ba kita?"
"I'm your boyfriend."
"Boyfriend your face!" pasinghal kong sabi.
"Okay, okay. Soon to be your boyfriend na lang."
"Lalong hindi! NEVER!"
"Oo nga pala. Dapat pala ligawan muna kita," napapakamot sa likod ng ulong sabi niya. "Damn! Marunong pala akong mahiya." bulong niya sa hangin.
"Sa tingin mo nasaan ang pakialam ko?" I laughed bitterly. "Baka naliligaw. Hanapin mo na lang."
"Sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita," pinal at maautoridad na wika niya.
"Magsasayang ka lang ng oras at pagod."
"Kung ikaw naman ang magiging kapalit, I'm willing to risk."
Puso ko huwag kang bibigay. Tandaan mo self. Laro niya lang ito.
"Hanggang kailan mo ako balak ikulong dito?" pag-iiba ko ng usapan.
"Nasagot ko na iyan 'di ba? Until maniwala ka sa akin at bigyan ko ng isa pang pagkakataon."
"Ang binibigyan lang ng second chance ay 'yong mga taong deserving," anang ko.
"Bakit hindi ba ako deserving?" tanong niya.
"Gusto mo bang sagutin ko iyan?"
Napatiim bagang siya. "Hindi na lang. Alam ko namang magsisinungaling ka lang kasi galit ka sa akin."
"Hindi ako galit sayo."
Napatitig siya sa akin. "Hindi ka galit?"
I rolled my eyes. "Kasasabi ko lang 'di ba?"
"Then why? Bakit iniiwasan mo ako? Bakit hindi mo ako bigyan ng isa pang pagkakataon?"
"Kasi... k-kasi ayaw ko na." Nakakatakot ka na kasing mahalin. Wala kasing kasiguraduhan ang lahat sayo.
"Nangangako ako, Lavisha. Hindi na uli kita sasak---"
"Tama na, Xaver. Hindi mo kailangang mangako."
"Yea. Dapat patunayan ko sayo."
"Hindi na rin kailangan."
"Lavisha..."
"Xaver, tama na. Huwag na nating ipilit pa 'yong mga bagay na hindi naman magwo-work. Nagsasayang ka lang ng oras sa akin at ganoon din ako sayo."
....
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...